Chapter 5: Tears of an Angel

24 2 9
                                    

I don't know what to do. How can he be like that? May mali ba sa ginawa ko? May mali ba? Naging concern lang naman ako. Wala naman talagang masama sa ginawa ko ah. Pumunta lang naman ako doon para ilayo siya sa pwedeng mangyaring masama sa kanya. So ano ba ang masama doon? Siguro ang mali ko lang ay ang pumunta pa ako doon. Wala eh concern ako kasi bestfriend ko si Claude kahit ganon yun. Pero sobra na yung mga natanggap ko! Sobrang sakit! It hurts like hell!

Naglalakad pa din ako ng tuloy tuloy walang pake kung ano ang pwedeng mangyari sa akin. Sobrang nasaktan ako eh. Ganoon naman ang mga tao wala silang pake kung ano na ang pwedeng mangyari sa kanila pagkatapos masaktan. Sabihin niyo na napakababaw ko pero naiintindihan niyo ba ako? Ikaw na nga etong nagmagandang loob ikaw pa yung masama grabe! Ako nga ang dapat magalit sa kanya eh. Ikaw ba naman ipusta sa isang kingkong! Putcha naman! Buti sana kung maayos ayos na nilalang yung katapat niya pero hindi eh isang napakalaking gorilla na hindi mo maintindihan kung saan nanggaling at hinubog ang itsura niya! Sabihin niyo na din na mapanghusga ako pero nagsasabi lang ako ng totoo.

Malapit na ako sa bahay at napansin ko na bukas pa ang ilaw sa aming sala. Hindi ko na lang din eto pinansin kasi baka kakadating lang ni kuya galing date niya. Nabanggit niya yon bago siya pumasok sa eskwelahan. Nakarating na ako at hindi nga ako nagkamali. Kakarating nga lang ni kuya. Nako po! hindi niya pwede malaman na umiyak ako ng dahil sa bestfriend ko! Kasi isusumbong ako neto kanila Mama at Papa pag nakita niya! Okay Jam operation "Paniwalain si kuya!"

Binuksan ko agad ang gate ng aming bahay nagtungo na sa pinto ng aming bahay at binuksan ko eto ng dahan dahan at agad na ako kumaripas ng takbo para hindi na mapansin pa ni kuya ang aking mga mata na pagod na sa pag iyak. Pero sa kasamaang palad napansin niya ako at agad nahawakan ang aking braso. Nako naman Jam bakit ba ang bagal mo?!

"Ku-ku-kuya?" Utal kong sabi sa kuya ko.

"Bakit nauutal ka Jam? Makatakbo ka parang wala kang nakita ha? Hindi mo man lang ba babatiin ang kuya mong pogi?" Pagmamayabang niya na sabi. PWE POGI MO MUKA MO!

"Kuya sorry naman. Nagmamadali kasi ako eh... You know Psych Student maraming kakabisaduhin na terms hehe." Natatawa kong sagot na pumalpak naman kasi napansin ko ang tingin ng kuya ko. Kakaibang tingin ang nakita ko sa mga mata niya. Punong puno eto ng awa. Ewan ko kung bakit pero sana hindi niya napansin. Patay ka na Jam!

Breaking News:" Bunsong kapatid na babae pinatay ng dahil lang sa pag iyak!"

I just erase that idea tsaka who cares naman diba kung umiyak ako kanina? Eh wala naman hindi man nga lang ako sinundan ng gagong yun eh! Hinayaan lang ako maglakad pauwi! Maflat sana yung gulong ng sasakyan niya! Gaya ng mga nagkakandarapa sa kanya puro flat! Joke! Okay abuso na.

Agad naman ako umiwas ng tingin at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa aking braso at umakyat na ako sa hagdan. Napansin ko na lang din na hindi niya na ako sinundan ng tingin at naupo na lang sa sofa at bumalik sa kanyang pinagkaka abalahan kanina. Hindi ko din maintindihan ang kuya ko ngayon eh madalas naman kasi kami hindi magkasundo neto. Ewan ko kung bakit ganon ang tingin niya sa mata ko. Nakakita ako ng awa at kung anong emosyon pa.

Pagkadating ko sa kwarto agad ako humiga sa kama ko at sinubukan ipikit ang aking mga mata na pagod na sa kakaiyak mula kanina. Grabe akalain mo yun maglakad ba naman simulang play ground hanggang sa amin habang umiiyak ay aba naubusan ata ako ng tubig sa katawan joke sa mata lang okay corny na!

Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame bigla na lang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Ano ba naman yan basag late night thoughts oh!

"Sino yan?" Mejo naiinis kong tanong.

"It's me your Kuya Jaeden can I come in?" Maayos na pagkakasabi ng kuya ko. What's with him ba?

"Okay Come!" sagot ko na lang.

"Gambler's Zone"Where stories live. Discover now