CHAPTER SIX - MY SAVIOR
"Psst!" kanina pa ako naiinis sa lalaking ito! For the past two hours na nakaupo ako dito, wala na siyang ibang ginawa kundi ang inisin ako!
"Ano nanaman?!" I whispered without looking at him
"Tsk! Look at me!" na-na-na! Tapos kapag lilingon ako, kahit ano ano nanaman iuutos niya like, kamutin mo nga kamay ko, abutan mo nga ako ng ganyan ganito! Sino ba namang hindi maiinis, tapos kapag nahuli kami, ako lang naman mapapagalitan!
"Ish! Ano nanaman ba?" I rolled my eyes and this time, tumingin na ako sakanya
"Massage my hand, faster!" huminga ako ng malalim, see?
"Dun ka sa masahista mag pa masahe" tingin niya saakin? Masahista! I immediately look in front
"Are you disobeying me?" oo,di ba halata? "I'll count one to three, or else I will scream" edi sumigaw ka hanggang malagutan ka ng hininga
"One.." eeeehh? As if naman sisisgaw ka?
"Two.." hindi ko parin siya pinansin, bahala siya sa bahay niya.
"And three.." 'and three' I mimic his voice -
"L-lexia, can you stop touching my chest? Later baby" lumaki agad ang mata ko ng marinig ko iyon! W-what?!
"M-ma'am --"
"Miss Dailan and Mr. Eastwood! What are you doing? If you are not interested in my subject, get out" mahinahon na sigaw niya saamin pero mababakas mo parin sa boses niya ang galit
No! It can't be!
Magdadahilan na sana ako kaso wala na akong nagawa nang bigla akong hilain ni Zack at nang nasa hallway lang kami saka ko lang naalala na mag kahawak pala ang mga kamay namin. Agad uminit ang pisngi ko
Agad ko tong binitawan at tinignan siya ng masama
"Ano ba talaga ang problema mo! Na-- "
"Who is your master? " he asked with a smirk on his face
"I-ikaw, per-- "
"You said it yourself, I'm your master" saka siya tumalikod "Next time, follow whatever I say or else.. "a t nagsimula na siyang maglakad palayo leaving me confuse
Or else what?
*kringg!*
I shrugged and started walking pero agad din akong tumigil ng maramdaman ko ang isang bagay na tumama sa aking likod
'Awwww!'
Humarap ako at handa na sanang sunggaban ang taong nambato saakin pero tumambad saaking mukha ang mukha niyang nakangiti
I can't stop myself but to glare at him "Ano nanaman --"
"Buy everything on that list" saka niya tinuro ang papel na nasa paanan ko
Magtatanong na sana ako kaso pagharap ko wala na siya
Pinulut ko na ito at sinimulang basahin.
- Six large hamburger
- Six extra large kettle corn
- Six large footlong
- Six extra large coke
- Six slices of strawberry cakeBring it to the 'Forbidden room' and just say the magic word 'Zack Eastwood'
WTF! Sa tingin niya kaya ko itong buhatin? Huhu! Hindi naman ako si hulk
At saan naman daw ang Forbidden Room? Geez! Forbidden nga eh, bat niya ako pinapapunta doon! Aish! Bahala na, baka kung ano nanaman gawin niya kapag di ako sumunod
Sinimulan ko nang tahakin ang daan patungong canteen at wooh! Buti nalang at wala pang tao
Binili ko na lahat at siguro nagtataka kayo kung saan ko kinuha ang pambayad? Zack Eastwood -- the magic word! Kung alam ko lang ang pangalan niya noon, sana hindi ako naghihirap ngayon!
And wait! Kaya ko ba itong buhatin lahat? Tatlong malalaking plastic! Grabe naman ang recess niya, pang isang buwang stock na namin ito at nakadagdag pa sa proproblemahin ko kung saan ko mahahanap ang forbidden room
Hay! Bahala na! Magtatanong nalang ako
Naglakad na ako sa hallway kung saan maraming mga estudyante ang nakatambay na pwede kong pagtanungan pero mukhang mali ata ang naisip ko dahil malapit palang ako sa hallway ay marami nang masasamang tingin ang ibinabato nila saakin
Change of plan, hindi na pala ako mag tatanong sakanila at hindi na pala ako maglalakad dito
Tatalikod na sana ako kaso huli na ang lahat ng nakaramdam ako ng mahigpit na hawak sa kamay ko at malakas na pagtulak saakin dahilan para mahulog ang laman ng isang plastic na hawak ko
Nooooooo!
"Diba ikaw yung kasama kanina ni Kyle!" sigaw ng babaeng tumulak saakin
"H-ha? H-hindi ako yon! " agad kong pinulut ang mga nahulog kanina ,buti nalang at naka styrofoam iyon at hindi natapon ang laman
"Mag sisinungaling ka pa?" she shouted and kicked the styro in front of her
Huminga ako ng malalim
"Malandi ka! Siguro ginayuma mo siya no! At wait, sila pala! Diba pati si Zack inaahas mo! " as long as I can, kaya kong mag timpi. Pinulot ko na yung mga natira at nilagay sa plastic.Tumayo na ako at tumalikod
"Bastos ka rin no! Humarap ka nga --"
"Touch her and you're dead"
Nagtayuan ang lahat ng buhok sa aking katawan at agad tumingin sa taong pinanggalingan ng boses na iyon..
"Z-zack"
Vote. Comment. Fan. Share
BINABASA MO ANG
I'm in love with a Casanova
Humor'We fall inlove by chance but staying in love is a choice' (Edited Version) Highest Ranks ♥ #22 in Teens #96 in Teen Fiction #94 in Humor