CHAPTER SIXTEEN - WIFEY? ENEVE!
Pababa na kami ngayon sa hotel na tinutuluyan namin
It's already six in the morning kaya naman sobrang lamig. Ang hirap ngang bumangon kanina eh, kung di lang nagwawala ang mga bulate sa tiyan ko -- nako! Paniguradong nasa dream land pa ako ngayon
Sama sama kami ngayon -- Wait! Oo nga no? Napansin kong wala si Zack? Nasaan nanaman yon?
Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na kami pababa, baka pag tanungin ko pa ay kahit ano ano nanamang bagay ang pumasok sa utak nila
May tatlong mahahabang lamesa kung saan sama samang kumakain ang magkaka-klase
Uupo na dapat ako sa isa sa mga bakanteng upuan kaso hinila nila ako.Tinaasan ko sila ng kilay pero hindi nila ako pinansin hanggang sa nakarating kami sa isang lamesa
"Bakit naman tayo nandito?" nagtatakang tanong ko?
"Nah! Hayaan mo na! Kumain ka nalang diyan. Ayaw kong nagugutom yung crush ko" nginitian ako ni Bryan
Ewww! Ang mais niya!
Ginantihan ko nalang siya ng ngiti
Kumain na kami kaso nakaramdam ako na parang may nakatingin saakin kaya naman luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang grupo nila Valerie na nakatingin saakin ng masama
Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro kanina pa ako pinag lalamayan. Napailing nalang ako sa iniisip ko at ibinaling nalang ang tingin ko sa kinakain ko. Ehmm -- So yummy!
Natapos ng matiwasay ang pagkain namin. Grabe! Busog na busog ang mga bulate sa tiyan ko, paniguradong nag piyepiyesta na sila ngayon!
"Sige, mauna na kayo, mag c-cr lang ako" paalam ko sakanila, pabalik na rin kasi kami ngayon sa Hotel to prepare
"Eww, yan kasi! Masyado mong inen-joy ang pag kain mo! Ayan tuloy, kailangan mo nang magbawas" napasimangot nalang ako ng magsimula silang magtawanan
Pout
"Iihi lang ako" Kahit na ang totoo ay tatae talaga ako. Bakit? Masama bang tumae? Tinalikuran ko na sila, mahirap na, baka kung ano pa ang sabihin nila
Malapit lang naman ako sa CR kaya agad akong nakarating dito. Infernes! Malinis at mabango yung C.R nila,parang ang sarap matulog dito!
Pumasok na ako sa isang cubicle kaso agad ko rin itong nabitawan ng --
For the second time! Kaya naman pala wala si Zack kanina kasi iba ang kinakain niya, ewww!
Nasa loob si Zack kasama ang isang babaeng halos hubad hubad at ang alam ko, isa ito sa mga stuff dito
Oh no! My poor innocent eyes! Huhu!
Parang bumalik bigla yung ihi ko kaya naman dali dali na akong lumabas at sinarado ang pinto. Take note : Ni lock ko siya, nahiya naman ako sakanila
Siguro sobrang *ehem* na sila kaya naman nakalimutan nilang ilock ito.
Next time na mawala nalang bigla si Zack, panigurado akong may ka *anuhan* nanaman siya.
Hindi nalang ako magtataka kung isang araw, magkakaroon siya ng lahi sa iba't ibang parte ng lugar dito sa Pilipinas!
Napaka talaga tong Zack nato!
The day went well, nagkaroon lang kami ng brief history ng Baguio and also, pumunta rin kami sa Baguio Museum
Our next spot was in Mines View, Botanical garden, The Mansion and Diplomat
Hihi, punong puno na nga yata tong memory ko ng mga pictures eh! Lati sila, may mga stolen shots din sila saakin kasama si Zack! Oo, kasama na namin siya, parang wala ngang nangyari kanina ah? Eww! Erase! Erase! And speaking ---
"Lexia, come here, Bilis!" HMPP! Dun ka nalang sa babae MO!
"Ano pong iuutos niyo MAHAL NA HARI?" papansin kasi ito eh, nag papicture ang tao oh? Can't you see it? Ha? HA? HAAAAA?!
Charingggg!
"Buy me that one, and also that, and that one" nakangising utos niya
Tinaasan ko siya ng kilay "Eh bakit hindi ikaw ang gunawa?"
"Ohh? So who's the BOSS--"
"Oo na, oo na! Bibili na!" nilahad ko ang kamay ko, ang swerte naman niya kung yung pera ko na galing sakanya ang gamitin ko, hihi! Pinaghirapan ko kaya yun
"Don't you dare do that again! Tsk" tinignan niya ako ng masama, siguro kung ibang tao yan, maninigas siguro sila sa takot at ako? Well, I'm used to it! Wahaha? Ikaw ba naman araw araw tignan ng ganyan?
Binigyan niya ako ng credit card "Sa tingin mo sa mall ako pupunta? Gosh! Hindi uso ang credit card dito MAHAL NA HARI!"
"Aishh!" kinalkal niya ang wallet niya at wow! Ang kapal nito, halos wala akong makitang isang daan, puro isang libo!
Binigyan niya ako ng isang libo "Here,siguro naman kasya yan?"
Napasapo nalang ako sa aking noo.Ganito ba talaga kapag mayayaman?
Hindi ko nalang siya pinansin at tinalikuran nalang siya, labag man sa puso kong manlibre, sige, dahil maganda ako, pagbibigyan ko siya
Nakarating na ako sa bilihan ng mais, oo, mais! Imagine that, kumakain pala ng mais ang taong iyon?
"Ate, magkano po to?"
"One hundred pesos" sagot ni ate
Wow! Grabe! One hundred pesos talaga? Aish! Dapat pala kinuha ko nalang yung binibigay ni Zack kanina!
Kinuha ko na iyong pera ko at ibibayad sakanya. Huhu! Nakakainis lang, parang nag slow motion yung paligid ko nang unti uniting nilalagay nung ale yung one hundred ko sa bulsa niya. Bye bye! Mamimiis kita!
Pumunta naman ako sa bilihan ng bananaque and I'm hoping na sana mura lang toh!
Please..
Please..
"A-ate, magkano po tong -- ARAY! HUHU!" ang sakit ng puwet ko! Pano ba naman kasi, bigla nalang may nanulak saakin
"I-im really sorry miss -- O? Lexia maganda? Is that you?" napatingin ako sa kanya? Lexia maganda? WAAA! Nakakahiya!
"Oh? Zeus ?Huhu! Ikaw nanaman?" tinulungan niya akong tumayo
"Look, I'm really really sorry. Promise, hindi ko sinasadya yon" itinaas niya ang right hand niya at bakas naman sa mukha niya ang sinseridad
Awww! Ang cute niya! Kusa akong napangiti
Nginitian ko siya saka ko kinurot yung pisngi niya, hehe, nakakapanggigil eh!
"Ouch!" daing niya saka niya hinaplos ang pisngi niyang ngayon ay namumula na
"He-he-he, I'm really sorry too! Hindi ko sinasadya yon, promise!" ginaya ko kung paano niya sinabi iyon kanina
Bigla siyang tumawa "You look--" naputol ang sinasabi niya ng may magsalita sa likuran namin at kahit hindi na ako humarap, kilala ko kung kaninong boses yon..
"Wifey? What are you doing there "
Wifey? Eneve!
Vote. Comment. Fan. Share
BINABASA MO ANG
I'm in love with a Casanova
Humor'We fall inlove by chance but staying in love is a choice' (Edited Version) Highest Ranks ♥ #22 in Teens #96 in Teen Fiction #94 in Humor