CHAPTER SEVENTEEN - ONE. TWO. THREE?..
"Wifey? What are you doing there"
Wifey? Eneve!
Pero wait....
"Oh? Insan! How are you?" OMG?! OMG! PINSAN NI ZEUS SI ZACK?! BAKIT NIYA ITO NAGING PINSAN?! BAKIT SILA MAG PINSAN -- Ay -- Hihi,sorry na, kala mo naman kung sino ako maka react! Pero seriously?!
"Tsk! What are you doing here alone with my Wifey!" sigaw ni Zack. Wait? Ha? Anong Wifey?
Tinignan ko siya ng nagtataka "Ha? Anong--"
Hinila niya ako papalapit sakanya "I miss you too! Where have you've been?"
"B-bitaw--"
"What? Do you want me to kiss you?" ngumuso siya at inilapit ang mukha niya saakin
Tinignan ko siya ng 'What are you doing ' look?
Kinurot niya ang braso ko
"Ohh? Sorry! I thought she's alone" nginitian ako ni Zeus. Hihi! Ang gwapo naman ng angkan nila! Haha! Pa lahi naman ako -- Ewww! Tsk! Magtigil ka nga Lexia!
"Now you know that She's. Mine! Tsk! Shoo, go away! Or better, lets go WIFEY! Nalingat lang ako saglit, kahit saan saan ka na pumupunta!" at hinila na niya ako palayo kay Zeus
And I'm like? What the hell is happening?
Nang makalayo na kami at hindi ko na siya matanaw, bigla niya ako binitawan
Ay! Grabe siya oh!
"Tsk!" yan lang sinabi niya saka niya ako iniwan!
Wow ha? Thank you! Thank you talaga!
"Hoy! Ang kapal talaga --"binigyan niya ako isang death glare!
"Tss! Shut your mouth or else I'll kiss you!"
"Ehmm.. mmmmmm... ehmmmm....mmmmmmm---"
Pinutol niya ang sinasabi ko "F*ck! What the hell are you saying! Are you trying to pissed me?"
Nge? Ang gulo naman nito
"Eh? Sabi mo i-shut ko yung mouth ko! Edi --"
"Oh? Nandito lang pala kayo, kanina pa namin kayo hinahanap ah?" sigaw ni Kyle saamin
"Ahhhh... "
"Bilis, kayo nalang kaya hinihintay!" pahabol ni Alexis
Tinignan ko lang si Zack na ngayon ay naglalakad na palayo saakin. Geez! Ang hilig talaga niya mang iwan no? Well ano nga ba ang ineexpect ko sakanya?
Pumunta na ako sa kanila at umalis na nga kami doon
Thursday na ngayon at sa nagdaang tatlong araw, ang rami naming ginawa na talaga namang nakaka pagod!
Pero sulit naman lahat ng yon dahil sa bawat pinupuntahan namin ay grabee -- nakakatanggal pagod yung mga site dito, dagdag mo pa yung puro pine tree na background. Hihi!
Last day na namin bukas kaya dapat sulit sulitin na namin ngayon. Napa buntong hininga nalang ako at pinag patuloy ang pag lalakad sa labas
Hindi naman required na maaga kami ngayon pero dahil nasanay na ang katawan ko, nagising nalang ako ng five am
"Hey, bitch!" napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na iyon
"V-vallerie?"
"Why? Are you scared bitch! Gosh! Ang landi landi mo talaga!"
"True! Akala mo kung sino kang maganda! Ewww! Nakakasuka kaya yang pag mumukha mo!"
Umiwas ka Lexia, umiwas!
Hindi ko nalang sila pinansin at tumalikod nalang ako but I think, mali ang ginawa ko
"Huh! Ay hindi ka lang pala malandi no? Bastos ka rin eh!"
Hinawakan niya ang balikat ko saka ako pinaharap sakanya. Pinalibutan naman ako ng mga kasama niya
"P-please, ayaw ko ng gulo --"
Pak!
O-ouch! Napahawak nalang ako sa pisngi ko dahil sa hapdi na nararamdaman ko
"Ayaw mo na gulo? Then layuan mo si Zack!"
Pinigilan ko anv luhang malapit nang kumawala sa mata ko
"Ewww! Pokpok, malandi, bitch,slut!" tinulak niya ako sa isang niyang kasama
"You forgot something,you whore!" saka ulit ako tinulak sa isang kasama nila
"My gosh! Wag mo nga akong hawakan, promise, maliligo talaga ako ng alcohol mamaya!" at tinulak niya ako ng malakas sa floor
Nagsimula silang magtawanan "Let's go girls, baka mahawaan pa tayo ng virus niya!"
Hindi ko na sila pinansin at itinuon ko nalang ang pansin ko sa tuhod at kamay kong nasugatan. Ouch! Ang sakit! Ang hapdi!
Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko talaga kayang tumayo.
I tried it again -- again, and again pero ni isang hakbang di ko nagawa
URGH! Bakit naman ganito to kahapdi?
Oo, galit ako -- and I hate the feeling when suddenly my anger turns into tears. Ayaw kong maging mahina pero hindi ko mapigilang umiyak
"What are you doing there?" Z-zack?
Agad kong pinunasan ang luha ko at pinilit tumayo "H-ha? Wala -- H-hehe? I-im okey--" di ko nakayanan ang hapdi kaya agad din akong natumba
Pinikit ko nalang yung mata ko at hinintay nalang ang katawan kong tumama sa sahig. One, two, three? ..
Vote. Comment. Fan. Share.
BINABASA MO ANG
I'm in love with a Casanova
Umorismo'We fall inlove by chance but staying in love is a choice' (Edited Version) Highest Ranks ♥ #22 in Teens #96 in Teen Fiction #94 in Humor