Chapter 2
Naglilinis ako ng kwarto ko. Medyo masakit narin kasi sa mata kaya nag desisyon na akong maglinis.
Muntik na akong maiyak sa nakita ko. Kumirot na naman yung puso ko nang makita ko yung picture namin.
Miss ko na to. Miss ko na yung mga ala-alang masaya pa kami. Bakit kasi napaka mapaglaro ng tadhana.
Sign na ba toh? Sign na ba na kailangan ko ng umuwi sa pilipinas para makita ko na ulit sila?
Ang mga kaibigan ko.
They are always busy. Minsan ko nalang sila nakakausap. Busy kasi sila sa mga school project at activities sa school. Kaya ang hirap makasingit sa oras nila.
Huling contact namin sa isa't isa last month pa pero never nagbago yung pagsasamahan naming apat.
Sobrang saya namin kaso si Jessie at Lina lang ang nakausap ko wala si Maica dahil kailangan daw sa ibang school para sa interview ng mga performance ng estudyante ng Clenx Academy.
Isa siya sa mga honorable student sa Academy. Isa rin siyang leader sa buong Clenx Academy.
Saming magkakaibigan siya yung pinaka matalino at matiyaga. Magandang morena si maica. Bilib nga ako din dahil kahit busy yung taong yun never niyang pinaramdam na malayo ako sa kanya, sa kanila.
Hindi ganon ka daldal si maica tulad ng dalawa pero lagi mong maasahan yan.
Nasa mayamang pamilya si maica kaya ganon kaclose ang pamilya namin. Ganon din sila Jessie at Lina
Si jessie eto yung kaibigan kong wala nang ginawa kung hindi mag shopping. Kung ano ang uso go yan. Wala cancer na ata yung pag gastos niya ng pera. Nasa kanya kasi yung word na Fashion. Hindi ko nga alam kung may natatagong pera pa 'yon. Sana inilalagay niya nalang yung pera niya sa bank account niya. Incase of emergency diba? May madudukot siya.
Ang problema lang sa babaeng to 'yung pagka-pilosopo niya. Sobrang taray. Kaso tanga sa pag ibig. Weakness niya 'yon. Yung mag mahal.
And last si Lina.
Sobrang lakas mang trip nito. Pero kahit ganon maasahan pagdating sa advice. Nagiging love guru to pag may dramahang nagaganap. Silang dalawa lagi ni Jessie ang madalas hindi magkasundo dahil mag pinsan sila. Masasabi mo talagang magaling sa lahat yang si Lina dahil madiskarte sa lahat ng bagay yan.
Miss ko na sila. Sobra. Miss ko na yung kulitan namin.
Next week na ang bakasyon nila.
Umuwi kaya ako? And i will suprise them?
Bad idea.
Bigla akong nakaramdam nang gutom.
Pag-kababa ko nakita ko agad yung mga kaibigan ni Liam. Naka-upo sila sa sofa siguro anim sila tatlong babae at tatlong lalaki.
Naalala kong wala pala si lola at lolo nakila lolo Vic sa kaibigan nila kaya solo namin nila kuya ang bahay.
Kaya naman pala nagdala siya ng kaibigan niya dito. Nanonood sila ng movie sa sala hindi ko nalang sila tiningnan nung dumaan ako sa malapit sa kanila.
"Hey whats up angelica" bati sa akin ni breeze.
Hindi ako sure. Naririnig ko lang kasi yon minsan. Bres ata name niya. Oo tama bres hindi breeze.
I just smile at him.
Tiningnan ko si Kuya. Ang sama ng tingin sa akin. Who cares?
Nakita na naman niya akong naka short. Ayaw niyabmng nakashort ako sa harap ng kaibigan niya. Duh. Ano pa mag aadjust?
YOU ARE READING
My True Destiny
RandomPlease read and support my story. Hope you enjoy and like it! Saranghae!