Chapter 1:The Beginning of a New Journey

11 2 0
                                    

                                    Noong unang panahon, Sa kalaliman ng gabi. Habang ang tao'y tahimik na namamahinga sa kanilang mga tahanan. May isang nilalang na di makatulog.Hindi siya mapalagay sa kanyang higaan.Kaya naman,naupo siya sa higaan at kumuha ng panulat at papel. Naisip niyang gumawa ng kwento. Isang kwento na wala sa realidad. Nakakasawa na kase ang mga drama ng buhay. Puro na lang kase pag-ibig,tungkol sa pamilya,karahasan,horror at droga. Kung kaya't, isang malapantasyang serye ang kanyang  naisip. Kung saan sya ang gaganap na bida. Syempre sino ba  namang manunulat ang ayaw mapasali sa kanyang Obra Maestra. Kaya naman ng mga  oras ding yaon, huminga sya nang malalim at nagisip kung paano nya sisimulan. Ipapakilala ba nya ang mga tauhan o ipagpapatuloy ang introduksyon ng kwento sa pamamagitan ng pabibigay larawan sa kung ano nga ba ang itsura,kilos at ugali nya. 


                                Ako si Joselito.  Labingsiyam na taong gulang.Isang matalino at masayahing bata.Hilig ko ang pagbabasa ng Manga o Komiks at panunuod ng Anime. Pati na ang pagguhit at paglalaro  ng Computer Games gaya ng League of Legends at Dota 2. Isa akong mag aaral ng kursong Information Technology at isang batang maka-Diyos at maka-Kalikasan. Nung ako'y nasa elementarya ginawaran ako ng "Most Imaginative" sa klase. Kaya naman hanggang sa ngayon ay hindi  ko pa rin ito makakalimutan. 


                                Syempre dahil tayo'y isang tao  na nilikha ng Diyos binigyan nya tayo ng kakayahang mag-isip. Hindi mo ba alam o napapansin na tayo'y may kapangyarihan? Ito ay ang kakayahang makagawa ng mga imposibleng bagay o tinatawag na imahinasyon. Isang kakayahan na tanging tayo lang ang mayroon. Di tulad ng mga halaman at hayop. sa bawat imahinasyon natin ay mayroon ding ibat-ibang pakahulugan. Ito ay natatangi o unique. Kaya naman, sa pasimula, huminto ang lahat ng bagay. Ang kilos at galaw, tunog o huni ng mga hayop at mga bagay na gumagalaw  o pinagagalaw ng ating mga mata.


                                 Ang aking panulat at papel ay parang isang  mag sing-irog. Sa bawat salita na nalilikha nang panulat sa papel ay tanda ng pag mamahalan.Kung  ang papel ay puti lamang ay parang walang buhay ito. Kaya laging  magkasama ang dalawa. Pumikit ako at dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Ako'y namangha ng mamasdan ko  ang isang lagusan na nalikha ng aking panulat. Sinubukan kong makapasok at nang nasa loob na ako, wala akong makita.Ito'y madilim. Nang biglang nakarinig ako ng mgahuni ng hayop. Ito'y huni ng kwago, kulisap at aso. Kaya naman, nagmamadali akong tumakbo. May kaba sa aking dibdib dahil hindi ko alam ang daan palabas o pabalik sa realidad. Basta ang alam ko lang ay pumasok sa lagusan. Maliit ito at makitid na lagusan dahil sa sukat ng aking papel. Ngayon, masakit na ang aking mga binti at paa at nanghihingal na ako ngunit kailangan ko pa ring magpatuloy hanngang sa makita ko ang daan palabas. Para bang naglakad ako ng isang kilometro o higit pa sa sobrang layo. Makalipas ang ilang oras, narating ko na ang dulo at may nakita akong pinto na kasing sukat ng papel ko kaya dali-dali kong binuksan.

The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon