Chapter 9: A New Comrade

5 0 0
                                    

                                 Habang nagpapahinga, nakarinig ako ng isang tinig. Sa di kalayuan natanaw kong parang may pinagpipiyestahan ang mga ibong uwak. Lumapit ako at tiningnan kung ano ang kanilangpinagaagawan. Ito'y isa palang itlog. Mas malaki ang sukat sa mga ibon na iyon. Ang itlog ring yun ay bilog na parang bola. Kakaiba rin ito sa kulay na pula, puti at itim. Ikinagulat ko na ito'y pinagmumulan ng tinig. Isang nagsasalitang itlog! Pambihira. Kaya naman, gamit ang aking sandata ay itinaboy ko ang mga ibon.

"Tulong! Tulong!" ang wika ng itlog.

Kaya naman nang makaalis na ang mga uwak...

"Ligtas ka na kaibigan. Wala na sila".

Kaya naman, unti unting nabasag ang itlog. Namangha ako sa aking nakita. Isang batang dragon ang laman ng itlog. Siya'y may malalaking bilog na mata. Tatlo ang daliri sa kamay at paa. May maliit na buntot at pakpak. Kulay pula, puti, at itim ito sa kanyang buong katawan.


kaya nang dumilat ito ng mata ay binati ko siya...

"Maligayang pagdating sa mundong ito munti kong kaibigan."

 Siya'y agad na lumapit sa akin nang may kagalakan. 

"Maraming salamat din sayo." Ang wika niya.

Kaya naman matagal din kaming naglaro at nagkasayahan. At pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya. Kailangan ko na kaseng magpatuloy sa paglalakbay ko. Nang paalis na ako ay palihim itong sumunod. 

"Ayokong maiwan magisa. Diba sinabi mong tayo'y magkaibigan?" Ang nagmamakaawang wika ng munting dragon.

Sinabi ko naman sa kanya na  baka hanapin sya nang kanyang magulang at sa oras na di sya makita ay  malulungkot ang mga iyon. Kaya hindi na muli pang sumunod sa akin ang dragon. 

"Maghintay ka na lamang dito at pag may nakita kang mabangis na hayop ay magtago ka sa damo."

Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad hanggang sa naisip ko na baka kung anong mangyaring di maganda sa munting dragon. Naisip ko rin na imposibleng mangitlog ang dragon sa ganitong lugar. Kaya, binalikan ko ang lugar na pinag iwanan ko sa kanya. Laking gulat ko nang nawala ito. Kaya hinanap ko sya.

"Munting Kaibigan nasan ka na!!!" Ang pagaalala kong pagtawag

Nang mga sandaling iyon dumating ang gintong ibon na nakausap ko sa Enchanted Forest.

"Nakakita ka ba nang isang maliit na dragon?" Pagtatanong ko rito

Sinabi nya na sa bandang silangan ay may nakita siyang grupo ng mga duwende. May dala-dala itong kulungan na hindi ko tukoy ang laman.

Kaya naman nagmamadali akong sinundan ang nasabing direksyon ng gintong ibon.

Sa aking paglalakbay sa silangan, nadaanan ko ang isang kagubatan roon na kakaiba sa lahat. Ang mga halaman, puno, at nilalang na naninirahan doon ay yari sa kendi. Yung iba sa tsokolate at ang iba naman ay sa matatamis.

 Yung iba sa tsokolate at ang iba naman ay sa matatamis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May nakasalubong akong oso na yari sa gulaman. Tinanong ko ito at nagsalita naman.

"May nakita ka bang duwende na dumaan dito?" tanong ko

"AH...Meron naman marami." Ang sagot ng osong gulaman.

"Paanong marami?" tanong ko

"Kase may pitong grupo ng duwende ang dumadaan dito araw araw. Anong grupo ba?" wika ng osong gulaman.

"Nakita mo ba ang dala nang bawat grupo ng duwende?" tanong ko ulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nakita mo ba ang dala nang bawat grupo ng duwende?" tanong ko ulit

"Oo, naman. Yung pulang duwende dala ay regalo. Yung kahel dala ay prutas. Yung dilaw dala ay karne tulad isda at manok. Yung berde dala ay gulay. Yung indigo dala ay kasangkapan sa bahay ,Yung pink dala ay mahahalagang bato at yung asul dala ay tubig inumin." Paliwanag nang osong gulaman.

"Sigurado ka? Iyan lang ang mga duwende?" tanong ko

"Oo Bakit?"

"Kase wala ni isa sa kanila ang hinahanap ko." tugon ko naman

Kaya nagbaka sakali ako sa ilang naroroon ngunit nabigo ako dahil parepareho lang sila ng sinasabi.

Nang biglang may humatak sa suot ko. Isang ibong merenge. 

"Baka ang tinutukoy mo ay ang masasamanng goblin. Silay mukhang duwende ngunit hindi duwende. Ang layunin nila ay manakit ng kapwa at manguha ng mga bagay na hindi sa kanila.Nakita kong may dala silang kulungan na may lamang isang hayop na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko." Paliwanag ng ibong merenge.

The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon