Chapter 10: Save the Little Dragon

5 0 0
                                    

Kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tinanong kung saan sila nagtungo.

"Ito ay sa timog-silangan. May madadaanan kang ilog ng tsokolate. Sumakay ka sa bangka mula rito."

Agad ko namang sinunod ang sinabi ng ibon. Habang nakasakay sa bangka hindi mo talagang maiiwasan na hindi tikman ang ilog na tsokolate. Sadyang tunay nga rin na itoy tsokolate. Matamis ito at mapait pait. Ito'y purong itim na tsokolate. Makalipas ang ilang oras, narating ko na rin ang dulo ng ilog.

Pagbaba ko sa pampang ay nakasalubong ko ang mga palaka. May isang naka suot ng korona. Nagsalita ito sa akin at sinabing siya ang hari ng mga palaka sa lugar na iyon. 

"Maligayang pagdating sa aking tahanan, Ako si Haring Freddy. Mapanganib para sayo ang lugar na ito kung malalanghap mo ang usok na galing sa mga kabute. Marapat lamang na suotin mo ang maskarang ito.Itoy mabisang pananggalang sa ilong ."

Kaya binigyan ako ng isang maskara ng hari. Gamitin ko daw ito at suotin pag makalampas sa unang kabute. Kaya naman, nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating ang kinaroroonan ng mga goblin. Natanaw ko ang isang naglalakihang kabute. Kaya nagsuot na ako ng maskara. Kakaiba ang pakiramdam ko doon. Parang nanlalagkit ang balat ko . Kakaiba ang paligid dahil sa ang mga puno roon ay mistulang mga kabute. Ang mga hayop na naninirahan doon ay karaniwang mga palaka, bayawak, at linta. Nagpatuloy lang ako hanggang matagpuan ko na ang lungga nga mga goblin.

Sa unang tingin nakakatawa ang itsura nila ngunit  pag nilapitan mo na ay mandidiri ka. Nakakasuka ang kanilang itsura. Sa mukha nitong nakanguso,makapal ang labi, malaki ang butas ng ilong at tenga. Malaki rin ang mga mata. May mga matutulis na kuko ito at ang balat ay kulay berdeng kulubot na parang lumot.

Sa unang pag haharap namin ay nakiusap akong pakawalan ang kanilang bihag na dragon. 

"Mga kaibigang goblin, Nakikiusap akong pakawalan ninyo ang aking kaibigang dragon." Pagmamakaawa kong sabi.

Binantaan ko rin sila na kapag hindi nila ito ginawa ay  mapipilitan akong kalabanin sila. Ngunit walang takot ang mga goblin at nagsimula ang mga ito na mamato ng mga nakalalasong putik. Matagumpay ko namang naiwasan ang lahat ng ito. Kaya habang nag iipon sila ng putik na ipambabato ay saka naman akong sumugod.

Gamit ang aking sandata ay isa isa ko silang pinatumba ngunit sa sobrang dami nila ay nakakapagod din kaya nang makita ako nang munting dragon ay pwersahan niyang sinira ang kulungan. Dahil siya'y isang dragon ay doon nya rin natutuhang gamitin ang kanyang kakayahan na magpakawala ng apoy o magbuga ng apoy mula sa kanyang bibig. Kaya naman, natunaw ang kulungan at siyay nakawala. Nagtulungan kami na puksain ang mga goblin. Lumikha rin siya ng isang malaking apoy at ibinuga ito sa mga goblin kaya't sila ay nagtakbuhan sa init at ang iba'y sumuko na lang sa takot sa kaibigan kong dragon.

Nangako din sila na magbabagong buhay na at di na rin gagawa ng masama sa kapwa. Kaya pag alis namin sa isla na iyon aylaking pasasalamat ng haring palaka ang ginawa namin dahil ang mga goblin ay hindi na muling manggugulo sa kaharian nya at sa kanila.

The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon