Chapter 8: The Enchanted Forest and The Golden Bird

4 0 0
                                    

              Nagtanong ako sa nakasalubong kong aso na may dalang basket na may lamang perang barya.

"Ano ang gagawin mo dyan?" Tanong ko sa aso

"Pambili ko ito ng paborito kong pagkain, ang karne ng manok." ang kanya namang tugon.

 Nagulat ako dahil sa nakakita ako ng manok na may dalang basket ng gulay.

Ang mga hayop na nakasalubong ko ay kung kumilos ay gaya ng isang tao. 

"Ano kayang nangyari?" sambit ko nang marinig ako ng isang gintong ibon. Ito'y iba at kung kumilos ay talagang ibon ngunit nakapagsasalita. Naalala ko ang Ibong Adarna. 

"Huwag kang magpalinlang, sa iyong nakikita. Baka matulad ka sa kanila. Sila'y tao ngunit matagal nang nagbago dahil sa pumitas sila ng bunga na kanilang nagustuhan sa islang ito at kinain."

"Bakit hindi mo sila pinigilang kumain?" Tanong ko sa gintong ibon.

"Dahil hindi ako taga rito." Sagot naman ng ibon.

"May mga nauna nang nanirahan rito at una ring nakakain ng bunga. Sila'y dayo nang matuklasan ang kagubatang ito. Nalaman ko na lang ang ganitong impormasyon sa mga hayop na naunang manirahan at namuhay rito." Paliwanag ng gintong ibon

"Bakit hindi pinigilan nang mga hayop na tagarito ang nga dayo na iyon?" dugtong kong tanong.

"Kase, hindi nila nauunawaan ang sinasabi ng mga hayop." Sagot naman ng ibon na lubha kong ikinagulat.

Nabigla ako sa sinabi nang gintong ibon dahil tanging ako lang pala na mula sa ibang daigdig ang nakakaintindi sa sinasabi ng mga hayop. Yung mga tagarito sa mundong ito ay hindi nakakaunawa sa mga hayop. Kaya naman pala sakin humingi ng tulong ang Ibong Adarna ay dahil na rin sa ako lang ang nakakaunawa sa sinasabi nya. Pinayuhan din ako mng gintong ibon na hanapin ang nawawalang puno. Pumitas daw ako ng isang bunga niyon ay masasagot ang mga tanong ko kahit gaano pa kahirap at kalalim na tanong. Sabagay  din kaya tinawag na nawawalang puno ay mahirap talagang hanapin. Basta matatagpuan ko lang daw iyon sa kagubatang ito. Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay, ang layunin ko ay sundan ang pakpak ngg Ibong Adarna sa kinaroroonan ng lagusan. Tamang tama rin na ang daang aking binabagtas ay patungo nang hilaga.

Malayo na ang aking nalalakad. Naramdaman ko na ang antok pati na rin ang gutom. Hindi pa talaga ako nakakakain simula nang makaalis ako sa itim na  kagubatan. Kaya nagpahinga muna ako. Naupo sa isang malaking bato. Nang biglang naramdaman ko na lumindol. Hindi pala ito lindol. Sadyang gumalaw ang bato na kinauupuan ko. Napagtanto ko na ito'y buhay na bato o golem ang tawag sa amin. Sinubukan kong makaalis sa pamamagitan ng pagtalon sa  likod nito at maswerte naman akong hindi napansin ng higanteng bato.

 Sinubukan kong makaalis sa pamamagitan ng pagtalon sa  likod nito at maswerte naman akong hindi napansin ng higanteng bato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hay, Napakamalas naman. Kung kelan magpapahinga saka naman nangyayari sakin to. Mabuti na lang talaga at nakaisip ako ng paraan."

Ngayon, dahil sa trauma ko sa bato ay sa isang nakatumbang puno na lang ako napaupo. Hindi ko naman inaasahan na lumindol na naman at gumalaw ang puno na inuupuan ko. Tulad ng bato isa rin itong buhay na puno.

Isang buhay na puno ito na mukhang nagising sa pagkakatulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang buhay na puno ito na mukhang nagising sa pagkakatulog. Gaya rin ng sa bato at tinalon ko ang puno. Kaya naman para di na maulit ang nangyari ay naupo na lang ako sa damo.

The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon