Chapter 2:Into the Woods, The Dark Forest

4 0 0
                                    

                                      Ako'y nabigla nang mahulog sa puno. Akala ko'y  labasan na sa realidad. Ito pala'y sa kwento at ako'y lumabas sa isang karatula na nakadikit sa itaas ng puno. May nakasulat dito na salitang "BUKAS" sa karatulang papel. Kung kaya't mali ang aking nilabasan ay agad akong  umakyat ng puno. Ngunit bago ko iyon magawa kailangan ko munang dumaan sa kamay ng mga  natutulog na asong lobo. Napakarami nila na nakapalibot sa akin. Kaya isang maling galaw ko lang ay maaari ko silang magising at ako kanilang kagatin at lapain. Naisip ko na lang na manalangin at dahan dahang tumayo, humakbang at naglakad palayo sa mga asong lobo.


Pagkatapos ay kumaripas ng takbo. Sa kasamaang palad, hindi ko nagawang umakyat ng puno at pumasok sa lagusan na iyon. Minabuti ko na lang na ipagpabukas siguro naman  wala nang tulog na asong lobo doon kapag tirik na tirik ang araw at maliwanag. Madilim ang paligid, Hindi ko alam kung saan ako naroroon basta sa pakiwari ko'y nasa masukal na gubat akodahil maraming puno, madamo at may asong lobo akong nakita. Sa pagod ko'y nagpahinga muna ako at dahil sa madilim siguro'y gabi pa rin.


 Pero nagtataka ako kung bakit natutulog sa gabi ang mga asong lobo. Ang pagkakaalam ko na sila'y aktibo kapag gabi at iyon dinang oras ng kanilang pangangalap ng pagkain. Kaya makalipas ang ilang oras na paglalakad sa kagubatan, Tila ba'y napagod ako at pagdakay naupo na lang sa isang puno na may batong malapad at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Kinabukasan, pagmulat ko nang aking mga mata napansin kong ganoon pa rin ang nasa paligid ko. Akala ko'y isang panaginip lang ang lahat ngunit hindi pala. Nagkamali ako. Isang matinding pangyayari ang gumambal sa akin. Ako'y natauhan ng mamasdan ang paligid. Ang inakala kong umaga na ay madilim pa rin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung bakit at ano  ba  talagang nangyayari sa mundong ito. Walang buwan at bituing tumatanglaw sa kalangitan. Ang ulap ay mistulang kulay abo. Bigla ko ring naisip ang isang bagay. Ito ay ang aking Flashlight na ginagamit sa pagbabasa ng libro kapag madilim. Mabuti na lang at naibulsa ko ito  sa aking pantalon. Kaya naman dinukot ko ito sa kaliwang bulsa. Tumambad sa akin ang malagim na katotohanan. Ang mistulang malapad na bato na aking pinaghigaan ay isa pa lang nitso ng patay. Inilibot ko ang aking Flashlight at nakita ko  ang iba pang nitso. Nalaman ko ring nasa sementeryo ako ngunit bakit ganoon?


Nasa pusod ito ng kakahuyan. Lubha ko ring ikinagulat at napasigaw sa takot na sa kanang bahagi nang damuhan ay may mga nakakakalat at nakahandusay na labi ng mga patay. Sila'y  nakasuot ng kalasag. Isang kasuotang pangdigma sa mga kaharian na nabasa ko sa mga kwento. Sariwa pa ang dugong umaagos sa kanilang kalasag at para bang may naganap na labanan nung mga oras na natutulog ako. Mabuti nalang at tulog ako baka kase kung gising ako malamang ay kagaya na ako ng mga nakakakalat na bangkay na iyon. Lubos din ang aking pasasalamat dahil kahit papaano'y may Flashlight akong dala.


The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon