Chapter 6: The Tree Vines

5 0 0
                                    

"Huwag kang kakain ni isa man sa bungang iyan. Dahil sa iyan ay nakalalasong mansanas."

Mabuti na lang ang sabi kong may kasamang galak. Nang ako'y magpapasalamat na, agad akong natigilan.

"Sino ka?"

Wala namang tao sa paligid. Kaya naman tinanong ko ang paligid kung may tao bang nakatira dito.

"Nasaan ka? Magpakita ka sa akin."

Nagsalita ang puno sa may kanang bahagi nang puno ng nakalalasong mansanas. Tinanong ko ito ulit kong sino sya at dyan ba sya naninirahan.

"Hindi, Hindi ako tagarito. Ako'y matagal nang di makaalis rito."

Sa isip isip ko marahil ito ang puno ng baging at narating ko na ang kinaroroonan ng puno. Marahil din dahil sa matinding laban ay nakalimutan ko na ang bilin ng ibon na magbilang ng isang daang hakbang. Kaya heto at naririto na ako.

"Paano ko nga ba matutulungan ang kanyang ina kung nasa loob ito ng puno? Kailangan ko bang putulin ang puno na ito? Papaano? Ang dala ko lamang ay espada. Hindi ito sapat upang maputol ang ganito kalaking puno. Baka abutin lang ako ng maraming taon bago ito maputol. Kailangan kong mag isip ng ibang paraan."

Kaya naman nag hanap ako ng bagay  na makatutulong sa akin upang masira  ang puno na ito. Naalala ko na ang aking Flashlight at may kasamang Lighter sa dulo. Kaya nitong makalikha ng apoy. Kaya sinabi ko sa puno.

"Mahal na ina ng ibong maganda ipamalas mo ang iyong kapangyarihan. Bigyang pananggalang ang iyong sarili sa init na dala ng aking apoy."


Pumayag naman ito. Kaya pagkaraan ng ilang oras nang paghahanap at pag iipon ng mga tuyong kahoy, dahon, at iba pang bagay na madaling mag apoy ay natapos na. Agad kong sinilyaban ito. Isang malakas naman na apoy ang aking nagawa. Ang puno rin ng baging ay madaling mag ningas. Pagkaraan ng ilang oras na paghihintay, natupok na ang puno. Sa kasamaang palad, wala ang ina ng ibon. Agad akong humingi ng paumanhin at pinaghandaan ang anumang mangyayari sa akin sa ginawa ko.

"Paumanhin po sa aking ginawa mahal na Inang ibon, Isa itong malaking  kasalanan ko. Bakit kase hindi nyo sinunod ang bilin ko na protektahan ang inyong sarili sa apoy."

 Nang ilang sandali pa'y narinig ko ang boses ng ibong may makulay na mga pakpak.

"Maraming Salamat taga lupa sa pagliligtas mo sa aking ina mula sa masamang puno."

Kaya nagpakita ito sa akin sa anyo ng isang babae at hinalikan ako sa pisngi.

"Wala naman po akong nailigtas ni kahit na isang nilalang. ang ginawa ko lang ay nagsunog sa madilim na kagubatang ito. Alam kong hindi ko gawain yun dahil nakasisira sa kalikasan. Kaya paumanhin."

Sinabi naman ng ibon na...

"Hindi, mali ka. Nailigtas mo ang aking ina. Heto nga sya at nasa likod mo."

 Kaya napalingon ako.

"Totoo nga, Paanong nangyari yun? Diba po kasama kayong nasunog? Ang sabi kong may pagkamangha.

"Tama naman na natupok mo ang masamang puno ngunit wala ako sa loob ng puno. Ako'y nasa itaas nito, nakadapo at pinapanuod ka. Nang lumaki na ang apoy saka ako'y lumipad nang di mo napapansin. At dahil sa iyong ginawang katapangan ay bibigyan kita ng isang kahilingan." Ang sabi naman ng inang ibon.

Kaya naman, Hinihiling ko na sana'y malaman kung saan ko matatagpuan ang lagusan patungo sa aking mundo. Kung hindi nyo pa alam ay napadpad lang ako dito dahil sa pagpasok sa lagusang papel.

"Alam namin na hindi ka tagarito pati na ang mga naganap sa iyo ay nasaksihan din namin. Dahil sa iyong ginawang katapangan at talas ng pag iisip ikaw ang napili naming gumanap ng ganitong mapanganib na tungkulin. Kami ay mga Ibong Adarna, tagapangalaga sa parteng ito ng itim na kagubatan. Kami ang nagbibigay landas sa sinumang nilalang na naliligaw. Ang puno ng baging ay lubhang masama dahil nakapagbibigay ito ng takot at sakit sa mga nilalang na nabubuhay dito sa itim na kagubatan. Kaya ang kasagutan sa iyong hiling ay narito. Lumapit ka sakin at kunin mo  ang isang hibla ng aking pakpak. Ituturo nya sayo ang daan papuntang lagusan. Ibibigay ko rin sayo ang pananggalang at sandata na iyong ginamit sa pakikipaglaban. Gamitin mo iyan upang panlaban sa mga masasamang nilalang dito dahil mapanganib ang gubat na ito." Ang paliwanag naman ng Inang Adarna.


Patuloy akong naglakbay at sinunod ang payo ng Ibong Adarna.

The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon