Chapter 4: Adarna, The Bird of the Dark Forest

5 0 0
                                    

                                 Napakatindi nang naganap at parang gusto ko nang magpakamatay din sa sobrang tindi ng aking nasaksihan. Kung matatandaan ko lang sana ang puno na may karatulang papel paniguradong nakaalis na ako sa mapanganib na lugar na ito ngunit malayo na ako roon. Samantala sa aking pagtatago nakarinig na naman ako ng kaluskos. Itoy napakalakas at mukhang malapit sa akin at katabi ko. Laking gulat ko nang isang cobra ang nakadila sa mukha ko. Parang gusto kong sumigaw sa pagkagulat ngunit di ko magawa dahil baka marinig ako ng mga kalansay na kahit nasa kalayuan na ang mga iyon. Kaya dali-dali kong hinawakan ang buntot ng ahas at inihampas ito sa isang bato at saka na tuluyang namatay. Sobrang nilakasan ko ang aking loob at tapang. Dahil buwis buhay din yun at ilang sandali pa'y nakarinig ako nang kaluskos na naman. Ito'y kakaiba na dahil biglang umihip ang malakas na hangin. Nagkaroon din ng hamog sa paligid. Mukhang narito na si kamatayan. Kaya nagmasid ako sa paligid. Sakto ring nakakita ako ng isang batong malaki. May butas ito na gaya ng sa kweba ngunit maliit lang ito nang kaunti sa kweba. Doon ako nagtago. 

"Totoo nga, ang kamatayan ay dumarating."

Kaya naman, sa sobrang takot na baka makita ako para bang  naging pormang estatwa at nanigas na parang bato ang katawan ko sa sobrang lamig. Mabuti na lang at magaling ako sa larong "Stop Dance." Kaya nakaraos din sa isang malagim na pangyayaring iyon. Pagkatapos naman ng kaganapang iyon ay di pa pala nagtatapos ang parada ng mga halimaw. Nang biglang may dumaan na grupo ng mga paniki kaya nagtago na naman ako. Saka namang nag apoy ang paligid. Dahil sa pagdating ng isang kabalyerong walang ulo na nakasakay sa nagaapoy na kabayo. Mabilis ito at humahigibis ang takbo. Sana naman tapos na ang parada kayanaghintay ako at di muna lumabas dahil baka may paparating na naman. Kaya nagpalipas ako ng gabi doon kahit alam kong nakatulog na ako kanina at matutulog na naman dahil sa madilim pa rin. Nang ako'y tuluyang makatulog nakarinig ako nang isang napakgandang tinig.

"Gumising ka...Gumising ka...Gumising ka..."

Pagmulat ko'y isang ibon ang nakita kong nakadapo sa kalapit na puno. Wala namang tao roon pero may narinig ako. Tinig ito nang isang  babae. Kaya laking gulat ko nang magsalita ang ibon. Ang ibon na ito'y may pitong kulay sa kanyang mga pakpak at balahibo. Hindi naman ito isang parrot. Ito'y napakaganda. 

"Ako ang tumatawag sayo. Ginigising kita sa kadahilanang kailangan ko ang iyong tulong. Ang aking ina ay nakagapos sa puno ng baging."

 Kaya naman, nang ibuka nito ang nag gagandahan niyang pakpak at umawit ay saka namang pagbabago ng anyo ng ibon. Isang magandang babae ang nakatayo sa harapan ko. 

"Ako ang dahilan ng iyong pagkatulog sa batong malapad dahil nalalaman ko ang mga susunod na mangyayari sayo."

Kaya naman ang sabi ko rito ay kung ano ang maipaglilingkod ko sa iyong ina?

"Diba may kapangyarihan kayo? Bakit ako? Isa lang akong normal na tao at walang kakayahang panlaban o kapangyarihan."

Sinabi naman nang ibon na...

"Tutulungan kita. Bibigyan kita ng kalasag at espada. Iyon ang gagamitin mo upang panlaban sa masama. Kapag nagawa mo iyon ay tutulungan kitang makaalis sa mapanganib na lugar na ito. Ipapaliwanag ko rin sayo kung nasaan ka.''

Ang puno ng baging ay matatagpuan mo isang daang hakbang mula rito.


The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon