Chapter 11: The Light Healer and The Dark Mage

2 0 0
                                    

                             Nagpatuloy ang aming paglalakbay, kasama ang munting dragon na tinawag ko nang si Dregon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                             Nagpatuloy ang aming paglalakbay, kasama ang munting dragon na tinawag ko nang si Dregon. Hanggang sa makarating kami ni Dregon sa isang bayan sa Timog. Kung saan ang lugar ay tahimik. May mga bahay na sarado. Wala kang tao na makikita sa daan. Wala ring mga hayop. Nakapagtataka ito kahit ni isang tunog ay wala kang maririnig. Wala rin akong ideya kung ano ang nangyari. Kaya naman, kumatok kami sa bawat bahay na iyon. Wala rin palang tao ang nasa loob ng mga bahay. May pagkakataon ring umagaw sa atensyon namin ang isang hapagkainan na may pagkain sa mesa. Mukhang bagong luto ito at umuusok pa sa init. 

Sa aming pag iimbistiga, nalaman ng kasama kong si Dregon na may tao  ngunit di namin nakikita. Gamit lamang ang kanyang pang amoy. 

"Bakit nga ba hindi natin sila nakikita o naririnig man lang, Dregon?" Nagkatinginan kami 

at nang may isang babae ang nagpakita sa amin. Siya'y mapayat, maputi ang balat. Meron syang maamong mukha at kulay dilaw ang kulot na buhok.Kulay asul ang mga mata at nakasuot ng puting damit. May dala siyang tungkod na may bolang kristal sa dulo.

"Paumanhin ngunit Ako nga pa si Natasha. Isa akong manggagamot na naglalakbay. Nag papalipat-lipat ako sa mga bayan upang tumulong sa mga may karamdaman." Ang sambit nya.

"Ikinagagala ka naming makilala. Ako nga pala si Joselito at ito naman ang kaibigan kong si Dregon. Kami'y napadaan lamang dito dahil sa layuning hanapin ang lagusan este ang tirahan ko. Muntik ko nang masambit ang sikreto ko. Buti na lang ay nakaisip ako ng palusot.Baka kase malaman na di ako taga rito sa mundong ito. Amng sabi ko sa lob loob ko.

Pagkatapos naming magpakilala sa isat-isa ay agad kong pinasok ang malaking katanungan kung ano ang nangyari sa lugar na ito.

"Ang lugar na ito ay isinumpa." wika niya.

Bakit naman? dugtong kong tanong.

"Dahil ito sa isang lalaki na nag nagngangalang Knoll. Anak siya ng isang manghuhula. ang kwento nang mga nakatira dito ay walang asawa ang manghuhula at balo ito.Nagihng usap usapan din na ang bata ay anak ng engkanto. May kakayahan kasi ang bata na di pangkaraniwan. Kaya nitong kontrolin ang anumang bagay. Tulad na lang ng magpalutang ng mga bagay. Magpalipad ng mga bato. Maglakad sa ibabaw ng tubig at lumikha ng apoy. Lahat nang ito ay nangyari noong nakaraang taon lamang. Wala ring gustong lumapit at makipagkaibigan sa kanya dahil natatakot sila rito. May pagkakataon ding hindi nya sinasadyang makapatay dahil sa  pangungutya ng mga bata. Sinasabihan syang anak ng demonyo. Sa sobrang galit niya ay pinukol nya ang bata sa ulo ng napaka laking bato." Paliwanag ni natasha sa amin.


"Bakit mo naman alam lahat nang ito, Natasha?"Mariin kong tanong.

"Dahil nasaksihan ko ang lahat. Ang hawak kong tungkod ay nakakakita nang mga pangyayari sa lahat ng nilalang na nasa lupa. Gaya mo, alam ko na hindi ka tagarito at ikaw ay nanggaling sa isang lagusan. Tama ba ako?" Ang wika ni natasha.

"Oo, tama ka. Ipagpaumanhin mo ang ginawa kong paglilihim." ang sabi ko naman kay Natasha.

"Ito rin ang layunin ko kung bakit ako naririto ay bigyang lunas ang sumpa kay Knoll. Ako'y isang mang gagamot kaya't layunin ko iyon. Ngunit sa kasamaang palad, huli na ako. Hindi ko  na naabutan pa si Knoll at ni isa mangtao na narito sa bayan. Kaya naman kailangan ko siyang hanapin bago pa may masaktan na naman siyang inosenteng mga nilalang." ang sabi ni Natasha.


"Sasama kami sayo." Ang tugon ko sa paliwanag nya.

Kaya naman, pumayag si Natasha na sumama kami sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon