Chapter 3:The Horror of the Dark Forest

4 0 0
                                    

                                        Nang mga oras ding yaon, inilawan ko ulit ang paligid  at dahan dahang binabagtas ang daan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                        Nang mga oras ding yaon, inilawan ko ulit ang paligid  at dahan dahang binabagtas ang daan. Nais ko na talagang umalis dahil sa tumataas ang mga balahibo ko sa  lugar na iyon. Kaya naman habang naglalakad, sa di kalayuan ay may natanaw ang liwanag ng aking Flashlight na isang anino. Malamang isang nilalang na papalapit sa akin. Grabe ang kaba ng dibdib ko. Mabilis din ang pag tibok ng aking puso. Ano kaya iyon? Nang malapit na sa akin. Sa tingin ko'y isang matandang lalaki. Makapal ang kanyang buhok sa ulo at mahaba ito. Pati na rin ang kanyang balbas. Nakasuot ito ng butas butas na mahabang damit. kulay itim ito at wla siyang suot na sapin sa paa. Para siyang isang ermitanyong pulubi gaya ng napapanuod ko sa telebisyon na si Tata Lino ngunit napansin ko ring duguan ang kanyang mukha pati na rin ang kanyang kamay atv paa na lubha kong ikinatakot.


Nakakakilabot ang itsura niya kaya nang masalubong ko ito, narinig ko na may parang ibinubulong siya sa hangin. 

"Tumakbo ka na at huwag nang magpatuloy". 

Ang sabi ko naman sa sarili ko ay Naku! Paano na yan? Babalik na naman ako sa sementeryo na iyon. Kaya ang ginawa ko'y tinanong ang matanda.

"Bakit po? Anong nangyari sa inyo?"

Sumagot ito na dahil paparating na siya.

"Sinong siya?"

Ang kamatayan.

Hindi ko maunawaan ang matanda. pagkatapos nito, dugtong pa niya na 

"Ang kamatayan na tinutukoy ko ay ang kaluluwang puno ng galit, poot at pagdadalamhati. May dala itong karet at ang sinumang kanyang madaanan na may buhay ay kanyang pupugutan ng ulo."

Nakatalikod lang ang matanda sa akin habang sinasambit ang mga paliwanag na ito.

"O Diyos ko!"

Sambit ko na lang sa aking mga nalaman. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa matanda o hindi. Kaya naisipan ko na lang na magtago pag naramdaman ko na parating na ang kamatayang ito at mapadaan. Panigurago'y sa sementeryo iyon patutungo. Habang di pa nakakalayo ang matanda tinanong ko ulit ito.

" Si kamatayan ba ang may gawa ng mga taga at hiwa sa iyong katawan?"

Hindi na muli pang umimik ang matanda at tuloy lang ito sa paglakad. Nang biglang nakarinig ako ng ingay at kaluskos. Nagtago ako kaagad sa isang mataas na damo. Tinawag ko ang matanda ng pabulong dahil may narinig akong paparating ngunit hindi ako nito pinansin ni pinakinggan. Kaya ng mga sandaling iyon, namasdan ng dalawang mata ko ang kasagutan sa aking katanungan. Isang grupo ng mga di pangkaraniwang nilalang . Nakakakilabot. Ito 'y isang grupo ng mga gumagalaw at nagsasalitang kalansay.  May hawak ito na kutsilyo, tabak, sibat, martilyo at javelin. Kaya naman pala, ito ang dahilan ng mga sugat ng matanda. Hindi dahil sa kamatayan na pinatutungkulan nya dahil namumugot lang ito ng leeg ng tao. Nasaksihan ko rin ang ginawang pagpaslang ng mga ito sa matanda. Ang una'y sinibat ang matanda sa kanyang dibdib pagkatapos ay pinukpok ng martilyo sa ulo. ang iba naman ay pinagsasaksak at pinagtataga ang matanda  hanggang sa magkahiwahiwalay ang katawan nito.

The Power of OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon