CHAPTER 1: Me, Myself, and I

5 0 0
                                    

KRRRRRIIIINNNGGGGG!!! KRRRRIIIIIINNNGGGG!!!

Nagmamadaling tumatakbo si Hero. Hingal na hingal na siya. Kanina lang ay kulang na lang ay liparin niya ang kalsada upang makarating lang sa school nila. Unang araw ng pasukan nila at pinakaayaw niya sa lahat ang nalalate. Hindi narin niya inabala ang sarili sa paghahanap ng magandang masusuot. Minabuti na lang niyang isuot ang sky blue niyang t-shirt, maong na kupas, at rubber shoes. Kahit pa man nuon ay wala na siyang hilig pumorma lalo na sa mga luho. Late na siyang nagising. Patii nga alarm ng relo niya ay di na gumana sa kanya.

"Pero ano ang magagawa ko?" ika niya sa sarili. "Night shift ang binigay sakeng shift ng supervisor naming sa KFC."

Working student ang binata. Hindi man siya inuubliga ng nanay niya ay kinakailangan niyang tulungan ito. Hindi lang siya ang anak nito na pinag-aaral. Mayroon pa siyang dalawa pang mga kapatid na kailangan ng suporta mula sa single-parent na ina.

Hindi niya naranasan na magkaroon ng ama. Solong pinalaki siya at ang kanyang mga kapatid ng ina. Magmula nang malaman niyang anak lang sila sa labas ng isang corrupt na congressman sa Visayas, medyo nanliit siya sa sarili. Subalit, nagdesisiyon na lang siyang tanggapin ang kapalaran at gamitin ito upang maging successful sa hinaharap.

"Shush…" napailing si Hero.

Naiinis siya sa sarili tuwing magigi siyang senti sa mga bagay ukol sa kanyang buhay. Marahil na rin sa mga napagdaanan ay natutunan na niyang seryosohin ang lahat ng bagay sa mundo. Ayaw na niyang maging emosyonal.

'the Rock'- Yan nga ang pang-asar sa kanya ng kababata niyang si Michelle. Para raw kasi siyang bato, seryoso at walang emosyon. Bagay na bagay daw nga sa kanya ang pangalan niyang Hero dahil para na siyang monumento ng bayani sa EDSA na sobra sa pagiging 'bato'.

Napangiti ang binata ng maalaala niya ang mga kaibigang sina Michelle at Joon. Kahit papaano ay may mga blessings pa rin siyang nakukuha- ang mga kaibigan niya.

Unang araw ngayon ng pasukan at unang araw din ng pagiging senior niya. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Gustong-gusto na niyang magkolehiyo at tuluyang makatapos na sa pag-aaral upang makapaghanap na ng matinong trabaho.

Gaya ng trato niya sa lahat ng bagay, seryoso din si Hero sa pag-aaral niya. Katunayan ay second honor siya last school year, pumapangalawa kay Roxanne. Running siya for valedictorian sa taong ito at talaga namang desidido siyang makuha ito. Incoming editor-in-chief din siya sa school paper nila. Siya ang napili ng dating editor-in-chief na pumalit sa puwesto. Sa utak ng binata, ito lang ang mga bagay na kailangan niyang intindihin- pamilya, pera, paaralan, at mga kaibigan. Wala na siyang panahon sa iba pa. Patuloy pa rin sa pagtakbo si Hero. Minadali niyang inakyat ang third floor kung saan naroon ang classroom niya.

" Room A-301" yan ang nakasulat sa may pinto. Nakita niya na unti-unti ng pumapasok ang mga estudyante. Buti na lang at wala pa ang guro nila kaya't nakapasok siya sa silid ng walang aberya. Pinagmasdan niya muna ang paligid para makahanap ng uupuan. Halos lahat sa silid ay kilala niya. Walang mga bagong mukha.

"Hero! Dito…" ika ng isang babae.

Paglingon ni Hero ay nakita niya si Michelle na kumakaway sa kanya at itinuturo ang isang bakanteng upuan sa tabi nito. Kaagad siyang lumapit dito.

"Uy, salamat a. Pinagsave mo pa ko ng upuan" wika niya habang nakangiti.

"Sus,lang kaso yun. Saka sa sungit mo na yan e ako lang naman ang nagtiyatiyaga sayo." Sabi ni Michelle.

"Sige pa't asarin mo pa ko. Sige ka, di na kita kakausapin." Sabay kiliti sa batok ni Michelle.

"Ano ba, tigilan mo ko" halos ubuhin na sa kakatawa si Michelle habang kinikiliti ni Hero.

Senior YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon