Nananatiling blanko ang screen ng monitor na kaharap ni Hero. Napakalinis at puros puti ang nakatambad sa kanyang mga mata.
Sobrang tahimik ng paligid. Halos wala ka ng maririnig. Mag-isa lamang siya sa opisina ng school paper nila.
UWG…UWG…
Iyan ang ugong ng lumang CPU ng computer na gamit niya. Iritang-irita na siya dito. Pero mas naiirita siya sa sarili niya.
Mag-aalas nueve na ng gabi ngayon. Tamang-tama at wala siyang pasok sa kanyang trabaho. Ito ang perfect na panahon upang matapos na niya ang article na matagal ng hinihintay ng lay-out head ng school paper nila.
Dahil sa sobra sa hectic ng schedule ng binata ay halos di na ito makatulog ng tama. Pinagkakasya niya ang 24-hours araw-araw sa school, kaibigan, trabaho at iba't ibang extra curricular activities. Simula pa naman nuon ay mahilig na siyang magsulat kaya't galak na galak ito ng mapasakanya ang posisiyon para sa
editor-in-chief. Isa ito sa mga bagay na dapat ay di siya mabigo.
"Argghhh…" halos mahulog na sa upuan ang binata sa inis.
Hiyang-hiya na siya sa kanyang mga kasamahan sapagkat siya na lang ata ang wala pang article na malalathala sa school paper e siya pa naman ang may pinakamataas na tungkulin dito. Kaya pilit niyang pinipiga ang utak upang makalikha ng article.
"Hay naku Hero…" sabi niya sa sarili. "ano ba itong nangyayari sa'yo? Bakit walang lumalabas sa kokote mo? Magtatapos na ang buwan at kailangan ng maglabas ng first issue ang school paper pero ikaw ay wala pa rin nagagawa. Hay…"
Nagpasya na lamang siyang umalis muna sa harap ng monitor. Naisip niya na mas lalo lang itong hindi makakapag-isip ng tama pag patuloy ito sa pagkairita. Minabuti na lamang niya tumayo upang mapayapa ang sarili at makapagrelax na rin.
Tumingin ang binata sa paligid niya. Wala ng tao at nakakabingi na ang katahimikan. Naalala niya bigla na may iniwan pala sa kanya ang kaibigan niyang si Michelle bago ito umalis.
"Best friend, sigurado ka?" tanong ni Michelle
"Oo, sigurado na yan. Halika na Michelle. Kailangan ni Hero ng time para makapag-isip. Lagot na naman yan kay Jasmine, ang masungit nating lay-out artist pag di pa niya napasa ang article niya para sa paper." Sabi ni Joon.
Tumatawa si Hero. "Oo nga, pareng Michelle, sumama ka na kay Joon sa pag-uwi. Sure ako na madidistract lang ako pag hinintay nyo pa ko. Saka nakakahiya naman sainyo."
"Pero…" pangungulit ni Michelle.
"Hay naku, sige na. I appreciate both of your concern, pero kaya ko na. At saka pa, para saan pa at nagi akong 'the Rock'." Sabay flex ni Hero ng muscles niya sa braso habang tumatawa.
"O sige na nga. Anyway, eto, binilhan kita ng 6 pieces ng chocolate cookies at milkshake para may kakainin ka habang gumagawa ng article mo." Sabi ni Michelle.
"Wow, sweet naman ni best friend." Sabay yakap ni Hero sa dalaga.
"Hmm..Hmm…" paubong sabi ni Joon.
Bumitaw na si Hero sa pagkakayakap at sinamahan na sina JOON at Michelle sa pinto. Pero halatang namumula pa rin si Michelle.
Iyan ang mga nangyari bago maiwan si Hero sa office nila.
Naglakad ang binata papunta sa isang mesa at umupo dito. Binuksan niya ang box ng cookies at tinusok ang straw sa lalagyan ng milkshake. Sa paggawa niya nito, mayroon siyang nakapa sa bulsa niya. Kinuha niya ito at binasa.