Malungkot na lumabas ng principal office si Roxanne. Dahan-dahan niyang inayos ang kanyang mahabang itim na skirt at ang red long sleeves na suot-suot niya. Pati na rin yung glasses niya ay inadjust niya dahil halos mahulog na ito sa mukha niya.
Three days na simula ng magstart ang senior year niya. Alam niyang marami siyang problems na haaharapin lalo na't running for valedictorian siya pero di niya inexpect na kaagad-agad niya itong maeexperience.
"Opo". Yan ang salitang tangi niyang nasambit sa principal nilang si Ms. Diaz sa loob ng opisina nito. Sinabihan siya ng principal na lubhang crucial ang bawat points upang mapanatili niya ang pagiging first honor ng batch niya. Si Hero ang pumapangalawa sa kanya pero lubhang magkalapit lamang ang mga scores nila. At ngayon ngang incoming editor-in-chief ang binata, ay liyamado na ito sa extra-curricular activities.
Extra-curricular activities- isang bagay na wala siya.
Mula ng mamatay ang OFW na parents niya sa isang plane crash, lumaki na siya sa mga lola niya. Kasama niya dito ang baby brother niyang si Errol. Tatlo ang mga lola niya na puros kapatid ng tunay niyang lola. Mga matatandang dalaga ang mga ito. Sa pagmamahal at pag-aaruga ay walang reklamo ang dalaga. Tinuring na siya at ang kapatid niya na parang mga tunay na anak nito. Busog sila sa pagmamahal at pag-aalaga. Ang tanging reklamo niya lang ay ang pagkahawa niya sa iba't ibang gawain ng mga lola niya. Ito ang dahilan kung bakit siya tinutuksong 'manang' ng mga kaibigan. Wala na siyang social life. Puro eskuwela at bahay na lang ang destinasyon niya. Halos parepareho na lang ang routine niya araw-araw. Pagkagising niya ay magrorosaryo siya, maghahanda para sa school, at papasok. Pagkagaling naman sa school ay magbibihis ito, magpapahinga ng kaunti, magrorosaryo pag ala-sais na, mag-aaral, magnonovena, tapos matutulog na. Pati ang pananamit niya ay influenced pa rin ng mga lola niya. Kadalasa'y nakaskirt ito ng mahaba at nakapantaas na out of style. Balot na balot siya lage paglumalabas ng house. Kulang na lang ay magfur coat ito o magbelo para maging mukhang puon.
Iniisip niyang mabuti ang gagawin. Ayon sa Principal nila, para magkaroon siya ng "edge" laban kay Hero ay kailangan niyang pumasok sa isang sports organization.
"Sports?! E halos lampa ako e. Wala kong alam ni isang sports, tapos gusto niya kong sumali sa isang sports organization. Omigod, baka magkabali-bali lang ang mga buto ko niyan" sabi niya sa sarili. "Tumabang Preso nga lang ay hirap na hirap na ko e. Sports pa? Alangan namang magbasketball ako?!"
Pero alam niyang tama ang principal. Malaki nga naman ang makukuha niyang puntos pag sumali siya sa isang sports organization. Alangang salihan nanaman niya ang mga dati niyang clubs na cooking at cross stitch club. Inisip niya na baka tuluyan na siyang maging manang nuon.
"Hay naku." Wika niya sa sarili habang naglalakad sa hallway papunta sa canteen.
Habang naglalakad ay nakita niya na unti-unting nababawasan ang makapal na grupo ng mga tao sa kanyang harapan. Ang mga ito ay mabilis na gumigilid sa mga pader. Parang may kung anung puwersa ang gustong dumaan at ang mga taong ito ay walang magawa kundi gumilid. Di nagtagal at nakita ni Roxanne ang dahilan. Ang puwersang ito ay tinatawag nila sa school na 'The Star team'
Umaninag sa kanyang harapan ang grupo ng mga varsity players at mga cheerleaders na naghaharutan habang naglalakad. Kahit di nila ipaskil sa mga katawan nila o ipagsigawan sa mundo, tila alam na ng mga tao na ang grupong ito ang mga hari at reyna ng school nila at wala silang magagawa kundi igalang ang mga ito.
At sa harapan ng puwersang grupo na ito ay ang hari at reyna ng star team, ang 'Power couple'. Ang power couple na ito ay ang captain ball ng basketball team na si Nikko at ang cheer captain na si Joanna Mae. Sila ang pinakapopular at pinakakakatakutan sa buong paaralan. Walang gustong pumantay o kahit humamon man lang sa kanila. Ayon nga sa karamihan, halos lahat na raw ay nasa dalawang ito- physical blessings, mayayaman, magaling sa sports, at higit sa lahat sikat. Mga crush ng bayan. Mga students na halos sambahin na ng nakararami.