CHAPTER 4: Caught in the act

1 0 0
                                    

Binuksan ni Michelle ang brown niyang bag. Hinahanap niya ang susi ng publications office. Papunta siya sa office ng school paper nila. Literary editor kase siya dun. Trabaho niya ang magsupervise ng mga literay works na ipupublish sa school paper nila.

"Asan na ba yun? Magagabi na't kailangan ko pang umuwi." Wika sa sarili.

"Sa wakes, eto na rin 'tong susi na ito"

Patuloy siyang naglakad paakyat sa second floor ng building B. Anduon kase yung publications office nila. Iniwan niya kanina ang ilan sa mga gamit niya sa working desk niya. Napagdesisyunan na babalikan na lang niya ito bago siya umuwi.

KRIIK…

Bumukas na ang pinto ng office.

PLOK…

Binuksan niya ang ilaw. Nabigla ang mga mata niya sa biglaang pagbukas ng ilaw mula sa total darkness. Inadjust niya ang bag na hawak-hawak niya at nagtungo sa working desk niya. Bago siya makarating sa gusto niyang puntahan ay napatitig siya sa lamesa ni Hero na nasa gitna ng room. Nagdesisyon siyang lumapit dito.

"Ibang-iba na talaga ang itsura ngayon ni bestfriend. Dati rati'y puro sugat ang katawan niyan nung mga bata pa kame dahil sa kakalaro ng wrestling, pero ngayon ay artistahin na siya kahit medyo masungit pa rin." Sabi ng dalaga sa sarili habang hawak-hawak at pinagmamasdan ang larawan ni Hero na kanina'y nakapatong sa lamesa ng binata.

Bumalik sa alaala ni Mich ang mga kabataan niya na kasama si Hero at pati na rin si RJ. Magkababata sila at magkakapitbahay. Simula nuon pa, kahit babae siya, e palage na siyang sumasama sa dalawang lalakeng kalaro. Wala siyang pakialam kung tuksuhan man siyang tomboy ng ibang bata sa lugar nila. Kakaiba ang pakiramdam niya tuwing kasama niya ang dalawa, lalo na si Hero. Feeling niya ay secured siya. Parang walang puwedeng lumait o mang-away sakaniya pagkasama niya ang dalawa. Nuong una ay parang mga kalaro lang ang tingin niya sa dalawa, pero ng tumagal, naging mas malalim na duon. Para na niyang mga kuya ang mga ito. Mga kuya't kapatid na di niya naranasan sapagkat ilang beses na nakunan ang ina niya nuon kaya't di na siya nasundan.

Naaalala niya ang mga harutan nilang tatlo. Ang mga wrestling matches, ang pagbibisikleta sa buong village nila simula umaga hanggang takip silim, ang mga sleepovers, at higit sa lahat ang paglalaro nila ng bahay-bahayan.

Sa larong ito, si Hero ang tatay at siya naman ang Nanay. Palageng nangugulo nga nuon si RJ dahil gusto nito na siya ang maging tatay. Pero palage namang itong inaaway nila ni Hero kaya't plageng anak na lang o kapitbahay ang nagiging role nito sa laro. Tuwing naglalaro sila nina Hero, feeling ni Mich na siya ang prinsesa at si Hero naman ang kanyang Knight and shining armor.

Halos parehas lang sila ng status sa buhay ni Hero. Ang pagkakaiba lang nila ay buo ang kanyang pamilya. Dahil dito, naiintindihan ng dalaga ang sakit at sentmiento ng binata. Ito na marahil ang dahilan kung bakit niya bestfriend ang binata. Simula pa nuon ay siya lang ang nakakaintindi dito.

Binaba na ni Mich ang picture frame sa lamesa. Mahirap na baka biglang pumasok ang best friend niya. Pumunta na siya sa lamesa niya. Pagdating niya duon, napansin niyang bukas ang drawer niya. "Hmmm…Alam ko sinara ko ito kanina. Pano kaya nabuksan ito?"

Pagtataka niya.

Binuksan niya ng dahan-dahan ang drawer niya. Pagbukas niya ay nagulat siya.

"ano ito?" wika niya habang inaangat ang isang pulang rose na may nakakabit na puting papel.

Kaagad na kinabahan ang dalaga. Sino kaya ang magbibigay nito sa kanya? Binuksan niya ang papel at binasa.

In the shadows I wait,

In the darkness I pray,

In the emptiness I long secretly

for a touch, for a caress,

for a recognition.

I know I'm of existence,

but without you,

my existence and everything I have

would mean not more than dust.

Thank you for everything…

Love: your prince

DUGDUG…DUGDUG…DUGDUG…DUGDUG…

Sa mga oras na iyon ramdam ni Michelle ang kabog ng puso niya. Feeling niya ay sasabog ang dibdib niya sa magkakahalong kaba, takot, tuwa, at katanungan. Hindi niya alam ang gagawin. Muli niyang binasa ang mensahe at idnikit sa utak ang mga hulin salita.

"…Love: your prince."

Sino ang kanyang prinsipe? Sino ang nagbigay sa kanya ng bulalak na ito? Sino ang gumawa ng mensahe?

Punong-puno ng katanugan ang utak ni Michelle. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Para siyang nasa alapaap. Palingon-lingon niyang tinitigan ang kuwarto upang maghanap ng clues kung sino ang nagbigay nito. Alam niya na isa sa mga writers dito ang salarin.Palageng nakalock ang room na ito at imposible namang taga-labas ang makapasok dito. Paglingon niya ay muling nagbalik ang paningin niya sa lamesa ni Hero. Muling natutok ang mukha niya sa larawan nitong nakatawa. Muling nagbalik ang alaala niya ukol sa bahay-bahayan.

"Si Hero na kaya ang prince ko? Siya nga ba ang nagbigay ng mga ito sa aken?" Pagtatanung niya sa sarili.

BLUG!

Biglang bumukas ang pinto. Kaagad-agad ipinasok ni Mich ang bulaklak at ang mensahe sa bag niyang brown at sinirado ang drawer.

"Hoy, best friend, okay ka lang? Para kang nakakita ng multo ha." Bati ni Hero habang naglalakad papunta sa lamesa nito.

"Ha…wala, nagulat lang ako. Akala ko kase ako lang ang tao dito. Kala ko umuwi ka na." mabilis at nangangatog na bigkas ni Michelle

"Wow, ibang level ka na ha. Wag mo sabihing kaagad-agad e nagiging superstitious ka. Bwuwuhuhu…." Pang-aasar ng binata gamit ang nakakatakot na boses.

"Hehe, very funny. O bakit nandito ka?" Sagot ng dalaga

"Wala, kukunin ko lang yung ID ko sa KFC. Alam mo naman yung supervisor namen e mainit ang dugo saken. Ayoko na naman masermonan." Sabi ni Hero. "Uy, Pareng Mich, una na ako a, nagmamadali na ako, late na kase ako e. Kahit alam kong mamimiss mo ko, e I have to go na. Sorry a."

"Sige…" tanging tugon ni Mich. Halatang nangangatog si Michelle. Di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Never pa siya nagkakaganito pag kasama niya ang binata. Relax lang siya dati. Pero ngayon, parang may mga butterflies siya sa tiyan niya. Basta, iba ang pakiramdam niya.

Kaagad-agad na umalis si Hero. Naiwan muli si Mich sa kuwarto. Muli niyang inisip ang mga nakuha niya ngayong araw na ito.

"….Love: your prince."

"Sino kaya ang prinsipe ko? Si Hero kaya" tanung niya sa sarili.

Kahit itinatanggi niya sa sarili alam niya na di na best friend ang tingin niya kay Hero at ngayong lumiliwanag na ang lahat, mas lalong napupuno ng pag-asa ang puso niya.

"Si Hero na kaya ang prinsipe ko?" Nakangiting tanong ni Michelle habang pinapatay ang ilaw at palabas sa publications office.

Senior YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon