CHAPTER 5: Perfect pair?

2 0 0
                                    

Umupo na si Sandara sa lamesa niya. Kakapasok pa lang niya sa classroom nila. Halos wala pang tao dahil kakatapos pa lang ng break nila. Inadjust niya ang buhok niya at itinali ito ng patirintas pakaliwa.

Almost one month na siya sa bagong school niya, pero feeling niya ay parang nuong first day. Pakiramdam niya ay bagong salta pa rin siya. Binuksan niya ang bag niya at inilabas ang black notebook at sign pen. Inilapag ito sa lamesa niya at nagmasid sa paligid. Halos walang tao sa loob ng silid maliban sa isang babae na nakasalamin na nagbabasa ng libro nila sa Social Studies. Kung di siya nagkakamali ay Roxanne ang name ng babaeng ito.

Mayaman ang pamilya nila Sandy. Parehas na nagtratrabaho ang mga magulang niya para sa Korean government. Trabaho ng mga magulang niya na magtravel at pumunta sa iba't ibang bansa para asikasuhin ang iba't ibang policies at problems ng mga Koreans na nakatira sa bansang iyon. Dahil importante ang solidarity sa family nila, obligadong sumama ang dalaga sa kanyang mga magulang kahit saan man ito magpunta. Kung susumahin ay halos 35 na bansa na ang napuntahan niya. Hindi pare-pareho ang tagal ng nilalagi nila duon. Minsan overnight lang, pero minsan ay tumatagal ng isang taon. Nasanay na siyang magtravel. Wala naman siyang reklamo dahil naiintindihan niya ang dahilan ng pagsama sa kanya ng mga parents niya. Gusto ng mga ito na mapatatag ang 'bond' nila. Gusto nilang ipadama sa dalaga ang lubusang pagmamahal.

Pero may bad effects din ang kondisyon niyang ito. Dahil sa dalas ng pagtratravel nila ay palage siyang palipat-lipat ng school. Hindi siya tumatagal sa isang school ng mahigit sa isang taon. Simula pagkabata ay ito na ang set-up niya. Kahit na nasanay na siya dito, nalulungkot pa rin siya dahil parang nanakaw sa kanya ang isa sa pinakaimportanteng bahagi ng buhay niya- kabataan at mga kaibigan. Never niyang naexperience ang magkaroon ng best friend. Hindi nga niya alam ang ibig sabihin nito e. Hindi niya naranasan maglakwatsa kasama ang mga kaibigan. Hindi niya naranasan ang magsleepover sa bahay ng mga ito. Di niya naranasan ang sarap ng pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan.

Buong buhay niya ay puros mga presidente at iba pang mayayamang tao ang nakakasalamuha niya. Buong buhay niya ay iba't ibang kultura ang nahahagilap niya.

Dahil na rin sa status ng mga magulang niya ay mahigpit ang security niya. Di sundo siya at palageng may mga bodyguard na nakapaligid sa kanya. Kahit saan siya magpunta ay tiyak may nakabantay sa kanya. Halos wala na siyang laya. Walang karapatang magdesisyon para sa sarili.

Alam niya at nararamdaman niya na mahal siya ng mga magulang. Ibinibigay sa kanya ang lahat pero iba ang kanya nadarama. Parang ninakawan siya ng karapatan.

Pero di gaya ng ibang mayayaman, lumaki si Sandy bilang isang mabuting tao. Di ito mapagmalaki. Di ito nanghuhusga. Di ito materialistic. Kahit na sakanya ang halos lahat ay kalian man ay di ito nagdamot o nanghamak man lang ng kapwa.

Sa Pagpunta nila sa Pilipinas ay medyo excited siya. Pilipino kase ang Yaya niya sa Korea na si Dolor. Lubhang mahal na mahal ito ng dalaga at parang naging best friend na niya. Mula sa yaya ay natutunan niya ang marami tungkol sa Pilipinas pati na rin ang konting tagalong.

Unti-unti ng nagsipasukan ang mga kaklase niya. Ang kaninang tahimik na silid-aralan ay unti-unti ng umingay at nagkabuhay. Nagsama-sama na ang mga magkakaibigan. Nagtabi-tabi na. Nagsimula ng maghalakhakan. Nag simula ng mag-usap.

Pinag-aralan ni Sandy ang paligid.

"What's wrong with this picture?" tanong niya sa sarili.

"Me." Sagot niya. Siya ang mali dito. Bukod sa pagiging banyaga, siya lang ang tao ditong walang kaibigan. Walang kausap. Walang katawanan. Para lang siyang dekorasyon sa lugar na ito.

Whoosshh…

May biglang umupo sa tabi niya. Nilingon ni Sandy upang malaman kung sino yun. Pagtingin niya ay isang lalake na medyo mahaba ang buhok.

Senior YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon