"I'll definitely give him a 10!" pahalakhak na tili ni Joanna Mae habang nakaupo sa may garden area ng school nila. At kasalukuyan silang nagiiscore, nagpupuna, at nanlalait na rin sa mga taong dumadaan sa harapan nila. Kung titingnan ay para silang mga reyna na nanghahamak ng mga alipin.
Break niya ngayon kaya kasama niya ang mga kaibigang sina Laarnie at Jeanette. Kasali silang tatlo sa cheering squad ng school nila at si Joanna Mae ang cheer captain dito.
Kakaiskor palang nila sa isang lalakeng nagdaan sa harapan nila.
"Yeah, that guy is a looker" sabi ni Laarnie habang nakatingin pa rin sa lalaking kakadaan pa lang.
"I kinda disagree!" pagtanngi ni Jeanette.
"Why so?" pagtataka ni Joanna Mae.
"Hello?!" tugon ni Jeanette gamit ang isang napakapitchy na boses. "The guy may look hot and dress well, pero he acts and walks as if he is gay. The guy looks gay."
"Umm…No comment sister." Tugon ni Joanna Mae sabay halakhak ng malakas.
Magaganda ang mga magkakaibigan itong. Ngayong araw, nakasuot sila ng cheering outfit nila at talaga nga namang nakakabighani ang kanilang mga itsura. Pero kahit na ganito, ilang pa rin ang mga tao
sa kanila. Para kasing nakapanliliit pag kasama mo ang grupong ito. Grupo ng mga magaganda. Grupo ng mga sikat.
"Anyway sis, are you positively sure about the break-up thing with your Ex, Nikko?" tanong ni Laarnie.
"Correction girl-friend, We did not break-up mutually. I broke or
DUMPED him." Pagmamataas na sagot ni Joanna Mae habang tinitingnan ang sarili sa isang hand mirror.
"Whatever. So it seems na you just woke-up one morning and decided to just throw everything away. You're like together na since God-knows-when." Sabi ni Laarnie.
"And plus the fact that it has always been Nikko and Joanna Mae. Never ko pa narinig na Nikko lang or Joanna Mae lang. You have always been the ‘Power couple’." Dagdag ni Jeanette.
Simula pa lang freshman year ay identified na sa buong school nila ang dalawang ito. Sila ang mga pinakasikat at pinaka-makapangyarihan sa buong school. Kinaiingitan sila. Kinakakatakutan. Ginagaya. Inaasam. Sila ang kilabot na Power Couple- ang captain ball ng varsity basketball team at ang cheer captain ng pep squad. Lagi silang magkasama. Lagi silang nakikitang naghaharutan. Lagi silang
naghahari.
Pero ngayon, iba na ang sitwasyon, halos isa't kalahating buwan na ang lumipas ng makipagbreak ang reyna sa kanyang hari. At marami ang nagtataka kung bakit.
Umiinit na ang araw kaya nagpasya ang grupo nina Joanna Mae na lumipat na lang sa may gilid ng canteen kung saan ay may trapal na babalakid sa sikat ng araw. Nang makaupo na sila, muling nagsalita si Jeanette.
"Its like, what um… over a month since you have ‘dumped’ Nikko, pero its still not clear why."
Nag-isip muna si Joanna Mae. Bakit nga ba siya nakipag-break kay Nikko. Sa totoo naman, feeling niya wala na siyang hahanapin pa dito. May itsura naman ito. Mayaman din katulad niya. Sikat at kinakatakutan din. Bakit nga ba?
"Um… I dunno. Siguro, I just got sawa na over him. Look at these girls, let's compare him to a red lipstick. Let's say you like red lipstick and you like wear that stuff everyday. However, there will come a point in your life that you just woke-up and suddenly you're fed-up with using red lipstick. Then you start to crave for something else, a new shade. That's exactly what I'm feeling right