CHAPTER 7: As if I care

3 0 0
                                    

TING!

"Thank you ma'am, enjoy you're dine-in!"

TING!

Yan ang nasabi ni Ryan Joon habang paalis na ang isang matandang babae na bitbit ang isang tray na puno ng pagkain.

Nasa trabaho si Ryan Joon ngayon sa KFC. Working student siya. Nagsisilbing over-all crew ang binata dito. Minsan siya ang nasa counter. Minsan naman ay siya ang nagpupunas ng lamesa at nagtatapon ng basura. Minsan naman, siya ang nagluluto sa kitchen.

Halos mag-iisang taon na rin siya sa KFC. Kasama niya sa trabaho ang kanyang kababata at best friend na si Hero. Ngayong gabi ay night shift sila pareho. Twenty four hours kasi ang kanilang branch. Kanina pa silang mga ala-sais nagsimula at hanggang alas-onse sila ng gabi.

"10:30 na pala." Sabi niya sa sarili ng makita ang oras sa kanyang lumang wrist watch. "salamat naman at malapit na rin akong matapos sa trabaho. Kanina pa ako nahihilo."

Simula pagkabata ay naging masasakitin na si Joon. Middle class lang ang pamilya niya. Siya ang bunso sa kanilang magkakapatid. Apat sila lahat sa pamilya. Pulis ang tatay niya, samantalang may negosyo naman ng gulay ang nanay niya. Kahit na dalawa na sa kapatid niya ang tapos sa pag-aaral ay alam niya na nahihirapan pa rin ang mga magulang niya na pagkasiyahin ang budget ng mga ito sa kanilang pang

araw-araw na gastusin. Dahil dito, nagvolunteer siyang mag working student para makatulong na rin. Buti na lang at kasama niya ang kababatang si Hero dito sa kanyang trabaho.

"Uy tol, okay ka lang? pahinga ka muna. Wala pa namang dumarating na bagong customer e." sabi ni Hero na nakaupo sa may gilid ng counter.

Lumapit si Joon at umupo sa tabi Hero.

"Kanina pa nga ako nahihilo e. sa totoo lang, halos sumakit na itong panga ko sa kakangiti sa mga customers. Mahirap na at baka sungitan pa ko." Sabi ni Joon habang nagpupunas ng pawis sa noo.

"Oo nga, bad trip pa kung kahit nakatawa ka na ay sususngitan ka pa. Lalo pa kung magrereklamo kay Boss Dragon." Sagot ni Hero habang nakatingin sa supervisor nila na natutulog sa kabilang gilid ng counter habang humihilik at nakanganga.

Tumingin si Joon kay Mr. Drake Gonzales. Siya ang supervisor nila. Nasa singkwenta anyos na siguro ang lalakeng ito at medyo kulang na ang buhok sa anit. Dahil sa sungit nito at init ng dugo tuwing nakikitang tamad ang mga crew, ay shinorcut nila ang pangalan nito sa Mr.DraGon. Kulang na nga lang daw ay bumuga ito ng apoy.

"Grabe nga makapagalit yang boss natin nay an samantalang siya ay kulang na lang eh maglatag ng banig sa KFC at tuluyan nang matulog dahil sa sobrang pagiging antukin." Sabi ni Hero habang nagsusulat.

"Ano yang sinusulat mo tol?" tanong ni Joon.

"Wala lang. Article ko for the school paper. Kailngan na kase nating maglabas ng issue by the end of the month. Sa sobrang busy ko sa acads, family, at trabaho eh di ko na naasikaso ito. Dagdag mo pa yung social studies project natin." Tugon ng kaibigan.

"Oo nga pala, ako rin di pa tapos yung sports column ko for the school paper ko. Buti na lang napaalala mo." Sabi ni Joon

"No problem. Buti nga ikaw, si pareng Michelle ang partner mo. Ako, ang napunta saken yung Koreana na pinatabi sakin. Hindi ko nga lam kung panu ko kakausapin yan." sabi ni Hero

"Bakit tol, may gusto ka ba kay Pareng Michelle natin? Nagseselos ka ba?" tanong ni Joon habang halatang umiiwas sa tingin ni Hero.

"Ako? Magseselos?! Okay ka lang tol. Siyempre, what I mean is, di ka na maiilang kay Michelle kasi kilalang-kilala mo na siya simula pa nuon. Mas maganda yung working relationship ninyo. Samantalang yung akin, di nga ata marunong magsalita eh. Saka okay ka lang, kumpare natin yung si Michelle." Sabi ni Hero habang natatawa.

Senior YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon