“TEN THOUSAND PESOS! TEN THOUSAND PESOS! TEN THOUSAND PESOS!”
Paulit-ulit na nagflaflash sa utak ni Judy ang mga katagang iyan. Iyan ang kailangan niyang pera para matustusan at matuloy ang project ng student council nila kung saan siya ang presidente. Ang project nilang ito ay para sa pakain sa mga street children.
Middle class lang ang pamilya niya at siguradong di niya kayang maafford ang halagang ito. Parehas na social workers ang mga magulang niya at umaasa lamang ang pamilya nila sa mga donasyon mula sa mga donors at mga naniniwala sa layunin ng parents niya. Parehas na doctor ang mga ito, pero mas pinili nila na magserbisyo ng libre para sa mga kababayan. May paninindigan ang mga ito. Kahit na ang mga kasamahan ng parents niya ay nagsiliparan na sa Amerika at nagsiyamanan na, patuloy pa rin ang mga magulang niya sa mga social work nito. Lumaki si Judy na ganito kaya't di kataka-taka na lumaki siya na socially aware, nationalistic, at may paninindigan.
Activist at Femminist- yan ang tingin sa kanya ng mga tao. Kahit na okay lang sa kanya na tawagin siyang ganito, e natatawa na lang siya. Di naman talaga siya activista. Di siya katulad ng ibang makakaliwa na naproprotesta sa kalsada at nagsisissigaw. Mayroon siyang paninindigan pero alam niya ilugar ang sarili. Pero, femminista nga siya. Advocate siya ng female rights at empowerment.
Marami na siyang naacomplish sa buhay, pero ang pinakaproud siya ay nuong mahirang siyang pinakaunang junior Student Council President. Ang posisyong ito ay kadalasang para lamang sa mga seniors. Pero dahil na rin sa dedikasyon, e nakuha niya itong muli. Dahil na rin sa galing niya, muli siyang nahirang na President for the second time ngayong Senior year. Sabi niya sa sarili na dapat ay mahigitan niya ang mga nagawa niya last year. Kaya naman halos magwala ito ng
malamang di inapprove ang funding ng project niya ng school administration.
"Judy, okay ka lang?" tanung ni Roxanne.
"Obvious bang hindi!" sagot ni Judy habang naglalakad sila sa hallway papunta sa next class nila. "Nakakaasar talaga yan board of trustees ng school natin. Napakaswapang! My God!!! Bakit nila binitin yung project ko para sa school children. Tinanggalan nila ng funding!"
"Baka wala ng funds?" tugon ni Roxanne
"Walang funds? Okay ka lang?? E halos mapuno na tong school natin ng mga kung ano-anong dekorasyon. Tapos walang funds? May mga water fountain nga tayo pero walang gumagana. Mas inuna pa nilang taniman ng mga roses ang garden ng school at ipaskil ang mga mukha ng school administrators sa buong school. Kulang na lang e taniman nila ng roses ang canteen o lagyan ng mukha nila ang mga banyo." Sabi niya.
"Eto, grabe namang makapagreact." Sabi ni Roxanne.
"Talagang napakacorrupt ng mga tao dito!!! Pag ako naasar, magfafile ako ng impeachment!" hamon ni Judy.
"Hello? Student Council President ka lang po…Napaka O.A. nito" tawa ni Roxanne
Huminto silang dalawa.
"Alam mo, okay naman daw sa kanila yung project e, pero yung funding na nga lang daw yung kulang.. Grabe, naaawa ako sa mga street children na mabibigo ang mga puso. Huhuhu." Drama ni Judy.
Biglang lumiwanag ang mukha ni Roxanne.
"So magkano ba ang kailangan mong pera?"
"Ten thousand lang naman. Sang kamay ng Diyos ko kukunin kaya yun?" Sabi ni Judy. "Kung sabihin ko sayong may paraan." Sabi ni Roxanne.
Naguluhan si Judy. "Anong ibig mong sabihin?"
"Gagawin mo ba kahit ano para matuloy?" tanong ng kaibigan.
"Kahit ano…" sabi niya
"Para sa mga streetchildren?" tanong ni Roxanne. "Para sa mga streetchildren." Tugon naman ng dalaga. "Promise?" pagsisiguro ulit ng kaibigan. "Promise. Kahit na ano." Tugon ni Judy. "Puwes, tumalikod ka at makikita mo ang solusyon sa problema mo." Pangiting sabi ni Roxanne habang inaayos ang salamin sa mata.
Dahan-dahang tumalikod si Judy. Excited siyang malaman ang solusyon sa kanyang problema. Pagtalikod niya, nakita niya ang isang poster at nanlaki ang mga mata nito sa nabasa.
SEARCH FOR MR. & MS. CAMPUS CRUSH NG BAYAN
Biglang tumili si Judy.
"Okay ka lang Roxanne?!"
"Diba sabi mo, kailangan mo ng pera, puwes eto na ang solusyon." Sabi ng kaibigan
Tiningnan niya uli ang premyong pera.
FIRST PRIZE: P 20,000.00
SECOND PRIZE: P 15,000.00
THIRD PRIZE: P 10,000.00
Malaki nga ang premyo, pero biglang naisip ni Judy kung sino naman ang sasali dito. Biglang niyakap niya si Roxanne.
"Wow, Roxanne, touch naman ako. Talagang friend kita. Akalain mo yun. Sasali ka pa ng beauty contest para lang matulungan ako. Wow."
Tinulak ng marahan ni Roxanne si Judy.
"Hoy, okay ka lang? Ako? Sasali diyan. Hello??? Never ko pa naisip na sumali diyan no. Saka papagalitan ako ng mga lola ko pag sumali ako diyan." Sabi ni Roxanne.
"Puwes, kung di ikaw. Sino? Wala na akong kilalang iba na puwedeng sumali e."
Ngumiti si Roxanne. "Puwes, ako meron."
"Sino?" pagtataka ni Judy
Biglang napansin ni Judy na nakatingin sa kanya ang kaibigan at nakangiti.
"No! No! No! No! Ako?"
"Aba bakit naman hindi? Im no beauty expert pero feeling ko e puwedeng-puwede kang manalo. Isa pa. kahit third place lang e okay na." sabi ni Roxanne.
Umiiling si Judy pero habang patagal ng patagal, naiisip niya na tama nga si Roxanne. Ito na ang solusyon sa problema niya.
"Palagay mo kaya ko?"
"Kayanin mo. Saka you're smart, you're tall. Complete package ka na. Di ka naman masamang tingnan." Sabi ni Roxanne habang nakatingin kay Judy
"Ganun? Hay naku,. Wish ko lang e tama ka." Napayuko na lang si Judy.
"Halika na, malalate na tayo sa class natin."
Sabi ito ni Roxanne. Sabay na silang tumakbo papaunta sa next class nila.
Natatawa si Judy sa papasukin niya. Si Judy ang feminist at activista sasali sa isang beauty contest?
"Hay naku, that's life." Sabi niya sa sarili.
Kung Dati'y mga protesta ang nilalahukan niya, ngayon sa isa ng entablado habang nakamake-up at gown , isa na siyang official beauty contestant na walang alam isagot kundi ‘WORLD PEACE’