Dianna's P.O.V
Nang Makita ko kug kanino galling ung panyo, halos di ako makapaniwala na sa dinami-raming taong makakita saakin habang umiiyak ay siya pa.
Hindi ko siya pinansin at tinungo ko ulit ug ulo ko.
"sige na kunin mo na, ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak" tiningnan ko siya dahil sa sinabi niya, pero poker face parin ang mukha niya. Inabot ko ang panyo at ipinamunas ito ng mga luha ko at ang bangooooooo ng panyo niya huh.
Nang matapos ko punasan ang mga luha ko at mga dumi sa mukha ko ay napansin kong umupo siya sa tabi ko, pero hindi ako umiimik. Naiilang kasi ako sa kaniya kasi nga crush ko siya, pero nakakapanibago kasi niya ang cold cold niya pero eto ngayon siya naka-upo sa tabi ko, parang hindi kapanipaniwala sa isang uri ng taong katulad niya.
"So tell me, bakit hindi ka lumaban kahit binubully kana?" tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. So nandun pala siya kanina, bakit parang hindi ko alam.
"Kasi alam ko na mangyayari kung lalaban ako, at isa pa hindi ako marunong makipagsabunutan sa mga babaeng katulad ni Nicole, at isa pa hindi siya worth it para bigyan ko ng time ang mga katulad niya no" mahaba kong rason sa kaniya.
"paanong, alam?" tanong niya ulit.
Hindi ko alam ang isang Mr.Cold ng St.Vladimir High School ay may pagkamadaldal na side, pero sa kahit ganitong paraan ng pag-kausap niya sa akin ay nawala ang bigat na dinulot sakin ng grupo nina nicole kanina at ang awkwardness na namamagitan kanina ay nawal narin. So no choice ako kaya sasabuhin ko nalang sakanya.
"simula pa noong elementary ay binubully na ako, nagsimula ito nung namatay ang mama ko, nalaman ng mga classmates ko ang tungkol doon kaya nagkaroon sila ng lakas ng loob na bullyhin ako,dahil si mama lang ang may kayang ipagtangol ako nung time na yun, dahil nasa Saudi si papa at si mama naman ay nagkataon ring isa sa stock holders ng company na nagsusponsor sa school na pinag-aaralan ko. Marami akong kaibigan dahil gingawa nila akong kapit kasi daw kung hindi dahil sa mama ko baka walang magagandang facilities ang school, kaya nung nalaman nila na patay na si mama ay isa-isa rin nila ako iniwan, kumbaga friends lng kugn kiankailangan, at hindi pa iyon, dahil sa pagiging down ko noon at hindi ko na sila pinapansin ay nagpakalat sila ng mga maling balita, kesyo daw nasa higher section ako dahil sa mama ko, binabayaran daw ng mama ko yung mga teacher para maging mataas ang grades ko kaya pati ang mga nakakakita sa akin na mga nagpapaniwala ay binubully nalang ako, at kapag naman magsumbong ako sa dean o sa guidannce namin, sasabihin naman nila na ako talaga ang may kasalanan at kung lumaban naman ako sila ri yung magrereport sa akin, kaya hindi ako lumalaban dahil alam ko rin naman na ganun ang mangyayari." Mahaba kong sagot sa kaniya na siya namang ikinatahimik niya.
Tumayo siya sa kina-uupuan niya at tiningna niya ako.
"tumayo ka na, magpalit ka ang dumi mo na oh" ay oonga pala hindi pa ako nakpag pali ng damit, pero huhu pantalon lng ang dala ko dahil naiwan ko kanina yung extra shirt ko late na nga kasi ako kanina. Ay hayaan mo na nga sa bahay nalang ako magpapalit mamaya.
Tumayo nalang din ako at pinagpagan ang damit ko, at dumiretso ako kung nasan ang locker ko, hinayaan ko lang siya dun, bahala na siya kung susunod siya o hindi basta malinis ko lang mga dumi ko sa mukha.
Pumunta ako sa CR at nagpalit.Pagkatapos kong mapagpalit ng pantalon ay nilinis ko yung mga basag na itlog at tinanggal ko yung mga harinang dumikit sa buhok ko, buti nalang at yung itlog sa buhok ko lang dumikit at konting harina lang yu ng nasa damit ko. Kahit papaano pala may natitirang swerte parin ako.
Lumabas ako at nakita ko si Ethan na mukhang naghihintay. Bakit kaya niya ako hinintay?
"bakit nandito ka?" tanong ko.
"ah kase nag-usap tayo hindi ko manlang alam ang pangalan mo." Sagot niya sa akin
Ay oonga nga pala hindi pa pala niya ako kilala.
"Ako nga pala si Dianna Elise Kim" pagpapakilala ko sa kaniya.
"ah ganun ba, nice to meet you Elise, ako nga pala si Ethan Antonio, okay lang ba na Elise nalang ang itawag sa'yo?"
"okay lang sakin, tsaka kilala na kita, sino ba naman ang hindi makakilala sa cold prince ng school" sagot ko letting out ah soft chukle. Pagkatapos kong sabihin yun ay tiningnan ko si ethan na parang may iniisip, ayun poker face parin ang mukha.
Ethan's P.O.V
Pagkatapos niyang sabihin na kilala niya ako, ay may mga tanong na biglang nabuong sa utak ko.
Katulad ka rin ba kaya nila?
Katulad ka rin ba kaya ng mga babaeng nakakasalamuha ko na halos gawin ang lahat pansinin ko lang?
Mas nagging interesado ako sa kaniya kanina nung nakita ko siyang binubully ng grupo ng nung Nicole yata yun. Dahil nakikita ko sakanya ang ugali ni ate, ang nag-iisang babae sa buhay ko.
Dianna's P.O.V
Dahil napaka seryoso niya ay tinawag ko na siya.
"ethan yuhoooo!!" sabi ko at tila bumalik naman yung diwa niya sa earth. At tiningnan niya ako.
"bakit hindi ka nagpalit ng damit?" tanong niya.
"wala kasi akong dalang extrang damit eh" sagot ko at hinubad naman niya ang jacket niya at inabotito sa akin.
"yan suotin mo muna balik mo nalang sa akin bukas" sagot niya na ikinagulat ko.
"naku ethan wag na tska malapit nang gumabi oh" pagtanggi ko
"tsk sige na, sabay mo na rin yung panyo ko" sabi niya at umalis nalang nang walang paalam. Kahit papaano talaga ay hindi mawawala yung pagiging cold sa kaniya at dahil doon ay sinuot ko nalang ang jacket niya, at lumabas.
May mga ilan-ilang estudyante nalang ditto ang natira dahil yung iiba ay gumagawa ng project at yung cheerdance naman ay nagprapractice. Pero bakit parang ang sama ng mga tingin ng mga'to sakin. Nang makalabas ako ay sakto namann may jeep at medyo puno na kaya dun ako sa front seat umupo. Nakita ko yung reflection ko sa side mirror ng jeep at may nakita akong logo ng school sa may bandang right arm na logo ng school, so varsity jacket pala to. Ahhh oka--- what kung varsity to at kay ethan to it means may nakalagay na pangalan to sa likod. Ay kaya pala halos bitayin ako kanina ng mga students na babae sa mga tingin dahil suot ko ang varsity jacket ng fafa nila, hohooohooo :D
Pagkauwi ko ng bahay ay kinuha ko sabag ang panyo ni ethan at hinubad yung jacket niya na suot ko. Kahit gabi na ay nilabhan ko parin to, may dryer naman kami. Pagkatapos ko ito plantsahin ay nakita ko ngang may naka lagay na Antonio sa likod, na apelyido niya. Itinupi ko ito at itinabi kasama ang panyo niya.
Pagkatapos ay nagshower narin ako at humiga. Parangnakakoverwhelm kasi para sa akin na kausapin niya ako. Hindi ko alam basta habang iniisip ko siya ay agad na akong dinalaw ng antok at nakatulog ako agad.
------------------------
wahahhah ang haba ng UD ko:D i feel proud /peace/
Dianna and Ethan
YOU ARE READING
Loving Mr.Cold
FanfictionWill she able to change the cold heart of the guy she love? Is he willing to accept the fact that he is Inlove with her?