= 8 =

36 1 0
                                    



Dianna's POV

Matapos noong bola accident ay lalo akong sumikat, sikat hindi as in maraming admirers kundi sikat dahil maraming haters. Isipin ba naman nilang lagi kong kasama si shin tapos nakabuntot naman ako lagi kay Ethan dahil nga "Slave" niya daw ako.

Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi maiiwasan ang bulong-bulongan,


Siya yung dikit ng dikit kay Carlo diba??


Ang landi niya grabbeee!!!


Higad!!


Look at her she's so ugly!!


Di na siya nahiya!!

Kung awards lang ang mga pinagbabato nila sa akin sigurado akong ako na ang most awarded person pf the year. Gusto kong sumabat na hindi ako higad, malandi o kung anu-ano pa ngunit alam kong parang me against the world nanaman ang peg ko kaya niyuko ko nalang ang ulo ko.

Pagka dating ko sa aming class room ay ayun parin, same as always, kukulitin ako ni Shin tapos susulyap kay Ethan, yun naman lagi ang ginagawa ko eh. Tapos narin ang intrams at siyempre kami ang panalo kami pa ba, at sa Friday na rin ang accuintance party ang theme niya ay black and red kaya happy kami lahat.

Nag ring na ang school bell hudyat na uwian na, at ako naman ay nahuli dahil inutusan pa ako ng teacher na isarado ang mga bintana at linisin ang room, hays muchacha nanaman si ako.

Pagkatapos kong ilock ang room ay inayos ko na ang mga gamit ko at tumingin sa relo ko, malapit nang mag-7:30, gabi na pala, hays kasalanan na whole day ang klase.

Nang matapos kong magligpit ng bag ay lalabas na san ako kaso teka?

Bakit di mabuksan ang pinto, nalock ako

Kinatok ako ang pinto


"tulong!!??"


"may tao ba dyan?!!"


Paulit ulit kong sigaw ngunit walang nakaririnig. Nang bigalang mamatay ang ilaw, at halos wala na akong Makita ang dilim




THIRD PERSON's P.O.V

Umandar ang takot ni dianna nag halos wala na siyang Makita, nang kapain niya ang kanyang cellphone ay dead batt naman ito, luminga linga siya sa paligid at nakita niya lamang ay walang iba ngunit kadiliman. Siya ay nanigas sa sobrang takot, nakatulala at muling nakita ang ala-alang ayaw nang balikan


[[FLASH BACK]]

Naka upo ang isang batang 9 na taon gulang, habang nakatakip ang kanayang kamay sa kaniyang mga tenga.

"mommy"


"mommy tulong, ayaw ko dito"


"ang dilim, natatakot ako mommy"


Pagsusumamo ng paslit sa kaniyang ina na tila nasakanyang tabi. Lingid sa kaalaman ng naghahanap sa kanya ay ikinulong siya nang kaniyang mga kaklaseng babae sa kanilang classroom.


[[END OF FLASH BACK]]


Sa sobrang takot at kabang nararamdaman ni Dianna ay naninikip na ang dibdib nito hangan sa mawalan ito ng malay.

-2bc


Loving Mr.ColdWhere stories live. Discover now