One: Nabangga

171 8 1
                                    

Pumasok ako sa registar office para ibigay yung mga requirements ko.

Hay, buhay transferee nga naman!

Isisira ko na sana yung pinto nung nabangga ako nung lalake kasi umatras siya.

Nalaglag yung dala kong envelop, kukunin ko na sana nung mas na una niyang na kuha 'yon.

"Sorry" yun lang ang sabi niya pag kabigay niya sakin nung envolop

Napatitig ako sakanya ng matagal kahit na tumalikod na siya sakin.

Tumabi ako sa gilid niya at nakatitig parin. Gosh!

Ano 'tong nararamdaman ko?

My god! Ang landi ko talaga!

Nagising nalang ako sa katotohanan nung tinanong ako nung babae kung ano daw kailangan ko.

Agad ko naman binigay yung envelop ko at lumabas sa registar office pero bago ako lumabas tumingin ako sakanya.

Andun siya busy sa pag tatanong sa isang babae about sa kong ano.

Infairness! Ang tangos ng ilong ni kuya at ang puti ah?

Nag kibit balikat nalang ako at tuluyan nang lumabas ng registar office dahil inaantay ako ni Mommy.

Sobrang raming tao na sa bago kung paaralan dahil sa totoo lang simula na ng pasukan at hito ako kakaenrolled palang.

Yung lola niyo nag enjoy sa summer vacation at hindi na bumalik sa dati kong kurso dahil di ko naman talaga 'yon gusto. Ang may gusto lang noon ay yung mga magulang ko.

At actually pati din ngayon sa bago kong kurso sila padin yung pumili. Wala e sila dapat masunod dahil sila ang nakakatanda.

Umuwi na kami ni Mommy sa bahay dahil tapos na din akong mag paenroll, sana may mahanap akong mababait na kaibigan.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Grabe! Nakakapagod!

Muli kong naalala si kuyang nakabangga sakin kanina.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Nako! Lumalandi ka nanaman puso ah?

Paisip tuloy ako kong anong year na kaya siya? Ka year level ko rin ba siya? Ano kaya kurso niya?

Natawa ako dahil sa mga tanong ko sa isip. Nako! Ikaw na babae ka! Umayos ka!

Umupo ako sa pag kakahiga ko. Kinuha ko yung laptop ko at binuksan yung facegram ko.

Start na din pala yung pasukan sa dati kong paaralan. Maraming nag memessages sakin na mga dati kong classmates bakit daw ba hindi na ako nag paalam na uuwi akong probensya namin.

At sabi pa nila na mamimiss nila ako, yung kaingayan ko at kakulitan. Mamimiss ko din naman sila.

Nag log-out na ako sa facegram ko at itinabi yung laptop ko.

Ano na kayang oras?

Tinignan ko yung relo ko 4:15 na pala ng hapon.

Bumaba ako sa kwarto ko.

"Nana Sita 'san si Mommy?" tanong ko kay Nana Sita

"Umalis sila ng kuya mo, hija" sabi ni Nana Sita

Tumango ako "Saan daw po sila pupunta?"

"May biglaang meeting daw sa companya niyo" tumango nalang ulit ako at pumunta sa may garden namin

Umupo ako sa tabi ng swimming pool namin, ang boring pala sa probensya wala manlang mall na mapupuntahan o kahit kakainan manlang.

Paano kaya sila nabubuhay na walang social life?

Inayos ko yung buhok ko nung humangi, pero sa probensya ko lang din malalanghap ang preskong hanggin na tulad nito.

Dahil sa syudad puro usok lang ang maaamoy mo.

"Ma'am pinapatanong po ni Nana Sita kong gusto niyo po ng meryenda?"

Umiling ako "Hindi na po" tumango nalang siya at umalis

Tumingin ulit ako sa kapaligiran namin, malawak din naman ang lupain namin.



***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!

Crush (Completed)Where stories live. Discover now