Thirteen: Baby Boy and Baby Girl

32 2 0
                                    

Malapit na kaming mag sembreak, kunting push nalang 2nd sem na kami.

Sobrang busy kami sa pag papractice namin sa festival namin para sa PE.

Umupo ako sa isang tabi dahil break namin sa pag papractice kinuha ko yung cellphone ko sa loob ng bag ko.

Binuksan ko yung facegram ko, online si Percy.

Nasa school pa kami ah?

"Baby girl" nakatingin parin ako sa cellphone ko dahil nag babasa-basa ako sa mga post ng mga friends ko

"Hindi namamansin si baby girl" napaatingin ako sa taong tumabi sakin

Si Erin lang pala "Huh?"

"Nakita mo na si baby boy?" tanong niya

"Baby boy?" tanong ko pabalik

"Si Percy" sabi niya

Tumaas yung kilay ko "Bat baby boy at baby girl?" tanong ko

"Tawag ko sainyo" sabi niya

"Ang badoy ah" sabi ko "Alam ba ni Percy yang petname mo samin?" tanong ko

Tumango siya "Oo alam niya" umiling ako

"Hay ano Erin, tigil-tigilan mo na yang pag mimistulan mong pagiging tulay samin dalawa" sabi ko at tumayo na

Nag lakad na ako papunta sa mga classmates namin

"San ka galing?" tanong ni Lorraine

"Umupo lang dun" sabi ko

Tumango si Lorraine

Nag explain lang yung choreographer namin na ilang araw nalang daw yung practice namin at dapat daw mabuo na namin yung buong step

Dahil sa festival na 'to madalang ko nalang makita si Percy dahil palagi kaming andito sa gym hindi ko napapansin kong dumaan na ba siya o wala pa, hindi ko rin namamalayan na uwi na sa hapon kaya minsan nakikita ko nalanh siya nasa may gate na siya kasama yung mga classmates niya.

Hay ilang, weeks ko na siyang di nakikita namimiss ko na crush ko.

"Okay that's all for to day class!" sabi nung choreographer namin

"Yeah!" sigaw naming lahat

Tumakbo na ako papunta sa bag ko "San tayo ngayon?" tanong ni Ana

Tumingin ako sakanila "Uuwi na ako, sobrang nakakapagod yung araw na 'to" sabi ko

"Sus! Wala mo ng uuwi may pupuntahan tayo" sabi ni Lorraine

"Tara't mag bihis muna" sabi ni Ana

Nag lakad na kami papunta sa cr ng mga babae

"Hoy girl, ilang weeks mo na ding di nakikita si Percy simula nung nag start na tayong mag practice ng festival dance" sabi niya

Tumango ako "Mag tatatlong linggo na din" sabi ko

"Nako, di kana updated kay kuyang crush mo" sabi ni Jai

"Okay lang minsan naman kasi nag chachat ako sakanya at buti naman hindi snob isang yun sa facebook" sabi ko

"Weee, si Percy Marion Ramas nag rereply?!" tanong nilang tatlo

Tumango ako "Believe it or not" sabi ko

"Nice lumelevel-up na si ateng girl natin" umiling ako

"Loka!" nauna na aking lumabas ng cr dahil tapos na kong mag bihis sumunod naman silang tatlo

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko

"Sa kwek-kwekan" excited nilang sabi

Umiling ako "Libre niyo ko" sabi ko

"Gaga, ikaw 'tong mapera eh!" sabi nila

"Anong ako?! Si Lorraine kamu!" sabi ko

"Oy, anong ako?!" sabi ni Lorraine

"Totoo yun" sabi ko

Tumawa nalang si Lorraine "Okay fine, kwek-kwek is on me" sabi niya

Pumalak-pak kaming tatlo "Yoooown!" sabi naming tatlo

Lumabas na kami sa gym at nag lakad na palabas ng school namin mga 6 minutes din yung lalakarin namin para makapunta sa kwek-kwekan

"Oy girl ano may progress na ba sainyo ni Percy?" tanong nina Lorranine

Nag kibit balikat nalang ako "Ewan, basta ang alam ko di ako invisible para sakanya di tulad sa mga naging crush ko dati" sabi ko

"Naks naman!" sabi nila

"Eh kayo ni Pajo?" tanong ni Ana

Umiling ako "Idol ko lang 'yun sa pag sayaw di katulad ni Percy crush ko talaga siya" sabi ko

"Speaking of Pajo" sabi ni Jai "Nag text pala yun isang yun dati sakin" sabi nito

"Ano sabi?" tanong ni Ana "Ibabalik na ba siya yung tig fifithy natin?" naasar na sabi ni Ana

Well, dapat lang naman kaming maasar sa Pajong 'yun dahil tinake for granted niya na yung pag-hanga ko sakanya at pinirahan lang kami, actually early payment namin yun para sa pag turo niya samin ng sayaw pero ni isang step wala pa siyang naturo samin, everytime na mag tetext kami sakanya nakapatay yung phone niya at the other day pumunta siya sa classroom niya kinausap niya si Jai at humihingi siya ng paumanhin na wala daw sakanya yung phone niya at na kay Mama niya daw! So meaning nag kakatext yung Mama niya at si Carmel? Ganern?

Mga galawan ni kuya! Nako!

"Hindi, sinabi niyang musta na si Bebe Every?" tumaas yung kilay ko

"Napaka-kapal ng mukha!" sabi ni Lorraine "Mukha bang bebe si Every?! Napaka-gago! Galawang fuccboi!" naiiritang sabi ni Lorraine

"Hayaan niyo na yun, karma nalang bahala sakanya" sabi ko

"Tama ka girl!" sabi ni Ana "Karma has no menu"

"Tompak!" sabi ko

"Plangak" sabi ni Jai

Nag tawanan kaming tatlo

Siguro kong dahil sakanila loner ako ngayon, kasi yung iba kong klase napaka-mature nag isip mga perfectionist silang lahat, yung ayaw nilang makakita ng mga bagay na palpak dapat lahat tama. Napaka-boring ng ganon.

Lumiko na kami sa isang kanto "Finally! Andito na din tayo!" sabi ni Jai

Pumasok kami sa tent "Ate, walong kwek-kwek po" sabi ni Lorraine

"Nice! May pa kwek-kwek si mayor" sabi ni Jai

Nag tawanan kaming apat "Dito lang ba Lorraine?" tanong ni Ate

"Hindi po ate" sagot ni Lorraine

"Tig dalawa ba kada plastik?" tanong ni Ate

Tumago si Lorraine "Opo"

Hinintay nalang namin yung kwek-kwek dahil niluluto niya pa ni Ate




***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!

Crush (Completed)Where stories live. Discover now