Twelve: Accepted

37 2 0
                                    

Sabado ngayon at kasalukuyan na wala akong lakad kaya team bahay lang ako ngayon

Kinuha ko sa bag ko yung mga banner na ginawa nina Jai at Tita Christian

Dinikit ko 'to sa wall ng kwarto ko.

Sinulatan ko din yung kalendaryo ko ng 'best day ever'

Ako yung pinaka-masayang tao nung birthday ko

Imagine, na greet ako ng mga crush ko plus sobrang na appreciate ko yung effort ng mga kaibigan ko

Ikalimang araw na mo la nung birthday ko

Humiga ako sa kama ko at binuksan yung facegram ko para tignan kong inaaccept na ba ni Percy yung friend request ko

Napatili ako nung inaaccept na nga niya yung friend request ko

Gosh!

Friends na kami sa facegram!

Online din siya sa facegram

Gusto ko siyang i-chat pero nahihiya ako

Baka mamaya i-seen lang niya, nako! Wag na nga lang nahihiya ako.

Magiging masaya nalang ako na inaaccept niya yung friend request ko

Tinignan ko yung wall niya, wala pa siyang bagong post. Ganon parin naman yung dati niyang post na drawing.

Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Jai, ilang sandali lang 'tong nag ring.

("Yes, hello Jai speaking, what can I do for you?") tanong niya

Loka-loka talaga isang 'to "Gaga! JAI!"

("Ay palakang tumilipad! Oo! Ano? Wag kang sumigaw na gulat ako!")

"Friends na kami ni kami ni Percy sa facegram!"

("Oh? Ang hirap talagang maging friend nun pafamous!") sabi ni Jai

Ngumuso ako "Di naman ata"

("Pafamous!") sabi niya ulit

"Sige pa sabihin mo pa yan itetext ko si David!" pang sisindak ko

("Ito naman jinijoke lang, oo nga ang bait niya baka minsan lang nag oonline kaya ganon")

"Buti naman, as what I'm saying sa isang buwan na pag aantay na maaccept niya yung friend request ko 'to na! 'To na yung pinaka-iintay ko!" sabi ko

("Halatang di tayo kinikilig 'no?") aba't!

"Ang samo mo!"

("Di rin") sabi niya at tumawa

"Atleast ako alam ng crush ko na crush ko siya eh ikaw? Hindi, kasi taga bigay kapa ng advice mo dyan sa crush mong baliw na baliw parin sa ex niyang si Hannah!" sabi ko

("Aba't!")

"Oh ano? Real talk lang yun, sige na babye!" sabi ko at ibinaba yung tawag ko

Napaka bitter porque yung crush niya baliw na baliw pa kay Hannah, tas siya naman martyr nag bibigay la ng advice kahit nasasaktan na. Nako!

Tinignan ko nalang ulit yung facegram ko kong online pa ba si Percy.

Online pa nga siya.

Hay, may nag tutulak talaga sa isip ko na mag chat ako sakanya pero nahihiya talaga ako.

Buhay pag ibig nga naman!



***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!

Crush (Completed)Where stories live. Discover now