Yung sobrang kinakabahan kana dahil ngayon na yung presentation niyo ng festival, adrenaline rush is real nga naman!Pumunta kami sa social hall dahil may blocking kami
Sobrang kinakabahan talaga ako, andon narin yung mag musician namin.
Tumingin ako sa paligid, sobrang raming tao! Mas lalong kinabahan tuloy ako.
"Hoy girl! Okay ka lang?" tanong ni Ana
Tumingin ako sakanya "Hindi, sobrang kinakabahan ako" sabi ko
"Chill lang girl, inhale exhale dali" sabi niya
Ginawa ko naman yung sinabi niya "Ano ba naman yan Ana hindi effective!" sabi ko
"Girl blocking palang natin ngayon chill lang, baka mamaya himatayin ka niyang" sabi ni Ana
"Kinakabahan ako knowing na mas marami yung manunuod mamaya" sabi ko
"Ano ba yan girl! Kinakabahan na tuloy din ako!" sabi ni Ana
"My god!" sabi ko
"Gather up guys!" sabi ni Tita Keith
Pumunta na kami sa gitna ng social hall "Listen! Gusto ko perfect na yung pag sayaw niyo ngayon kong pwede lang be serious isan-tabi niyo muna yung pagiging makulot niyong lahat" sabi niya
Tumango kaming lahat "Good" tumingin siya sa musician "At kayo naman please ilang weeks na tayong nag practice pero hindi niyo pa maayos-ayos yung pah tugtog!" galit niyang sabi
Niisa sa musician walang sumagot dahil sa takot "Okay guys formation!" sigaw ni Tita Keith
Ginawa naman agad namin yung sinabi niya dahil alam namin naasar siya dahil nakita namin yung isang group na may kinuha g step namin, actually hindi lang sila mostly yung ibang group may ginayang step samin.
Nag umpisa ng tumogtog yung musician kaya ginawa na namin yung unang step namin, niisa samin walang tumawa o ano man focus kaming lahat sa pag sayaw dahil takot lang din naming mabulyaw ni Tita Keith.
Napatigil kami nong tumigil din yung pag tugtog nong musician
"Ano ba yan!" sigaw nong mga groupmates namin
"Sa music talaga kami sasablay!" pagalit na sabi ni Georgina "Ayosin niyo naman yung pag tugtog dahil ayos din naman yung pag bayad namin!" sabi niya pa
Lumapit si Tita Keith sakanila at kinuha yung stick "Ganito kasi 'yun!" sabi niya at pinarinig yung tamang tugtog nong traveling namin "Nakuha niyo na? Nako!" sabi niya at bumalik na sa kinauupuan niya at kinuha yung stick ng xylophone
"Okay from the start" tumingin siya sa musician "Umayos kayo! Isa ang music sa pinaka-malaking score sa festival" pagalit na sabi ni Tita Keith
Tumango nalang yung mga musician at sinimulan na yung pag tugtog kaya inulit namin yung unang step
Pumalakpak si Tita Keith "Perfect! Dapat kung gano kayo ka energetic sa pag sayaw niyo ngayon ay gawin niyo din mamawaya" sabi niya
Pumunta na ulit siya sa musician "At please ayosin niyo talaga mamaya, ayaw kong matalo dahil lang sa music!" galit niyang sabi
Pumunta ako sa may bag ko para kunin yung towel ko
"Nakakatakot si Tita Keith ngayon 'no?" sabi ni Jai
"Ikaw ba naman gayahin lahat ng step mo di ka magagalit?" sabi ni Lorraine
"Well, sabagay" sabi ni Jai
"Tara na sa classroom" sabi ni Ana
Kinuha ko yung bag ko sakto din na umulan
"Ay bad timing!" sabi ni Ana
"Tara na, malapit lang naman yung dulo ng hallway" sabi ko
Tumingin ako sakanila pariho silang nag dadalawang isip
Kaya mas nauna nalang ako tumakbo sakanila total dala ko naman yung props namin yung nalang pinang-sangga ko para di ako masyadong mabasa.
Tumingin ako susunod naman din pala eh
"Susunod rin naman pala kayo eh" sabi ko
"Ano pa ba magagawa namin" sabi nilang tatlo
Nag lakad na kami papunta sa classroom namin dahil tatanungin namin yung iba naming group sa festival kung mag papamake-up din ba sila
Nung malapit na kami sa classroom namin naaninag ko si Percy malapit sa classroom namin
"Eve, si Percy oh" sabi ni Lorraine
"Hayaan mo na" sabi ko
Tumawa siya "Sus!"
Mas binilisan ko yung pag lakad ko para hindi ako mapansin ni Percy na dadaan ako o kami
Nalagpasan ko na din sila ng di tumitingin "Hooo!" sabi ko nung nakahinga na ako ng mabuti
Pumasok agad ako sa loob ng classroom namin dahil nakaramdam ako ng pagod dahil sa practice namin
Pumasok yung tatlo at lumapit sakin "Girl, guess what?" sabi ni Jai
"Ano?" tanong ko
"Girl!" sabi ni Lorraine "Tumingin si Percy sayo kanina!" natutuwang sabi ni Percy
Kumunot yung noo ko, si Percy tumingin sakin? "Oo girl maniwala ka yung hanggang sa pag pasok mo ng classroom yung tingin niya" sabi pa nilang tatlo
Umiling ako "Napaka imposible naman nung sinasabi niyo"
"Girl di kami nag sisinungaling, grabe nga eh! First time 'to ah, ni minsan hindi ka tinignan ni Percy nung ganon ngayon lang" kunting bola nalang talaga nitong mga kaibigan ko maniniwala na ako
"Hay, ewan ko sainyo!" sabi ko at lumabas sa classroom
Tumingin sa paligid nung napadpad yung tingin ko sa lugar nina Percy, nagulat ako nung nakatingin si Percy sakin kaya nag iwas agad ako ng tingin.
Gosh!
Tumingin ulit ako sa pwesto nila at hindi na 'to nalatingin sakin baka tumingin lang talaga siya kanina sa pwesto ko at saktong andito ako.
Iniba ko nalang ulit yung tingin ko
Tumingin ako sa may kanan ko dahil nararamdaman ko na may tumitingin sakin, nagulat ako nung nakatingin ulit si Percy sakin.
Ikadalawang beses ko na siya nahuhuling nakatingin sakin
Natakpan siya nung babae dahil tumayo 'to sa harapan niya pero sumilip parin siya para makita ako
Pumasok ako sa loob dahil sa kaba, ano 'yun bakit sa tumitingin sakin?
"Anong mukha yan?" tanong ni Lorraine
"I caught him looking at me" sabi ko
"Sino?"
"Percy"
"Ayon! At naniwala ka na din ngayon samin, grabe nga talaga kasi yung titig niya kanina sayo nung dumaan ka sinundan ka talaga niya ng tingin hanggang makapasok sa classroom natin. Nako!" sabi ni Lorraine
"Ano ba yan kinikilig ako!" sabi ko
Ni minsan hindi ako tinignan ni Percy nung ganon dahil everytime na mag kakasalubong kami sa iba sa nakatingin or hindi sa tumitingin sakin.
Nakakaloka yung feeling na tinignan ka ng crush mo, and take note first time ko palang matitigan ng crush ko!
Hay, Percy Marion Ramas. Naloloka na ako sayo.
***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!
YOU ARE READING
Crush (Completed)
Historia Corta"Crush? Yun yung taong hinding-hindi magiging sayo. Yung mahal mo pero di ka mahal in short unrequited love. Yung taong nag papabuo ng araw mo. Yung taong nag papasaya sayo kahit single ka. Yung taong nag-papakilig sayo araw-araw. Yung taong nag pap...