Nine: Destiny

33 3 0
                                    

Umupo na kami ni Jai sa upuan namin

"Oy happy monthsary sainyo ni Percy!" sabi ni Jai

"Huh?" naguguluhan kong tanong

"Duh! It's November 16!" sabi ni Jai

Ay oo nga pala yun yung time na nakita ko si Percy sa registar office

"Well thank you kong ganon" sabi ko at tumawa

"Tatag ah? It's been 5 months since naging crush mo siya"

Tumawa ako "Gaga!"

"Nako! Di na yan simpling crush, kasi ang maximum ng crush ay hanggang 3 months lang and it's already 5 months! For short mahal mo na siya!" sabi niya

Mas natawa ako "Ewan ko sayo!"

Pero napa-isip ako, mahal ko na nga ba siya?

Dumating na si Lorraine at Ana "Happy crushsary sainyo ni Percy!" sabi nilang dalawa

Natawa ako "Salamat" sabi ko

Umupo silang dalawa sa upuan nila

"Hoy Jai bukas na birthday mo!" sabi ni Lorraine "Ano plano mo?"

"Wala, kakain lang tayo tapos yun na" sabi ni Jai

Tumingin si Lorraine sakin at tumaas-taas yung kilay niya

Ngumit ako

"Si Every din malapit na yung birthday niya" sabi ni Ana

"Ano ba gusto mo para sa birthday mo?" tanong ni Jai

Nag isip ako "Well, yung gusto ko lang ngayon ay yung ma-greet ako ni Percy sa kaarawan ko o kaya makahingi ng number niya" sabi ko

Ngumiti silang tatlo "Char!"

Dumating na si Ma'am Estella at sinabihan kaming pumunta sa library dahil binigyan niya kami ng individual activity

Nag lakad na kami papunta sa library

"Sana pumunta din dito si Percy" sabi ko

Tumawa silang tatlo "Let destiny work for it" sabi nila

Umiling nalang ako at nakitawa din sa kanilang tatlo

Nilagay na namin yung bags namin sa lalagyan ng mga bag

"Bilisan na natin para makakain na tayo" sabi ni Loraine

Pumasok na kami at dumiretso sa book shelf para hanapin yung binigay saming activity bi Ma'am Estella

Umupo kami sa malapit sa bintana

"Ito ba yung pinapahanap ni Ma'am?" tanong ni Jai

Tumango ako "Oo" tapos bumalik na ulit ako sa pag susulat

Napatigil ako sa pag susulat nung kumalabit sakin kaya napatingin ako sa kanan ko

"Oh bakit?" tanong ko

Ngumu siya "Si Percy" tumingin ako sa kaliwa ko

Nang-laki yung mata ko nung nakita ko si Percy na nakatayo sa may card catalogue cabinet

"Gosh! Ito na ba yung sinasabi yung destiny?" sabi ko

Niyugyog ako ni Lorraine "Nako girl! Destiny nga talaga kayo!"

"Kinikilig ako!" sabi ni Ana

Ngumiti ako "Hay nako! Mamaya na yan gawin muna natin yung activity natin" sabi ko at bumalik na ulit sa pag susulat

"Sus!" sabi ni Jai

Hindi ko nalang sila pinansin kahit nag uusap-usap sila about samin ni Percy

"Jai, diba sabi dati ni Every na gustong-gusto niyang makuha yung number ni Percy girl chance na nating mahingi number niya ngayon kaya I dare you to get his number now na" sabi ni Ana

Napatingin ako sa sinabi ni Ana "Hoy! Ano yang mga dare dare niyo? Tumingil kayo kasi nakakahiya!" sabi ko

Tumawa lang silang tatlo "Tumigil kayo, gawin niyo nalang kaya yung activity natin" sabi ko

Tumayo ako para kumuha ulit ng bagong libro dahil wala na dun yung ibang references na pinapahanap ni Ma'am

Natigilan ako sa pag kuha ng book nung nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatayo dun si Percy at kumukuha din ng libro

Napalunok ako, ang lapit namin!

Nanginginig tuloy yung kamay ko.

Binaling ko yung ulit yung atensyon ko sa pag kuha ng libro para agad na ako makabalik sa upuan namin

Nung nakuha ko na yung libro ay babalik na sana ako sa upuan ko nung tumayo si Jai at lumapit kay Percy na pabalik na din sa kinaruruonan nila

"Ah hi!" sabi ni Jai

"Hello?" bati ni Percy

"Ikaw si Percy diba?" tanong ni Jai

Tumango naman si Percy "Oo bakit?" tanong nito

"Ah kasi may kaibigan akong gustong humingi ng number mo" sabi niya

"Bakit daw?" tanong niya

"Ewan ko"

"Sorry di ko pweding ibigay dahil may magagalit" yun lang ang sinabi niya at umalis na

Dahil sa sinabi niya medyo nasaktan ako

Bumalik na ako sa inuupuan namin

Tumingin ako kay Jai na umupo na din "Sabing wag niyong gawin yung eh! Nakakahiya" sabi ko

"Nag try lang naman kami girl" sabi nila

"Tss ewan ko sainyo" sabi ko at binilisang matapos yung ginagawa ko

Except ko naman na yun na may girlfriens siya pero kasi di ako prepare

Masyadong agaran, naloka yung puso ko.



***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!

Crush (Completed)Where stories live. Discover now