Lumabas ano ng classroom namin para mag tanong nung napatingin ako sa may business department at na may kausap na babae
Parang sobrang seryoso ng binag-uusapan nila dahil medyo malayo ang agwat nila sa business department
At ininda din nila ang init dahil hapon na
Siya siguro yung girlfriend ni Precy
Ngumiti ako ng mapait
Ano kaya pinag-uusapan nila?
Nag stay muna ako sa labas ng classroom namin at tinignan silang dalawang nag-uusap
Unang umalis yung babae at sumunod na din si Percy at bumalik na 'to sa classroom nila
Ang tagal din nilang nag-usap
Baka sobrang importante nga talaga yung pinag-usapan nila dahil tumagal sila ng higit 20 minutes na pag uusap sa ibaba ng araw
Bumalik nalang din ako sa loob ng classroom namin
"Oh bat ganyan yang mukha mo?" tanong ni Jai
Umiling ako "Wala naman, ganyan naman na talaga mukha ko eh" sabi ko
Nag kibit balikat nalang si Jai "Sabi mo eh" sabi niya at tumingin na ulit sa harap
Bumuntong hininga ako
Crush ko lang naman siya ah? Pero bakit parang nasasaktan ako?
Hay nako Every! Tumigil ka!
Natapos na yung unang subject namin ngayong hapon
"Girls salamat sa surpresa niyo huh? Naappreciate ko talaga ng bongga" sabi nu Jai samin
Ngumiti kami "Wala 'yun" sabi namin
"Sobrang kakaiba talaga yung birthday ko ngayon kaysa sa dati kong mga birthdays" sabi niya
"Bolera!" sabi ni Lorraine
"Oy di kaya! Real talk lang" sabi ni Jai "Never kasi nag effort yung mga barkada ko dati ng ganito"
Akala namin hindi namin sa masusurpresa sa ginawa namin sakanya kaninang umaga
"Sus wala yun" sabi ni Lorraine
Tumawa si Jai "Nakakaloka! Di ko enexpect na tatawag si David sakin at babatiin niya ako, knowing na wala yun paki kasi andun parin yung atensyon niya kay Hannah" sabi niya
Tumawa kami "Kawawa ka naman"
"Sama niyo!"
Nag kwentuhan lang kaming apat sa kong anu-ano pero hindi ko kweninto yung nakita ko kanina na may kausap si Percy na babae
Baka wala lang yun, nag ooverreact lang ako.
Inaya kami ni Jai na pumunta sa canteen para bumili ng snacks pumayag naman sina Lorraine dahil daw may palibre si mayor
Nag tatawanan kaming apat nung nakasalubong namin sina Percy at yung kaibigan niya
Nakatingin lang 'to sa dinadaan niya
Ni minsan hindi siya tumingin samin kahit nag kakasalubong na kami o ano
Isa lang ata talaga yung nakikita niya sa mata niya at yun yung girlfriend na
Tumingin nalang ako sa dinadaanan ko
"Hoy huminga ka dyan!" sabi ni Lorraine
"Nahinga pa ako" sabi ko
"Sus!" sabi ni Lorraine
Nakadating na kami sa canteen
Pinapili kami ni Jai ng pagkain at siya nalang daw ang bahala sa bayarin
Naks, may palibre nga si talaga si ateng niyo
Pag katapos naming bumali bumalik na ulit kami papunta sa classroom namin na nakasalubong ulit namin sina Percy
Hindi parin siya tumingin samin ni isang beses o kahit madali lang, diretso lang yung tingin niya sa dinadaanan niya.
Hay nako! Wag kang masaktan hija dahil walang kayo!
Unrequited love kayong dalawa tandaan mo!
Pumasok na kami sa loob ng classroom namin
"Girl pansin namin mag iisang araw na pero ni minsan wala kaming naririnig na binubunganga mo si Percy ah?" sabi ni Ana
Umiling ako "Hindi naman lahat ng araw dapat ko siyang babanggitin, ano ba kayo!"
"Weeh?" sabi nilang tatlo
"Oo nga"
"May tinatago ka ba samin girl? Hindi kami sanay na hindi mo nababanggit yung pangalan ni Percy kasi araw-araw mo siyang nababanggit samin kong gaano mo siya kagusto o ano pa" sabi ni Lorraine
"Wala nga" pag sisinungaling ko
"Sure ka? Baka 'to yung isang araw sa library ah? Nako dinibdib mo naman, girl tandaan mo mag asawa nga nag hihiwalay sila pa kayang mag jowa palang, kaya cheer up kana dyan di kami sanay"
Tumango nalang ako at kumain nalang
Baka dinibdib ko nga lang talaga yung mga nang-yari at nakita ko kanina
Tama Every, cheer up!
Wag mong dibdibin yung mga nakita mo, ayos lang 'yun!
***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!
YOU ARE READING
Crush (Completed)
Kort verhaal"Crush? Yun yung taong hinding-hindi magiging sayo. Yung mahal mo pero di ka mahal in short unrequited love. Yung taong nag papabuo ng araw mo. Yung taong nag papasaya sayo kahit single ka. Yung taong nag-papakilig sayo araw-araw. Yung taong nag pap...