Four: Bagong kaibigan

42 2 0
                                    

2nd day of school na namin.

At kalukuyan ay andito kami nag papabilad sa araw dahil sa flag ceremony.

Tumingin-tingin ako sa paligid kong umaattend din ba siya sa flag ceremony.

Hindi ako nag kamali andun nga siya sa ika't-long linya.

Suot parin niya yung pulang cap niya.

Tinanggal niya 'to dahil nag simula na yung pag kanta ng lupang hinirang.

Hindi tinanggal yung paningin ko sakanya.

Grabe! Bat ang gwapo niya ngayon sa paningin ko?

Natapos na yung flag ceremony namin ay nag sibalikan na kami sa kanya-kanya naming paaralan.

Tumingin ulit ako sakanya pabalik na din sila sa paaralan nila

"Oh sino nanaman yang tinitignan mo?" tanong sakin ni Jai

Umiling ako "Wala naman" sabi ko

Tumango nalang si Jai at pumasok na kami sa loob ng paaralan namin dahil bawal mag tambay sa labas.

"Ay Every uuwi pala ako mamayang sencond period kasi aalis kami ni Mommy" sabi niya

Tumango nalang ako "Okay sige"

Dumating na din yung instructor namin at ganon parin ang nang-yari nag pakilala ako sa harap.

Bumalik na ako sa upuan ko pag katapos kong mag pakilala sa harap.

Nag lecture lang si Ma'am Rodriguez at kami naman ay nag take down ng importanting mga lecture ni ma'am dahil baka mag pa-quiz siya atleast may mapag-rereviewhan din naman kami kahit papano.

Pero hindi naman pala nag bigay samin si ma'am ng quiz pero okay lang pwede naman namin pag-aralan yan para sa exam namin for prelims.

"Every, alis na ko" sabi sakin ni Jai

"Okay sige enjoy sa kalad niyo ng Mommy mo" sabi ko

Tumango siya "Syempre. Sige babye muna" sabi niya sakin

Ngumiti ako at tumango

Lumabas na si Jai para umuwi na.

Ako nalang yung iisang umuupo sa upuan namin ni Jai

Dumating na yung pangalawang instructor namin at sinabi kung lahat na ba kami napaka-pass ng index card.

"Lahat na ba nag pasa ng index card?" tanong ni Ma'am Bartolome

"Ma'am hindi pa po lahat" sabi ni Mr. President

"Sino pa na yung hindi nag papasa?" tanong ni Ma'am

Tinaas ko yung kamay ko at ganon din yung iba

Hindi rin pala ako yung last na mag papass ng index card.

Tumango si Ma'am at sinabihan kami gawin na namin 'to ngayon para i-pass namin.

Kumuha ako ng index card sa bag ko

Nag simula na akong mag sulat nung may nag salita sa harap ko "Ah excuse me?" tanong nila sakin

Tumingin ako sakanila "Bakit?" tanong ko

"May index card ka pa ba?" nahihiyang tanong nila sakin

Tumango ako "Ah oo meron pa ko dito" sabi ko at kumuha ako ng index card sa loob ng bag ko

Ngumiti sila nung inabot ko yung index card ko sakanilang dalawa "Nako maraming salamat" sabi nilang dalawa

Ngumiti ako "Walang ano man 'yon" sabi ko

Bumalik na ulit sila sa upuan nilang dalawa

Natapos na yung lecture namin sa second period namin

Lumapit ulit sakin yung dalawang babae kanina na humingi sakin ng index card

"Hi" bati nilang dalawa

"Hello" bati ko pabalik

"Ako nga pala si Lorraine, at siya si Ana" pakilala niya

Ngumiti ako "Ako si Every" sabi ko

Tumango sila at ngumiti "Nice meeting you" sabi nilang dalawa

Inaya nilang akong lumabas ng classroom

Tumango ako at inayos yung bag ko

Umupo kami sa labas at nag kwentuhan.

Tinanong nila ako kong sino kasama kong kumain, sinabi ko naman na wala akong kasama kaya inaya nilang akong sumama sa boarding house nina Ana para dun nalang kami mag lunch break.



***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!

Crush (Completed)Where stories live. Discover now