Eight: Parang bading

33 2 0
                                    

Palihim ko siyang inistalk sa facegram ko

Nag scroll down ako at tinignan ko yung mga post niya recently.

Hilig niya palang mag drawing.

At to be honest sobrang galing niyang mag drawing hindi yung drawing lang para 'tong 3D drawing.

Na-amaze ako sa mga drawings na ginawa niya. Ang galing niya talaga!

Nalaman ko ding lima silang mag kakapatid at isa lang siyang lalake.

Wow!

Unico hijo si kuya niyo!

May nakita din akong picture niya dati na medyo chubby pa siya.

Ang cute niya.

Pinatay ko agad yung cellphone ko nung napansin kong palapit na yung tatlo sa upuan ko.

"Sama ka?" tanong ni Jai sakin

"San?" tanong ko din pabalik

"Sa business department" sagot niya

"Ano gagawin niyo dun?"

"Bibisitahin natin si crush mo" pabirong sabi ni Jai

"Hindi na kakatuwa Jai" sabi ko at umirap

"Joke lang 'to naman!" sabi ni Jai "Tara na kasi, para din malaman mo kong saan yung classroom nila" sabi nito

"Kahit sabihin ko sayong ayoko wala pa din akong magagawa dahil pipilitin at pipilitin mo ako" sabi ko at tumayo sa upuan ko

"Ayon! Tara na girls" sabi ni Jai kina Lorraine

Ngumiti sina Lorraine at tumayo sa inuupuan din nila

Lumabas na kami sa classroom namin ay pumunta na kami sa business department

Nag tingin-tingin ako sa mga classroom na nadadaanan namin nag babakasa-kaling makita ko siya

Nung malapit na kami sa ROTC office ay nakita ko siyang nakaupo at kausap yung kaibigan niyang nag gigitara

Tumingin na ulit ako sa linalakaran namin baka kasi mahalata niyang tumitingin ako sakanya o baka may makakita na kaklase niyang tumitingin ako sakanya

"Oh ano nakita mo na?" tanong ni Lorraine sakin

Tumango ako "Oo"

"Iba talaga pag matang lawin" sabi ni Ana

Umiling nalang ako "San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko

"Sa NSTP office" sabi ni Jai

Tumango nalang ako at sumunod sakanilang tatlo

Pumasok kami sa NSTP office "Good afternoon Sir" sabi Jai "Sir tatanong lang po sana namin kong may klase po ba tayo ngayong sabado?"

"Mabuti pumunta kayo dito" sabi nito

"Bakit po Sir?" tanong nilang tatlo

"Sabihin mo sa mga kaklase niyo na wala tayong pasok sa sabado dahil may pupuntahan kaming siminar" sabi nito

Tumango silang tatlo "Sige po Sir" sabi nila at nag paalam sa kanilang instructor

Nag lakad na ulit kami pabalik sa education department

Napatingin ulit ako sa classroom ni crush

Andun parin siya nakaupo at kausap yung kaibigan niya

Sobrang close ata talaga nilang dalawa parang di ma pag hiwalay.

"Girl not to offend you huh?" sabi ni Ana

Tumango ako "Ano yun?" tanong ko

"Parang bading yang crush mo" sabi niya tapos nag peace sign

"Bading? Bakit?" tanong ko

"Mas mahinhin pa satin, tapos ang sweet nila nung kaibigan. Iba na yun!" sabi niya

Umiling ako "Porque mahinhin bading na? Diba pweding hindi lang siya pariwarang lalake? Napa judgemental mo!" sabi ko

"Grabe! Judgemental agad?" sabi niya at ngumuso

Umiling nalang ako "Tss"

Umupo muna kami sa labas ng classroom namin dahil wala pa maman si Ma'am Estella.

"May assignment na kayo kay Ma'am Estella?" tanong ni Collen

Tumango kaming apat "Oo meron na"

Tumango nalang si Collen umupo siya pati narin si Aly sa tabi ni Jai.

Napatingin ako sa kaliwa nung nakita ko si crush na dadaan sa department namin.

Umupo ako ng maayos at inayos ko din yung buhok ko.

"Dadaan crush mo" sabi ni Lorraine

Nag sign nalang ako shhh

"Sino yung crush mo Every?" tanong ni Collen

Nag shhh sign ako dahil malapit na silang dalawa sa inuupuan namin

Binaling ko yunh tingin ko sa iba dahil nahihiya akong tumingin sakanya

Nahinga na ako ng maluwag nung nakadaan na sila sa harap namin

"Isa dun yung crush mo 'no?" tanong ni Collen

Hindi sana ako sasagot dahil nahihiya ako pero si Jai yung sumagot

"Oo yung may cap na red yung crush niya"

"Si Percy? Eh bading yun ah?" sabi ni Collen

Tumingin ako kay Collen na naka-kunot ang noo "Bakit mo naman na sabi" tanong ko

"Bading yun" sabi niya "Bading pala crush mo?"

"Ay oo bading yun, never ko siyang nakitang may kasamang babae tapos kong mag lakad parang kumikinding" sabi ni Aly

Mas kumunot yung noo ko "Ano naman kung bading siya? Tandaan niyo ang bading kahit bali-baliktarin man ang mundo lalake parin 'yun, pusong babae man siya pero lalake parin kasarian niya, nakaka-buntis parin yun!" sabi ko at nag walk out

Nakakaasar naman kasi eh!

Kaya ganon lang siya dahil lahat babae ang mga kapatid niya.

Hindi siya tulad ng ibang lalake na mga gago at basagolero!

Mga judgemental!

Umupo ako sa upuan namin at nag suot ng earphones dahil ayaw kong makarinig ng kahit anong sabi-sabi dahil badtrip ako! BADTRIP!

Oa man pero laitin niyo nalang ako wag lang yung crush ko.

Tss!

Binuksan ko ulit yung facegram ko at tinignan ko yung wall ni Percy.

Sweet siyang kapatid sa mga ate niya.

Hindi naman talaga siya bading eh, mahinhin lang siyang lalake.

Nakakaloka naman kasi sila.

Tss!



***
Please be a fan!
Vote 🌟 and Comment 💭. Thank you!

Crush (Completed)Where stories live. Discover now