Chapter 8

526 13 4
                                    

Kez' POV

Tapos na ang Saturday, kahapon lang ang Sunday.. at ano ngayon? Monday. Ano ang meron sa araw na ito? WALA LANG NAMAN! Magiging alalay na ako ni Jonathan panget! Huhuhu! Dapat nga siya yung alalay ko ngayon eh! Dapat makuha ang hustisya ko mamaya! Uupakan ko yung panget na iyon! Humanda siya!

Nandito pa rin ako sa higaan ko, ayaw kong bumangon. Pwedeng wag lang pumasok sa eskwela ngayon? Ayaw ko maging alalay! Natatakot ako! Aba wait! Natatakot kay Jonathan? NO WAY! Dapat siya ang matakot! Pero huhuhu! Ayaw ko talaga!

Bumalik ako sa pagtulog at hindi nalang pinansin ang sikat ng araw. Ayaw kong pumunta sa eskwela. Period. Gusto kong matulog ulit.

Nang biglang nag vibrate ang cellphone ko tinignan ko yung nagtext, si Jonathan. Hindi ko binasa yung text kasi alam kong marami yang ipapagawa sa akin! Ayoko!

Ibinalik ko sa dating nilagyan ang cellphone ko nang bigla itong nagvibrate at tumumbad ang pangalan ni Jonathan tumatawag siya. 

Sa halip na sagutin ko ito, in-end ko tapos in-off ko ang cp ko tsaka nagtalukbong na sa kama.

"KEZIAH MARIE GOMEZ! GUMISING KA NA! MALAPIT NA MAG 6:00 NG GABI! TAPOS IKAW HIGA HIGA KA LANG DIYAN! GISING GISING DIN PAG MAY TIME NO?!" sigaw ni Jane sa labas ng kwarto ko tapos with matching mala-giant footsteps at katok! Note her sarcasm.

Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko tapos pumikit at nag hum kasi ang taas ng sermon ng babaeng ito! Agad akong tumayo tapos binuksan ang pintuan.

Tumumbad sa akin ang 'Second Nanay' ko na nakapamewang tapos may tuwalya sa buhok. Nag inat ako tapos kinusot ang mata ko.

"Ang aga aga NANAY. Sumisigaw ka na." sabi ko nito na may halong antok ang boses ko. Tumaas naman ang kilay nito at akma akong hahampasin pero nakatakbo na ako papuntang CR.

"Maligo ka na diyan! Kung ako hindi makasakag sa bus! Dapat may one year supply na Fit 'n Right!" pahabol na sigaw nito.

Juskopo! Ayoko ngang pumunta ng eskwela eh! Pahamak na pahamak talaga yang si Jane! Ssssh! WAAAAH!

Tinignan ko ang shower tapos yung mga sabon at shampoo na parang natatakot! Gosh~ Kailan pa ako natatakot sa mga bagay na iyan. Nagdasal nalang ako tapis nagsimula nang maligo.

Monday is really the worst day of the Week. Nuff said!

**

Nandito na kami sa waiting area. Hinihintay namin ni Jane yung bus namin. Kararating lang namin, at medyo maaga pa. Masyadong atat kasi itong si Jane eh! Sarap upakan! Ang sarap sarap matulog! At tsaka ayaw kong pumasok sa skwela ngayon! Aish! 

Nakasimangot ako dito at nakatingin lang sa isang direksyon. Habang si Jane naman, parang excited! GOSH! Opposite nga talaga kami! Kainis naman itong babaeng ito. May pa sway sway pang nalalaman. Urgh

 Pumikit nalang ako at nagsimulang magdasal na sana sira yung bus. Nagkagutay-gutay, may sakit ang drayber, o baka delayed ang klase. Sira yung tries at hindi maka--

"Kez, halika na! Nandito na ang bus!" rinig kong sigaw ni Jane. Kaya na urong ang dasal ko! Huhuhu! Buhay ang bus! Hindi delayed ang klase! Ang malas ko talaga!

"Aish." hina kong sabi habang kinaladkad na ako ni Jane pasakay sa Bus. Pumwesto kami sa assigned seat namin at ayun.. nagsimula na ang daldalan session nila. Wala ako sa mood sa daldalan ngayon kasi ayaw kong makita ang pagmumukha ni Jonathan Ortega na iyon! 

Hay! Buhay nga naman oo! Goodluck na lang sa akin mamaya sa school kaya habang wala pa ako dun matutulog nalang muna ako. 

**

Marrying my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon