Introduction:

4.7K 39 10
  • Dedicated kay You <3 Hi There ^_^
                                    

Introduction:

Marrying my Boss

Written by: Hannychu

All Rights Reserved 2013

**

Kez' POV

"Bes, halika ka na baka mahuli pa tayo sa bus malapit na mag 6:30 baka mag commute na naman tayo!" sigaw ni Jane sa baba. Nandito kasi ako sa kwarto ko (2nd floor)

"Oo na! Malapit na ako bes! Magsusuklay na lang" pero yung totoo mag susuot pa lang ng palda tsaka sapatos

Narinig ko ang mga hakbang ng paa ni Jane kaya kumaripas na ako ng takbo sa pintuan dala dala yung sapatos at bag ko

Saktong pagbukas niya akmang lalabas na daw kuno ako

^______^ <-- AKO

-_________- <-- SIYA

*batok "Aray naman bes! Sakit nun! Alis na tayo! Tignan mo 6:15 naaaaaaaaa!!" sigaw ko at tumakbo na pababa baka makatikim naman ako ulit ng batok galing sa kanya ang sakit pa naman T_T

"Bes!" nakababa na rin pala siya at sinusuot ko pa yung sapatos ko

Pagkatapos kong suotin ang sapatos ko agad agad kong hinila si Jane palabas sa boarding house kasi dadating na ang bus in any minute

"HOY! Kalma ka nga diyan Keziah Marie Gomez! Wag mo akong hilahin kasi hindi ako tali na hinihila!" sigaw ni Jane pero di ako umimik at patuloy parin sa paghihila niya hanggang sa makarating kami sa crossing at sakto namang dumating ang bus

"Oh? Kung hindi kita hinila malamang baka hindi tayo makakasakay ng bus ngayon diba? :P" tsaka binelatan ko siya at umakyat na sa bus

Umupo na ako sa bandang likuran kung saan kami pinuwesto ni Jane may mga apelyido namin eh, umupo narin sa tabi ko si Jane

Tinignan ko siya at binigyan ng isang malaking smile ^_____^, tapos ang binigay niya sakin ay isang malaking poker face =_______=

"Uy! Sorry na nga bes! Nasarapan lang sa tulog kanina" paglalambing ko sa kanya

Marrying my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon