Kez's POV
Nandidito na ako sa classroom. Kainis talaga etong si Jonathan, sa lahat lahat ako pa talaga? Jusko! Ayoko nga! Buti nalang may palusot ako! Talino ko talaga.
Napapasulyap ako kay Jonathan, tapos makikita niyang nakasulyap ako. Tapos nag smismirk siya. Huhuhu! Naalala ko yung sinabi niya kanina sa akin! Waaah! Lubayan mo ako!
"Diba slave kita? Well, level up ka na. Ikaw na ang maging temporary slash fake girlfriend ko."
"Diba slave kita? Well, level up ka na. Ikaw na ang maging temporary slash fake girlfriend ko."
"Diba slave kita? Well, level up ka na. Ikaw na ang maging temporary slash fake girlfriend ko."
Bwisit. Ayaw talaga akong lubayan! Huhuhu! Tinignan ko naman si Jonathan tapos binelatan lang ako at nag smirk. Habang ako dito todo death glare sa kanya. Napahawak ako sa ulo ko! Waaah!
Ganito pala ang feeling na maging fake girlfriend ng isang hearthrob. Parang...ang ganda. Wait. HINDI! Ang pangit! Ang pangit sa feeling!
Aish! Nalalason na talaga ang utak ko! Huhuhu! I can do this! Imbyernang Jonathan na yan!
Dumating na ang professor namin. Naglelecture kami tapos may short quiz. Hay salamat naman at hindi naging sagabal yung..ano..ni Jonathan. Oo yun.
"Pass your papers." sambit ni Prof. Agad ko namang binigay ang papel ko sa nasa unahan ko. Hay, last subject na lang at lunch na! Yes!
**
Tapos na ang 2 and a half hour and lunch na! Yey! Kinulbit ko si Jane. Ang lapad ng ngiti, kanina lang parang galit sa akin.
"Hoy, bruha ka! Tinaboy taboy mo pa ako kanina! Tapos ngayon ngiti ngiti ka?! Iniwan mo nga ako nung sa bus eh! Bruha ka!" sigaw ko sa kanya. Buti na lang wala na ang prof.
Tumawa naman ito ang nag peace sign, "Aish, basta. Sasabihan kita, kung bakit! Sorry na nga eh!" tapos nag pout. Pinitik ko. Hahahahah! Pout pout ka pa!
Hinila ko na siya palabas ng room, "Lunch na tayo, Bruha!! Dahil may kasalanan ka sakin, libre moko." nabigla nalang ako nung binitawan niya ang kamay ko.
"Ah eh..bes. Sabay kasi kami ngayon ni Stephen eh." napanganga tuloy ako. Aish, bwisit. Nag favor pala ako nun. Hindi nalang ako sumagot sa halip ay umalis nalang at nag senyas ng bye habang nakatalikod. Ge, ipagpalit mo ako dun sa panget na yun. Takte.
"Oy bes!" bahala ka diyan. Hindi ko pa rin pinansin. Sigaw ka lang diyan, bahala ka! Magsama kayo nung Stephen na yun.
**
Nandito ako ngayon sa secret place ni Jonathan, na mag-isa. Wala akong gana na mag lunch, bwisit. Hindi ko talaga papansinin yung si Jane. Kaninang umaga lang, iniwan ako sa bus. Tapos parang nagalit tapos iniwan na naman ako ulit.. wag mong sabihin magagalit na naman yun mamaya? Tsk.
"Diba slave kita? Well, level up ka na. Ikaw na ang maging temporary slash fake girlfriend ko."
Aish!! Sumagi na naman sa isipan ko yung sinabi sa akin ni Jonathan kanina. Ang seryoso ng peg niya kanina eh! O baka pinagtitripan lang ako nun kaso no reaction lang naman siya kanina sa room. Tsk.
Napahawak ako sa ulo ko tapos niyugyog ito. Kalimutan mo na yun, Keziah! Pinagtitripan ka lang nun! Juskoooo! Patay malisya ka lang diyan. Tama.
"Hi."
"Ay, Jonathan!" nabigla ako, tinignan ko kung sino. Hala! Si Bam lang pala! Patay ba't Jonathan ang nasabi ko?! Kabarkada pa naman niya 'to.
Tumawa naman ito, "Hahaha! Lakas ng tama mo kay Jonathan ano?" pangaasar nito. Hindi ko nalang pinansin, jusko. Feeling close ang peg ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Marrying my Boss
Teen FictionMeet Kez, isang babaeng independent na naging yaya ng isang campus hearthrob.. tapos di niya alam na naka arrange marriage na pala siya sa lalaking yun.. ano ang mangyayari sa kanya? May mabubuo bang storya sa kanila? o walang mabubuo sa kanila? Wri...