Kez' POV
Ang hirap maging yaya ng isang Jonathan Ortega. Jusko! Isang linggo pa lang. Parang malapit na akong mamatay! Nakakastress ang mokong! Lalo na ang mukha! Abuso pa 'tong halimaw na ito!
"Oy,Keziah. Kunin mo nga yung coat ko sa bag." rinig kong utos ni Jonathan sa akin. Hindi na ako sumagot at agad kinuha yung coat na pinakukuha niya. Takte, ang pangit ng buhay ko! Pag kasama ko itong halimaw na ito!!
Inabot ko sa kanya yung coat, agad naman niyang isinuot ito. Tapos dumeretso na siya sa shooting area. Akalain mo? Ang panget na mukhang halimaw na mokong na ito ay isa palang model? Hindi kapakapaniwala. Tsk tsk.
Ginawa niya akong alalay ngayon sa shooting niya. Tss. Nahirapan tuloy akong magpalusot kay Jane, usisera pa naman yun. Tsk, ang kapal ng mukha nitong mokong na ito. Pati weekends ko!
Nagtext nalang ako kay Jane na baka gagabihin ako ng uwi. Haaay! May assignment pa ako! Basta makakaganti rin ako sa tamang oras. Psh psh
"Hoy, ba't nakakunot yang mukha mo? Panget ka na nga, lumalo pa. Tsk." inaasar na naman ako nito. Inirapan ko nalang, nung naging alalay ako nito todo asar nito na panget daw ako. Wow? Akala naman niya na gwapo siya diba? Kapalmuks.
Pero hihi! Binabara ko naman siya, inaaway ko rin. Hmp! Porket naging alalay niya ako, abusong abuso na? Aba hindi pwede yun! Alam ko rin kung pano asarin yung mokong na iyon!
Bes Jane calling...
Nabigla nalang ako nung tumawag si Jane. Kaya agad akong lumabas tapos pumunta sa tahimik na lugar. Baka malaman niya na kasama ko si Jonathan. Sinagot ko yung tawag.
--
"Hello?"
["Hoy! Babae asan ka ba?]
"Ah-eh.."
[Umuwi ka na nga dito! Tagal na nating hindi nagbobonding! Kaloka ka! Buong linggo parang hindi tayo nagkakausap! Sa bahay lang! Juskoooo! Kung asan ka nag suot-suot diyan--]
"Eh bes! Bunganga mo naman! Lakas ng tira. Jusko ingay mo. Basta, busy ako. Bonding nalang tayo mamaya. May ginagawa pa kasi ako."
["Eh kung ganun, pupuntahan na lang kita, asan ka ba ha?"]
Nataranta ako kasi baka totohanin niya! Aish aish! Tampuhin pa naman itong babaeng ito! Aish dapat umisip ka ng palusot,Kez!
"Uh..eh.. Bes. Basta mamaya na tayo mag bonding ha? I-ready na lang yung tv diyan sa boarding house ha? Tapos ako na ang bibili sa drinks. Chika tayo later!"
"Hoy, Keziah!" boses ni Jonathan. Waaaahh!! Kainis talagang mokong! Waaaahh!!
["Sino yun bes? Teka.. Jonathan ba yun?"]
"Ha?! Ah.. ano. HINDI. Ba't naisipan mong si Jonathan iyon? Wala! Bye na!"
["Ah bes-"]
--
Hindi ko na siya pinatapos kasi hindi ako tatantanan nun! Juskooo! Dapat hindi na ako magiging alalay ni Jonathan next week! Huhuhu! Ayokong magsinungaling kay Jane. Ayoko!!
"Hoy, Keziah! Ano ka ba?! Kanina pa kita tinawatag ah? Bingi ka ba? Uwi na tayo. Oh dalhin mo ang bag." tapos inabot niya sa akin ang sandakmak na bag niya. Haaay! Umaksyon ako na hahampasin ko si Jonathan ng bag habang nakatalikod siya pero bigla siyang humarap kaya nagakting ako na parang wala.
Nilagay ko na sa luggage ang mga gamit niya tapos sumakay na sa sasakyan niya. Hay! Akala ko na ako lang mag-isa ang uuwi. Dun ako sa harap sumakay tapos sa likod naman si Jonathan.
BINABASA MO ANG
Marrying my Boss
Teen FictionMeet Kez, isang babaeng independent na naging yaya ng isang campus hearthrob.. tapos di niya alam na naka arrange marriage na pala siya sa lalaking yun.. ano ang mangyayari sa kanya? May mabubuo bang storya sa kanila? o walang mabubuo sa kanila? Wri...