Jungkook,
Hindi natuloy ang pagsuyo—este ang pag sundo ko sa seatmate ko dahil busy siya sa pakikipaglandian sa mga tourism students na nagkakagusto sa kanya. Ngiting ngiti pa ang hinayupak, sana lang kookie babes mapunit na yung labi niya sa kakangiti. Hindi ako affected kookie babes, gusto ko lang talagang linawin.
Wala akong pake kung landiin niya yung mga mahaharot na limang tourism halimaw na binudburan ng makakapal na makeup na halatang fake product ng nude lipstick ng Kylie. Wala rin akong pakialam kung yung ngiti ng hayop na yun eh sobra sobra, na ang gandang hilingin na sana mapunit ang labi niya at magdugo ng sobra ang ngala-ngala niya para mandiri ang mga shit na may gusto sa kanya at bumalik na siya sa akin.
PS. Di ko dapat siya papansinin, iiwan ko na sana yung hayop na hinayupak na yun para magsama sila ng mga shit niya pero nakita niya ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka na hinila si Samuel na sumunod pala sa akin. Kami na lang magbra-brainstorming!
PPS. Ang sama ng tingin niya ng maabutan niya kami. Hinila niya pa yung kamay kong nakahawak sa kamay ni Samuel. Bawal daw. Nagseselos daw siya kasi kanya lang daw si Samuel. Inaagaw ko raw sa kanya yung bespren niya. Inikot ko lang yung mata ko, ang kapal ng mukha niya kookie babes. Kaburaot!
Masama ang mood pero hindi nagseselos,
A.
BINABASA MO ANG
A Letter To You
General FictionA desperate fan. A letter. A whole lot of wasting money. Char