Letter 39

68 9 0
                                    

Jungkook,

Nakakahiya ako. Lagi naman. Wala ng bago. Sana hindi ka maturn off sa akin kookie. Nakakatakot kasi.

Second day ngayon ng fiesta sa school. Yung pinakahihintay ng mga malalanding babae na fan na fan ng GSAR. Halos maiyak sila nang makitang nagseset-up na sila Samuel.

Ang OA.

Pero kookie, naiintindihan ko ang feels nila. Magkaiba lang talaga kami ng fina-fangirl. Siguro mas worst pa ang ire-react ko kapag nakapunta ako ng concert niyo. Sayang lang, lagi kasi akong team bahay. Masakit, kasing sakit ng hindi mo pagkilala sa akin. Kasing sakit na iacknowledge bilang fan pero ako, ina-acknowledge kita bilang asawa ko. Drama ko, pero ganito lagi yung nararamdaman namin. Hindi lang naman ako. Marami kami. Pero kahit ganun, hindi kami magsasawang sumuporta sa inyo, kahit na alam namin na hindi niyo kami kilala. Patatas foreves talaga.

Sinilip ko lang yung ginagawa nila, umalis rin agad ako dahil tulakan na. Ang mamaw nila kookie babes, desperada para lang makalapit kina Genesis.

Sa pagkakaalam ko, kakantahin nila yung 'Man on Wire' ng The Script. Sana lang bigyan nila ng hustisya yung kanta, maganda kasi. Lalo na si Genesis, medyo wala akong tiwala sa halimaw na yun.

PS. Meron na yung bakla kong fren. Sinapak ko kanina, pumunta lang kasi ng malamang tutugtog sila Genesis. Maharot talaga. Makapal din ang mukha, siningil agad ako ng ten pesos ng maalala ang inutang ko. Wala siyang patawad Kookie babes.

PPS. Busy ako kookie, pero para sayo, gumawa ako ng time para lang maisulat ito. Tumakas pa ako para lang maipadala na. Hehehe

Ninja pagdating kay Kookie,
A.

A Letter To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon