Letter 42

58 8 0
                                    

Jungkook,

Ang daming nagalit sa akin dahil sa pagyakap ni Genesis. Ang sarap nilang sapakin, pero huwag na lang. Gusto mo diba ng babaeng mahinhin? Perfect definition ako non kookie babes!

Nakita ko ulit yung pinsan at friend ng bakla kong fren. Yung pinsan niya kookie, ang ganda! Yung mata nilang magpinsan nakakainggit. Color niya kasi grey, yung kapag minix mo yung dark blue at dark green. Deep-water grey yung kulay ng mata nila kookie babes.

Tapos yung buhok nung pinsan niyang babae, Rich daw yung pangalan, ang ganda. Straight na straight, itim na itim. Pwede nang pangcommercial ng mga brand ng shampoo. Dyosa kookie. Yung friend naman nila, Air daw pangalan, ang ganda rin. Nakakatomboy yung ganda niya kookie. Ang daming babaeng napapatingin sa kanya, ang cool kasi ng dating niya.

Hindi ito yung first time na nakita ko sila, yung first time ata eh nung first year college ako. Hindi nagbago yung beauty nila kookie babes, lalo pa silang gumanda! Sana kapag nakita mo sila huwag mo akong ipagpapalit, alam kong mas maganda sila, pero mas mahal naman kita. Char.

Nagulat lang ako na kilala pala nila Axxtel at Ross, kabanda at tropa nila Genesis at Samuel, yung pinsan at friend ng bakla kong fren. Seal nga pala yung pangalan ng bakla kong fren, pero tawagin nalang natin siyang Sea, mahaba kasi masyado ang Sealor Moon. Korny niya kookie, pero hayaan na natin.

Iyon nga kookie, kilala ni Axxtel at Ross yung dalawa. Ang wierd lang, kasi unang kita nila, tumaas yung kilay ni Rich samantalang ngumiwi lang si Air. May tinawag pa sila sa isa't isa.

Axxtel - tinawag siyang 'M'

Ross - tinawag siyang 'K'

Air - tinawag siyang 'G'

Rich - tinawag siyang 'A'

Gets mo ba kookie? Ang wierd nila no? Codename ata nila. Pati nga yung bakla kong fren tinawag nilang 'A' eh, napatunganga na lang ako. Hindi ko kasi magets.

Titig na titig si Samuel at Genesis duon sa dalawa, gandang ganda siguro. Ako din naman, hindi maalis yung tingin ko sa kanila, natural kasi yung beauty nila. Ang daming babae at lalaking lumapit sa amin, nagpapicture kay Rich at Air.

PS. Ang pangit ko. Ngayon ko lang natanggap. Hindi na talaga ako lalapit kay Rich at Air, mapagkakamalan akong upuan kung tatabi ako sa kanila.

PPS. Sobrang ganda ni Rich, nakakawala ng confidence at self-esteem kung makikita mo siya. Siya yung definition ng ganda kookie. Nakakatomboy naman si Air, lalaki at babae yung magkakagusto sa kanya. Mapapatunganga ka kung makikita mo siya, mamumula ka saka bibilis yung tibok ng puso mo. Crush ko na ata siya kookie. May boyfriend kaya siya?

Nagmukhang muchacha,
A.

A Letter To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon