Letter 19

49 12 0
                                    

Jungkook,

Binisita na naman ako ng bakla kong fren sa school. Hinalikan nya ako sa pisngi saka inakbayan. Wala naman iyong malisya, sanay na ako sa kanya. May mas malala pa nga siyang ginawa sa akin noon, nakakadiri lang talaga.

Marami raw kasing nakatingin sa akin kaya niya ako inaakbayan. Nagtaka lang ako, kapag naman tumitingin ako sa mga tao, hindi naman sila nakatingin. Paranoid lang talaga yung bakla kong fren.

Sinamahan ko siyang magstalk ng mga lalaking type niya. Kung ano anong kaharutan ang ginagawa nya, nakakahiya na minsan. Pasalamat siya mukha siyang lalaki kung hindi, baka kung ano ng nangyari sa kanya.

PS. Bago sya umalis, hinalikan nya na naman ako sa pisngi. Sumimangot lang ako, kaya kami napagkakamalang mag jowa dahil pati ako hinohokage nya.

PPS. Wag kang magselos kookie babes, ikaw lang ang nagiisa sa puso ko. Kahit na naging crush ko dati yung baklang yon nung hindi ko pa alam na kafederasyon pala sya, hindi kita ipagpapalit sa maharot kong fren.

Nagsasabi ng totoo,
A.

A Letter To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon