Jungkook,
Pinaguusapan pa rin sa buong department namin sina Rich at Air. Pati yung bakla kong fren sumikat dito sa university, ang dami tuloy nangungulit sa akin. Yung iba tinatambangan ako, buti na lang kasama ko si Genesis o si Samuel kaya medyo nahihiya yung iba.
Sabi nila ang swerte ko raw, nakakausap ko yung GSAR tapos may kakilala pa akong mga dyosa. Ang ganda nilang patahimikin, gusto kong sabihin sa kanila na magiging swerte lang ako kung naging mag asawa na tayo. Wag ka sanang matakot sa akin kookie, hindi naman kita kakagatin. Mamahalin lang. Charot!
Ginagawa namin ngayon yung thesis namin kookie, magkakatabi kaming tatlo ni Genesis at Samuel. Ang sama lagi ng tingin ni Genesis tuwing nagtatanong ako kay Samuel, natatakot kasi akong magtanong sa kanya, ang itim ng aura niya. Parang mangangain.
Bumili sandali kanina si Samuel, nung tuluyan na siyang nawala, inaway ako ng bongga ng seatmate ko. Kairita kookie, wala naman akong kasalanan sa kanya, galit na naman siya sa akin.
PS. Sabi nung seatmate ko, layuan ko raw konti si Samuel, ang lapit daw namin masyado. Hinila niya pa ako para siya na lang daw yung katabi ko. Nagseselos daw kasi siya.
PPS. Pinagtritripan niya lang ako kookie, wag kang magselos. Secret lang sana natin na namula ako sa ginawa niya.
Babes ni Kookie,
A.
BINABASA MO ANG
A Letter To You
Ficção GeralA desperate fan. A letter. A whole lot of wasting money. Char