Letter 29

38 11 0
                                    

Jungkook,

May natanggap na naman ako. Paasa lang, akala ko kasi kanina, yung nakabalot, album niyo. Square shape kasi, kasing laki pa ng mga album niyo. Pero pagkapunit ko nung balot, napasimangot talaga ako ng bongga. Una, teddy bear. Pangalawa, bouquet ng rose. Pangatlo, tape. Oo, tangina kookie babes! Mixtape ang regalo sa akin!

Tumaas talaga altapresyon ko nung makita ko yon. Nananadya lang talaga yung nagregalo. Duh? Kookie naman, wala kaming pagsalpakan ng tape. Paano ko mapapakinggan yung laman non? Yung hinayupak na nagbigay, hindi manlang inisip na wala akong device para pakinggan yung tape. Ni hindi ko nga alam kung anong gagamitin para mapakinggan kung anong laman non. Di na kasi yun uso.

PS. Hulog ng langit yung seatmate ko. Meron daw silang device para mapakinggan yun. Titig na titig pa siya kanina dun sa tape na niregalo sa akin. Tinanong ko siya kung gusto niya ba iyong hingiin, umiling lang siya saka ngumiti.

PPS. Bati na kami :)

Wala ng masabi,
A.

A Letter To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon