Chapter One.

2.6K 43 19
                                    

"Echo!" She yelled through her phone.

"Ano ba? Mamamatay ka na ba?" Her best friend yelled back.

"Malapit na." She groaned.

"Ano nanamang trip mo, Heaven Ulysses Sanchez Villarama?"

"Stop it, Heleia Jericho Del Valle-Dela Merced." She rolled her eyes.

"Wag mo kong ikutan ng mata, Uly. Ano nanamang trip mo?"

"Look, I'm bored. Binigyan ako ng 2 months vacation ng boss ko. Dahil for the past three years, hindi pa ako nagbabakasyon or hindi ako humihingi ng bakasyon, like hel--"

Echo cut her off. "Like hello talaga naman, Ulysses ano? Malamang sa malamang bibigyan ka talaga niyan ng bakasyon. Dahil sa lahat ng empleyado ng boss mo, ikaw lang ang hindi nagbabakasyon."

She groaned again. "Aanhin ko? Magpapayaman pa ko."

"Oh tapos anong gagawin mo sa yaman mo?"

"Ilalagay ko sa bangko. Tapos may interes. Edi lalaki. Ang saya lang, di ba?" She wickedly laughs.

"Hey pumpkin. Who's that?"

She heard Zeno asked. "Say Hi to Zeno for me!" She said.

"I'm talking to Uly. She said hi." Sagot ni Echo kay Zeno.

"Hey, Uly!"

"Namomroblema siya. Wala raw siyang magawa. Magpapatiwakal na lang daw siya. Kasi dalawang buwan siyang pinagbabakasyon." Echo explained.

"Wait, I've heard that AV Empire and SMNG Media needs a photographer. Uly likes to take pictures, di ba?"

"Oo nga no! Brilliant mo talaga, baby ko! Oh, narinig mo naman yon siguro, Uly di ba?"

"Ang lalandi niyo po, ano? Sarap niyong pektusan sa ngala-ngala both." She rolled her eyes. "Oo nga, mahilig akong kumuha ng pictures. Pero hindi ko alam kung tatanggapin nila yon no."

"Try mo lang."

"Yea, there's no harm in trying. Sasabihin ko na lang kina Tita Sky and Tita Summer. Or kay Ate Hero."

"Sure ba kayo dyan?"

"Oo naman, bespren! Dadaan naman kami mamaya sa empire at sa media e."

"Okay, thanks. I'll go for now. Di pa ako nagluluto. Nagugutom na ako."

"Bye! Wag kang magpapatiwakal ha? Virgin ka pa!"

"Pakyu. Bye."

Now what to do?

Bored na bored na siya. To think na 3 days pa lang naman siyang walang ginagawa. She's living in a two storey house which she inherits from her parents. She's living alone. Her parents died from a plane ride when she was 15. And now she's 25, medyo nalulungkot siya. Isama pa kasing only child siya. Ang libangan na lang niya, mga pamangkin niya sa pinsan. Siya lang kasi ang only child sa pamilya nila.

She groaned. Tinatamad na siya magluto. Lagi naman siyang pinapandalhan ng mga groceries ng mga aunties and uncles niya. Ayaw siyang magugutom. She decided to call The 22nd Avenue.

"Hi! Thank you for calling The 22nd Avenue. This is Tamara, what's your order for today?"

"Ate Tammy!"

"Oh, Uly? Kamusta?"

"Hi, Ate Tammy! Okay naman ako. Ikaw, kamusta? Yung pamangkin ko na ubod ng cute, kamusta? Tsaka si Kuya Slade?"

Tammy laughs before answering. "We're good. Hinahanap ka na nga ni Reid at Renma e."

"I'll visit soonest! Miss ko na rin sila. Ay nga pala, yung order ko, the usual ha? Paabot na hanggang dinner."

"Okay, sige. Papadeliver ko na lang dyan. I'll see you soon."

"Salamat! Bye, Ate Tam!"

*

She's been busying herself with movies. Iba ibang genres kung anong matripan niya. She's been like this. At sanay na sanay na ang best friend niyang si Echo.

She's like this since she's been single for three years. Dati kasi, pag day off niya, they were going out. At ngayon, tinatamad siyang maglalabas. Depende na lang kung papapuntahin siya ni Echo sa bahay nila.

Naalala nanaman niya ang kumag na ex. Dapat don, binibitin patiwarik. Ipagpalit daw ba siya? Kasi hindi pa raw siya mayaman. Isampal niya kaya ang laman ng passbook niya. Naiiyamot siya.

Sabi kasi nito, nasayang lang daw ang buhay nito sa loob ng isa't kalahating taon. Oh, edi wow na lang naman. Papasabugan ko ng confetti ang buong bahay nila. Mga pangit sila. Inayawan pati kasi siya ng tiyahin nito, dahil hindi pa raw siya mayaman. Ano raw ipapakain nito sa pamangkin niya?

Ba, hindi naman pala girlfriend ang hanap ng pamangkin nito. Hindi naman siya nainformed na kailangan papakainin ang buong pamilya nito. Mapapa-Edi wow ka na lang. Mapapalakpakan na lang, yung slow clap ha.

Buti na lang talaga sinunog niya lahat ng bigay nito. Saka pinadala doon ang abo ng mga binigay nito. Wicked na kung wicked, aba e magaling siya e.

Heaven on Heaven (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon