Chapter Six.

1.1K 28 2
                                    

Binati silang dalawa nang cashier. Pero mas mukang kilala nito si Sean.

"Good evening, Sir Sean! Napadaan uli kayo?"

"Ah, oo. Nakita kasi niya 'tong parlor niyo e." Turo sa kanya ni Sean.

"Girlfriend niyo, Sir? Bagay kayo!" The cashier said to them.

Nagkatinginan silang dalawa saka napatawa. "Nako, hindi niya ako girlfriend." She said.

"Edi soon-to-be!" The lady giggles. "Oh siya, ano bang order niyo?"

She looked at Sean na napakamot na lang sa may kilay nito. "What do you want?"

"Hmm. Isang strawberry icecream na may almonds."

"Ilang scoop po ba, ma'am?"

"Tatlo lang." She answered.

"Okay po, Madam. Kayo ba Sir Sean?"

"The usual." Sagot nito.

"Okay po. Tatlong scoop po ng strawberry icecream with almonds at tatlong scoop din po ng blueberry cheesecake with more cheese. May idadagdag pa po kayo?" The lady asked them.

Tumingin naman si Sean sa kanya. Umiling naman siya. "None, that's all."

Kukuha na dapat siya ng pera para magbayad pero pinigilan siya ni Sean.

"Come on, Ulysses. This'll be my treat." Saad nito.

"Ha? E pero--"

"No buts. My treat."

"Oo na. Sige na. Ako nang magbabayad sa susunod ha?" She said at tinabi ang wallet niya.

"That.. I'm not sure." He chuckles.

Kumunot ang noo niya. Magsasalita pa sana siya nang magsalita ito. "Come on, let's find a seat."

Sumunod siya rito. Pumwesto ito sa may glass wall nang shop. Marami pa rin ang nagdadaan sa pwesto nang shop. Yung iba nakatambay sa labas.

Inaantay lang nila ang order nila. Nagsakto namang tumunog ang phone nito.

"Yo." Sagot nito. "Ice cream shop. I'm with Ulysses. Yea, yea. Bye."

Napatingin siya rito nang banggitin nito ang pangalan niya.

"It's Zen. He's asking where am I."

"Bakit binanggit mo pangalan ko?"

"He was asking who am I with. Madalas kasi na ako lang ang napunta dito sa parlor e."

Tumango siya. "Malamang hinahanap din ako ni Echo. Kaya ka niya tinawagan. Di kasi yon sanay na basta na lang ako nasama. Daig pa non nanay ko e."

Sean chuckles. "Really? But with the job you have, hindi ka talaga nasama? I mean, may mga after party di ba?"

Umiling siya. "They already know na hindi talaga ako nasama sa mga after party na yan. Mas gusto ko pang nasa bahay na lang ako, nanunuod ng tv. O kaya tulog."

"You serious?"

"Oo nga. Tanong mo man kay Echo. Hindi talaga ako palalabas nang bahay. Bored lang talaga ako ngayon kaya ako napapuntang AV at SMNG."

"Bored?"

"Binigyan kasi ako ng two months leave ng boss ko. Hindi pa ako nagli-leave sa loob ng three years."

Heaven on Heaven (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon