Chapter Eight.

903 28 2
                                    

Today is the day! And today is the day na papunta siya ngayon ng beach. She's excited. Hindi nga niya alam kung nakatulog ba siya o ano.

She was just wearing a plain loose tshirt, ripped maong shorts and sneakers. Summer na pamandin ngayon. Mahirap na. Besides, dadaan pa rin naman siya sa AV, dahil may coaster doon na para sa kanila. Plus coaster na para sa mga models. Good thing, hiwalay sila. She knows some of their attitudes. At hindi niya mapipigilan ang hindi magreact. Siya pa ba?

Nagpark muna siya sa basement ng AV, saka lumabas para magpunta sa lobby. She was carrying a huge backpack. Andon na lahat nang kakailanganin niyang gamit.

Binati siya nang guard at nang receptionist. Tumuloy muna siya sa floor nila. Kukuhanin niya ang extra memory card sa desk niya.

Pasara na sana ang elevator nang may pumigil na kamay dito. She immediately press the open button.

"Thank--" Nabitin ang sasabihin nito nang makita siya. "Ulysses."

"Hi, good morning." Bati niya rito. It was Sean.

"Good morning."

"Saan kang floor?" She asked. She wasn't sure kung sa 25th din ba ito.

"28th." Sagot nito. She pressed the 28 button. "Hindi ka ba nabibigatan dyan sa dala mo?"

Tumingin siya sa likod niya saka umiling. "Di naman, sanay na."

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Hoy, strong ako! Baliw."

Tumawa naman ito. "I didn't say anything."

"Wala nga. Pero yang mga tingin mo, Sean Keith Yosef ha!"

Sean just chuckles. "I'll help you." Saad nito.

"Luh, wag na. Okay lang ako."

"I insist. 25th ka pa, di ba?" Nakahawak na ito sa backpack niya.

"And sa 28th ka pa, di ba?"

"So?" Sean raises his brow.

She rolled her eyes. "Fine." Binigay niya rito ang backpack niya.

Bahala kang mabigatan. Ginusto mo yan.

"Seriously, hindi ba sasakit ang likod mo dito?"

"I told you, sanay na ako. Dala ko pati si Range."

"Range?"

"Yung Ford Ranger ko na black."

"Yung matte black na elevated?"

Tumango siya. "Yun nga."

"What? You mean that was yours?"

"Oo nga. Kulit nito. Akin nga yon."

"Woah. Ikaw pala may ari non. They were wondering who it belongs. Isa lang kasi ang may matte black din na ranger dito e."

"Kanino?"

"Kay Nanay." Sagot nito.

"Nanay? You mean, Madam Sky?"

Tumango ito. "Tatay also uses it. But Nanay is the owner. Iisang sasakyan lang ang gamit nila. While Kuya, he owns the Range Rover."

Napanganga siya. Mayaman nga! "E yung itim na FJ Cruiser?"

Napakamot ito sa batok. "That's mine."

"Ayaw mo nang sportscar?"

"I'm not into car racing like Seb. So, no."

Heaven on Heaven (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon