Chapter Twenty One.

919 20 5
                                    

Hindi na siya nakatanggi nang biglang sumulpot sa bahay ng mga Altamirano-Villacencio ang best friend niyang si Echo. Take note, kasunod pa nito si Zeno. Sinundo naman ng kapatid ni Sean na si Sir Thunder ang kambal mga bandang alas tres ng hapon. Idagdag pang, dumating ang mag-asawang Villacencio. Lalo na siyang hindi nakaalis, lalo pa't nalaman ng mga ito na "sila" nga ni Sean. Salamat sa madaldal na bibig ng best friend niya nagngangalang, Echo.

"Best friend, luto kang carbonara, please?" Echo said. Nag-puppy eyes pa ito at nagpacute sa kanya. She rolled her eyes at her.

Inabot ni Zeno sa kanya ang mga kakailanganin niya para sa lulutuin niyang carbonara. May magagawa pa ba siya kung nandyan na ang mga ingredients?

"Pahiram apron." She told Sean. Tumayo naman ito sa pagkakaupo saka kinuha ang apron. Isinuot pa nito ang apron sa kanya.

"Turn around."

Agad naman siyang tumalikod dito. Naramdaman niya ang pagtali nito sa likod niya.

"Done."

Nagsimula na siyang magluto. Walang nangiistorbo sa kanya, nanunuod kasi sa salas ng mga Villacencio si Echo habang magkausap naman sa may backdoor si Sean at Zen. Nagsakto namang pumasok ng kusina ang ilaw ng tahanan, si Nanay Sky.

"Hi, Uly." Nanay Sky greeted her. Napalingon siya.

"Hello po." She smiled, which she returned.

"What're you cooking?"

"Carbonara po."

"I'm glad that my son chose a lady that knows how to cook." Saad ni Nanay Sky.

She blushes, her ears turned pink. "Uh, maalam lang po talaga akong magluto."

"Sean-y told me that you're living alone?"

Pinahinaan niya ang apoy sa kalan. "Ah, opo. Naikwento na po sa inyo ni Sean?"

"Well, not really nakwento but I asked him." Madam Sky pauses and laughs a little. "I was also curious, I'm sorry."

"Okay lang po." She smiled. "Opo, mag-isa lang po ko dun sa pinamanang bahay sakin ng parents ko."

"Paano yung mga groceries mo or something?"

"Some of my aunts and uncles, even cousins, nagpapadala po sila sakin. They always insist that I'm their favorite niece and cousin."

"That, nakwento sakin ni Sean. Nung sumama siya sayo papunta sa hacienda niyo. He told me that, the Villarama's gave him a warm welcome. He became friends with your cousins."

Tumango siya. "Pinababalik nga po siya ng grandparents ko. Guess they were hooked with Sean's charm." She laughs.

"I guess?" Nanay Sky pauses and laughs also. "I'm glad na nakilala ka ni Sean at pumasok ka sa AV."

"Po? Bakit po?"

"Namamatay na ang mga issues tungkol sa mga flings ng batang iyon. Atleast, some. Ewan ko ba don. Namana pa ata pagiging chickboy nung hamag hamag kong kapatid."

"Sir Cloud po?"

Tumango si Madam Sky sa kanya. "Chickboy at pachix yung isang yon e. Bago pa non malaman na ikakasal na ito kay Ate Hera, ang dami nong naging chx. Ang daming flings. Walang matinong nakarelasyon. Buti na lang talaga hindi naging ganon yang si Earth. Ibibitin ko yan patiwarik sa tapat ng bahay." Saad ni Madam Sky.

And on cue, pumasok sa kusina si Sir Earth. "I heard my name?"

"Oo, pinagtsitsismisan ka namin nitong magiging bago mo pang anak." Sagot ni Nanay Sky. Tatay Earth chuckles, and kisses Nanay Sky's forehead.

She smiled. They looked cute though.

Bumalik na uli siya pagluluto. Pinabayaan niya ang magasawang Villacencio na maglambingan, though mukang kinukulit lang naman ito ni Nanay Sky.

An hour had passed nang bumalik sa kitchen si Echo. Natripan niyang maggawa ng cheesy nachos.

"Aww, the Uly combo." Saad ni Echo. The Uly Combo = Cheesy Carbonara + Cheesy Nachos. Maumay kayo sa cheese!

"Nasan na yung dalawa?"

"I think they're buying some liquors?"

"Akala ko ba movie marathon?"

"Oo nga. Sinusundo pati nila si Mo e. Ang alam ko."

"Oh?"

"Ayaw patalo ni Seb e. Alangan siya lang daw ang walang ka-movie date." Echo laughs.

She rolled her eyes. Iba talaga si Sebastian.

"Go bring some kila Tita Sky. Nasa library sila ni Tito Earth."

"Was about to ask that, actually."

"Go na. I'll wait them here."

Tumango naman siya.

*

"Uly! Namiss kita!" Mo uttered saka siya pinanggigilang yapusin. On the other hand, her best friend just keeps on laughing at them.

Sobrang bait talaga ng best friend niya.

Hinila ito ni Mo saka niyapos din. Akala mo ngayon lang nakakakita ng tao 'tong si Mo.

"Oo na, oo na. Sige na, namiss din kita. Hindi na ako makahinga guys!" Reklamo niya.

"Love you, best friend!"

"Love you, Uly!"

Echo and Mo said in chorus. She just crinkled her nose and rolled her eyes. Hinampas siya sa balikat ni Echo. "Aw! What was that for?"

"Wala manlang 'Love you too' ha, Heaven Ulysses?" Pinanlakihan pa siya ng mata.

"Wala, hinampas mo ako. Dun ka nga kay Zen." Mahina niyang tinulak ito. She dramatically made an exit going to Zen na kausap nila Sean at Seb.

"Ikaw din, dun ka kay Seb." Saad niya kay Mo na kumakain ng nachos. Mo just laughs at her.

Nagkanya kanya silang pwesto nang magyaya na si Echo ma mag-Movie Marathon. First on the roll, Insidious 3.

Kapag hindi siya nakatulog ng ayos mamaya, sisihin niya si Echo.

"Bakit 3? Di ba dapat yung 1 muna?" Mo asked.

"Its backward. Una yung 3 last yung 1." Saad ni Echo.

"So papanuorin natin lahat?" She asked.

Echo grins at her. "Yes, best friend."

Pag talaga hindi siya nakatulog mamaya, naku naku!

Tahimik siyang nanunuod. While the two, she can hear a muffled squeals. Nakasiksik si Echo kay Zen, same with Mo. Nagsaktong pag tingin niya uli sa screen, may pinakitang nakakatakot.

"Shit, tangina!" Mahinang mura niya. She grabbed Sean's arm saka sumiksik doon. Napalingon sa kanya si Sean. He chuckles. He raises his arm and taps his chest. Dun siya sumiksik. His arm snaked on her waist and pulled her closer. Napatingin siya dalawa, even Mo, nakasiksik din kay Seb same with Echo na nakasiksik na kay Zen. Halos maupo na sa kandungan ni Zen si Echo, well its fine. Since they're married. Si Mo naman, nakapatong ang binti sa hita ni Seb.

"Tangina, ano ba?" She said again. She heard Sean chuckles. Mahina lang kasi ang pagkakasabi niya, pero dahil kalapit niya si Sean, alam niyang narinig siya nito.

"You scared?" Mahinang tanong nito.

"Oo naman no. Pag hindi talaga ako nakatulog ng ayos mamaya, sisisihin ko si Echo."

"Lakas ng trip sayo ng best friend mo no?" He chuckles.

"Wag ka na magtaka."

"Here comes the suspense part." Tinakpan ni Sean ang mata niya. Pero sumilip pa rin siya.

"Tangina."

Mali, mali ang desisyon niyang sumilip.

Heaven on Heaven (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon