Chapter Sixteen.

845 24 4
                                    

Usually, hindi siya gumigising ng maaga para lang magluto ng breakfast. Minsan kasi, tinatamad na siya. Sa office na lang siya kakain or dadaan siya sa Saffron's para bumili ng pagkain. But as of today, since she's feeling a lot better, she got up. Magluluto siya ng breakfast para sa kanila ni Sean. Mukang tulog pa rin naman ata ito. On her menu today are fried rice, bacon and eggs. And most importantly, coffee.

She's halfway through her cooking nang sumulpot si Sean sa kusina.

"Morning." He sleepily greets her. He's rubbing his eyes with his knuckles. And his bed hair.

"Morning, too." She gently smiled at him.

"Are you feeling better?" He asked.

Tumango siya. "Yea, okay okay na ko. Thank you." She said.

Lumapit ito sa kanya saka hinipo ang noo at leeg niya. "Yep, you're feeling better."

Grabe, wala bang bad breath 'tong si Sean?

"Told you. Sige na, maupo ka muna don. Matatapos na 'to."

Tumango naman ito. She handed him a mug of coffee.

Isa pang adik sa kape 'tong isang 'to.

"Thanks."

*

Nang bumaba siya ay nakagayak na rin si Sean, nanunuod ito ng tv. He was wearing an all black get up. Black shirt, black ripped jeans and black sneakers.

Anong trip ng kumag na 'to?

Napalingon ito sa kanya. "You done?"

Tumango siya. Pinatay naman nito ang tv saka kinuha ang susi nitong nasa center table. Nauna na rin itong lumabas sa kanya since siya naman ang magla-lock ng pintuan at gate.

Nanay Sky calling..

Parehas silang napatingin ni Sean sa phone nitong nasa dashboard.

"Hello, Nay? Yea, I'm with Ulysses. She's fine. Alright, thanks. Love you too."

Napalingon siya kay Sean. Other guys wouldn't say that to their parents. Mahihiya pa ito. But not Sean.

"We'll drop by our house. Andun daw yung lunch nung tatlo."

"You mean sa bahay niyo mismo?" She asked.

"Yep. Don't worry, you look good." Saad nito.

She tucked her tongue out at him which made him laughs.

It just took them a few minutes, since sa kabilang subdivision lang naman nakatira ang mga ito. Nang makarating sila sa tapat ng bahay ng mga ito ay sinabayan niya ito nang baba. Kumunot ang noo nito.

"You don't need to. I can." She said to him saka mahinang tinapik ang pisngi nito. He sighed. "Promise." She raises her right hand.

"Kung di lang kita.."

She heard him whispered. "Ano? May sinasabi ka?"

Umiling naman ito. "None. Let's go." He gently grabbed her wrist and pulled her in their house.

"The bunso is home!" Saad nito. Natawa siya.

Heaven on Heaven (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon