Chapter Fourteen.

847 26 1
                                    

"Ulysses, your supposed to be resting." Saad ni Sean sa kanya. Nilingon niya ito.

"I am resting." Sagot niya rito.

"Resting you mean playing PS4?"

Tumango siya. "Bakit? Kamay lang naman nakilos sakin a."

Sean rolled her eyes at her. "What? Natulog naman ako kanina a?"

"Ang kulit mo." Sean pinches her nose. "What do you want for lunch?"

"Ikaw?" She said.

"Ako? Hindi mo naman pala sinabing gusto mo--"

Hinampas niya ito ng unan. "Isa kang baliw."

"Pero pwede naman, kaso hindi naman kita ka-fling."

"Wala akong balak sumali sa mga ka-fling mo no."

"Sige, pag naging girlfriend na lang kita. Pwedeng pwede. I'm all yours baby!" Sagot pa nito sa kanya. Binuka pa ang dalawang braso. As if asking her for a hug.

Hinampas niya uli ito ng unan. "Magluto ka na nga ng lunch."

"Ano bang gusto mo? Pero okay lang din naman sakin kung ako--eto na nga, magluluto na ko ng lunch."

Nag-poker face kasi siya. Tapos tinaas pa ang isang kilay. Edi natahimik din. Tumayo na ito at pumunta sa kusina.

*

She was busy watching a documentary film nang bumalik na uli sa living room si Sean. May dala itong tray. Nilapag nito sa center table.

"Hindi ko alam kung anong gusto mong lunch, kasi sabi mo ako--"

She glared at him.

Sean chuckles. "So ayun nga, I cooked nilaga. Ang dami mo palang stock no?"

Tumango siya. "Lagi kasi ako pinapadalhan nila Uncle o kaya nila Auntie. So hindi na problema sakin ang groceries."

Tumango tango ito. "Let's eat?"

She nodded. Tahimik lang silang kumakain. Seriously, mas nauna pang matapos si Sean sa kanya. E to think ang dami nitong kinuhang kanin.

San kaya nito yon nilalagay? Sa abs non?

"You done?" Tanong nito.

Tumango siya. "Salamat sa pagluluto."

"You're welcome. Here, drink this."

Ugh, kaya ayaw niyang nagkakasakit e.

Tatayo na dapat siya para imisin ang pinagkainan nila pero pinigil siya ni Sean. "Ako na, magpahinga ka na."

"Pero--"

"Come on, Heaven Ulysses. You're sick. Magpahinga ka na dun."

She pouted saka pumwesto sa sofa. "Good."

Binelatan niya lang ito. And in return he pinches her nose. Pumwesto na uli siya sa sofa at saka naghanap ng papanuorin until she fell asleep. Mukang may pampaantok ata yung gamot na binigay ni Sean sa kanya.

Nilinis naman ni Sean ang pinaglutuan niya kanina pati na rin ang pinagkainan nila. He silently observed the Villarama's humble home. Though mag-isa si Ulysses na nakatira dito, its full of life and love. Kabilaan ang pictures ng family nito. Pati na rin ang iba ibang paintings na nakasabit sa dingding ng mga ito. Even sa dining slash kitchen ng mga ito, may paintings din. He intently looked at it. May nakalagay ditong HUVillarama. May signature rin.

Heaven Ulysses Villarama? So, Ulysses paints?

He was disturbed on his own thoughts by his phone ringing.

Heaven on Heaven (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon