Chapter Seventeen.

875 26 1
                                    

Good morning, Ulysses. :)

Yun agad ang bumungad kay Uly nang tingnan niya ang phone niya. Tiningnan niya ang oras, it was just 6:15 in the morning. At 7am na ngayon. Usapan naman nila ay 8.

Good morning din. Aga mo?

Tumayo na siya at saka pumasok ng banyo. Ginawa ang morning rituals niya.

She decided to make pancakes and sunny side up and a coffee. Siguro naman magi-stop over sila sa isang kainan. Mahirap nang magutom.

Yea. Zen, Seb and I went jogging. Did you ate your breakfast?

Good morning bespren! Ingat kayo ni Sean-y bebe sa byahe mamaya. Nag-good luck na ako sa kanya. Hihi. Mwa!

Muntik na niyang maibuga ang kape dahil sa sinabi ni Echo. Minsan talaga gusto niyang sakalin ito.

Kumakain pa lang. Ikaw? Kumakain ka nanaman ng damo?

She crinkled her nose. If Sean has one weakness, malamang ang salad yon. At ang blueberry cheesecake. Adik yon kumain non e.

Walang good sa morning. Tatadyakan kita. Anong sinabi mo kay Sean?

Sean sent her a photo of his salad and ano yon? Tea? Wow, edi siya na ang conscious sa katawan. Siya na ang healthy at fit.

Seriously, Sean Keith Yosef? Salad? In the morning?

What? It's good for your body. You should eat some.

Sabi ko lang naman sa kanya, good luck. I know, si Tita Marcy at Tita Dors ang excited na makilala si Sean-y. ;)

She groaned. Eto talagang best friend niya, kahit kailan. Minsan iniisip niya kung bakit niya ito naging best friend, sinapak nga pala niya yung nanga-away dito noong highschoool sila. And they both love arts, maybe that's why.

Ugh, tinawagan ko nga si Tita Marz kahapon, sabi ko lang may kasama akong kaibigan. Wala pa akong sinasabing gender, kung boyfriend ko raw ba yon.

Ewan ko sayo, Sean Keith Yosef. Kakain na lang ako ng pancakes, kesa salad.

Inubos na niya ang ginawa niyang pancakes at kape saka umakyat muli sa kanyang kwarto para maligo. Good thing, she already packed her things yesterday.

*

Sean Villacencio calling..

"Yo."

"I'm outside your house. Can I come in?"

"Sure. Kanina ka pa?"

"Nah, ngayon ngayon lang."

Binuksan niya ang pintuan nila, and there he is, the Sean Villacencio walking towards her looking fresh and all, with just wearing a floral polo, ripped jeans and sneakers. When he looked at her, he smiled. May nakasukbit ditong shoulder bag.

Kalma puso, kalma.

"Hey, good morning."

"Good morning din, pasok."

"Thanks."

When he passed beside her, naamoy niya ang pabango nito. And darn, he really smells good. Di pa niya ata ito naamoy na mabaho e. Kahit ata pagpawisan 'to, mabango pa rin.

"Nagcommute ka lang?"

"Yep, we'll be using Range, right?"

"Yea. Ikaw magda-drive?"

Heaven on Heaven (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon