Dalawang taon na ang nakakalipas ng magbago ang lahat,
In just one snap, nagbago ang buhay ko, In just one snap lumaki ang pamilya ko, dating nag iisa ako, ngayon madami na ako kasama at pamilya, nakilala ko ang kuya ko, nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan.
At nakilala ko ang taong magpapaibig sakin, dalawang taon na ang lumipas pero sya padin ang mahal at laman ng puso ko, dalawang taon na ang lumipas wala kaming komunikasyon, kinakamusta ko lang sya kay kuya at ganon din sya, hindi kami yung direct na mag usap, ewan ko ba sa kanya.
At ewan ko din sa puso ko kung bakit sya padin, sa loob ng dalawang taon madami akong nakilala at nakahalubilo, may mga nanligaw din sakin, kaso hindi ko pinatulan dahil nga mahal ko pa ang taong naiwan ko sa pilipinas.
Pero sa loob ng dalawang taon may taong nangalaga sakin bukod kay Kariza sya yung taong nagturo sakin ng lahat at lagi kong kasama pag pupunta ako sa rug sa iba't ibang lugar dito sa states. Ang boyfriend ko.
Dalawang taon na ang lumipas napagtagumpayan ko ang inaasam ko na maging karapatdapat maging Queen, sa tulong ng boyfriend ko, nag sanay ako sa loob ng dalawang taon, habang nag sasanay ako nag aaral din ako.
Ngayon, kaya kona ipagtanggol ang mga nasasakupan ko, kaya ko na sila protektahan bilang Queen nila, pangangalaan ko sila ng tama, at ngayong araw idedeklara dito sa states na ako ang queen ng rug.
Yhoana's pov..
Heto na ako ngayon pababa na ng hagdan, ngayon ang araw na ia-announce sa buong RUG sa states na ako ang magiging QUEEN nila, kasama ko papaba ng hagdan ang escort ko "slash" Boyfriend ko.
Nakilala ko ang boyfriend ko dito sa state. Sya ang nagturo sakin ng lahat, kasa-kasama naming ni kariza dito, classmate din naman sya.
"ready kana ba sa lahat ng tungkulin mo girlfriend kong Queen?" tanong sakin ng boyfriend ko.
"hmm oo handing handa nako sa lahat" sagot ko na lang dito.
"LET'S ALL WELCOME THE QUEEN OF RUG! QUEEN YVONE VILLASQUEZ! LET'S GIVE HER A BIG CLAP" narinig kong sabi ni tito Carl at tita Kate,
Nakarating kami ng stage at hindi nya ako iniwan dito sa stage, nasa stage din si tito Carl at tita kat6e, sila ang magpapakilala sakin sa lahat.
"ang bata naman ng Queen natin, sigurado ba silang kaya na nyan na maging Queen sating lahat"
"ang ganda ng Queen"
"ang bata"
"tss mag maganda ako"
Samo't saring narinig ko na sinabi ng karamihan dito.
"hmm, who wants to try my strength? Anyone?" tanong ko sa kanila sabay nag smirk.
"you! Come!" turo ko dun sa unang narinig kong umangal na ang bata ko daw at parang hindi ko pa daw kaya, mejo may idad na sya. At makikita mo sa tindig nya na may kaya sya at mukang mataas ang tungkulin nya sa RUG.
Lumapit namn ito sakin at mahahalata mong mayabang ito.
"What did you say earlier?" sabi ko habang pababa ng stage "Young? Yeah I am young but I think I am better than you, why? Because you're older than me"
Nakababa nako at ako na ang lumapit sa kinaroroonan nya hindi naman gaanong kalapit,
"bastos pala tong papalit na Queen eh, walang modo" sabi nito at tumawa, may iba naman tumawa at tiningnan ko sila ng masama , natigil naman sila.
"Why don't you try me?" panghahamon ko dito.
Hindi naman na to nag salita at nauna na umataki, hmm may ipagmamayabang naman pala eh, mabilis itong tumungo sa likuran ko at kumuha ng kunai sa mga lagayan na malapit sa tabi ko. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tinutok nito ang kuni sa likuran ko.
"hindi ka manlang ba gagalaw jan sa kinatatayuan mo?" tanong nito sakin.
"wag mo ng hilingin pang gumalaw ako mula sa kinatatayuan ko dahil baka ako na ang tumututok sayo ng kunai na hawak mo" sabi ko dito.
"show me what you've got our Queen, ipakita mo samin na karapat dapat ka nga bilang Queen namin" sinusubukan talaga ako nito.
"kfine *snap*" sabi ko saka nag snap.
"Ho-how!" sabi nito na gulat dahil in just one snap nasa likod na nya ako at yung hawak nyang kunai nakatutok na sa leeg nya.
"di ka makawala? Bakit kaya? *whisper* hmm kasi traydor ka sa nasasakupan ko "
Sabi ko at saka sya ginilitan sa harap ng mga nakakasakupan ko, madaming nagulat at natakot."Why did you kill our leader?!" sigaw ng isang babae. Babatuhin sana ako nito ng dagger pero inunahan ko na sya. At sapul sa noo nya. Bulls eye!
"hmm is that enough? Do you all agree that I am going to be the Queen of RUG?" tanong ko sa lahat.
"NO! THE QUEEN DOESN'T KILL HER SERVANT" sigaw ng isa.
"Did I? Am I doing what I want, lalo na sa mga traydor" sabi ko " This man and that girl is a traitor" turo ko sa pinatay ko, at bumalik na sa stage. At tiningnan lahat ng nandito.
"Okay the announcement is all done, I think the Queen Yvone deserved to be the Queen isn't?" tanong ni tita Kate sa lahat.
"Welcome our Queen Yvonne" sabi ng isa at saka yumuko.
"Welcome our Queen Yvonne!!" sunod ng lahat.
*snap* nag snap ako hudyat para tumingin sila sakin at makinig.
"maari na kayo umalis, mag ingat kayo" sabi ko. At umalis na ng stage.
Nasa kotse na kami ngayon, kasama ko padin ang boyfriend ko, sya driver ko haha uuwe na ako sa bahay, naiwan si Kariza dun eh, ayaw sumama tinatamad daw,
"Yvone ano balak mo ngayon bakasyon?" pag basag ng katahimikan ni Axel,
"Uuwe na kami ng pinas ngayong bakasyon, sama ka?" tanong ko dito.
Yes uuwe na kami ng pinas dahil napagtagumpayan ko ang balak ko na maging karapatdapat na Queen ng RUG
"why not haha hihiwalay bako sa girlfriend ko, syempre hindi"
"Good, bukas na last day ng pasok natin sa school diba, paalam tayo sa mga nagging friends natin dito, dahil baka matagalan pa pagbalik ko dito"
"sige, bukas na natin pag usapan mukang pagod ka eh" sabi nito. At nag drive na lang.
Hindi naman nagtagal nakarating na kami sa bahay, dumaretso nako sa kwarto ko at magpapahinga na,
Uuwe ako ng pinas siguro si tito at tita papaiwan muna dito sa states mukang may kailangan silang tapusin eh, si Kariza at si Axel lang kasama ko bumalik ng pinas.
3rd yr nako ngayong taon at magbabakasyon na , sa susunod na pasukan 4th yr nako, same course padin ang kinuha namin ni Kariza, yung company na naiwan ko sa pinas si Carlos ang umaasikaso.
Yung school si tita Dette padin ang namamahala pero merong nagbago sa school na yon, dahil open na sya sa lahat ng elite students, lahat basta may kayang pumasok sa school na yon , mapera, may maipagmamayabang, malakas, at matapang, pero bawal ang bully, pag may bully tuturuan ng leksyon ng grupo nila kuya. Pero hindi padin talaga maiwsan ang bully eh.
Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaawn!
BINABASA MO ANG
Just One Snap (Season 2)
ActionNOTE! please read the season 1 first bago ito, dahil may hindi ka maiintindihan kung 2 agad ang babasahin bago ang 1, bagong kakampi? bagong kaaway? bagong pag ibig? malalaman kung babasahin. haha enjoy chaaar! wala ako masabi sa description.